Lumipas ang tatlong taon ngunit bihira ko na rin makita si Jade. Kahit laging binabalita sa kin ni Wila pag nandyan sya hindi ko na ito pinupuntahan hanggang nagsawa na rin si Wila magsabi sa akin tungkol kay Jade. Alam kasi nyang nasaktan ako nung nakita kong may kasama si Jade na lalaki.
"Magandang umaga po." Bati ko kay Lola Cora.
"Hindi ka sumama kay Cristy sa palengke ngayon?" Tanong naman nya.
"Hindi po La. Samahan ko daw po kayo bisitahin si Lola Althea sabi ni Nanay Cristy. Kain na po kayo nagluto na rin ako ng agahan."
Naging sanay na rin akong kasama sila mula nung nakita nila ako ay naging mabuti ang pakikisama nila sa akin. Di na rin ako umaasang mahanap ang pamilya ko lumipas na kasi ang ilang taon pero wala pa rin akong balita tungkol sa pamilya ko. Wala naman naghahanap sa kin kaya mas minabuti ko na lang dito tumira sa kanila. Nasanay na rin ako na lagi kong sinasamahan si Lola Cora sa puntod ng kanyang kapatid. Ang dami nyang kwento sa kin tungkol na mabubuting bagay na ginawa nito para sa kanya.
Pagkadating namin sa puntod ni Lola Althea ay hinayaan ko munang magdasal si Lola Cora. Abala naman ako sa pagayos ng puntod nilapag ko ang bulaklak na dala naming at nagsindi rin ako ng kandila dito.
"Glaiza, halika dito." Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Lola Cora. Hinawakan niya aking mukha at titig na titig sya sa kin.
"Alam mo apo. Kamukhang kamukha mo talaga si Althea lalo na nung mahaba pa yung buhok mo. Siguro ikaw ang biyaya sa min ng Diyos para masuklian ko ang kabutihan ni Althea sa kin dati. Pag nawala ako wag mong kakalimutan bisitahin ang puntod ng Lola Althea mo ha? Lagyan mo sya lagi ng bulaklak at ipagdasal mo ang kaluluwa nya."
"Opo gagawin ko yung Lola. Wag nyo naman sabihin na mawawala na kayo. Lakas lakas nyo pa oh. Maabutan nyo pa magiging apo nyo kay Alchris." Ngumiti pa sya sa akin bago ko sya nakitang bumagsak sa damuhan.
"Lola Cora!"
***
Isang linggo na ang nakaraan ng mawala si Lola Cora. Hindi namin matanggap ang mga pangyayaring yun. Naging mahirap ito lalo na kay Alchris at Nanay Cristy, halos pinipilit ko na nga lang na pumasok si Alchris sa skwelahan. Si Nanay Cristy naman ay hindi kaya magtinda kaya ako na lang ang pumupunta sa pwesto namin sa palengke. Isang buwan din na ako lang mag-isa ang nag-aayos ng mga kailangan namin sa bahay at tindahan.
"Althea" Tawag sa kin ni Nanay Cristy isang gabi ng maabutan ko pa syang gising.
"Nay, gising pa kayo. Kumain na ba kayo?" Hindi nya ako sinagot at bigla na lang akong niyakap habang humihikbi.
"Salamat anak at nandito ka. Tama nga si Nanay. Hulog ka ng langit sa min. Patawarin mo ako anak at di kita natutulungan. Dapat ako ang matatag dito ngunit ako pa ang nagpapabigat sa inyo lalo na at di ka naman talaga naming ka ano-ano di mo pa rin kami pinabayaan anak."
"Wala po yon Nay. Kahit naman di nyo ako kamaganak tinuring nyo pa rin po akong anak nyo. Mahal na mahal ko po kayo nila Alchris at Lola Cora."
"Hayaan mo bukas anak ako na uli ang magtitinda sa palengke magpahinga ka na lang muna sa bahay."
"Sige po Nay. Tara na po sa loob."
Kinabukasan ay maaga akong gumising para ipagluto si Nanay at Alchris ng pagkain. Hinanda ko na rin ang mga dadalhing paninda ni Nanay.
"Good morning Ate Glaiza!" Yakap sa kin ni Alchris.
"Good morning. Kain ka na. Yung baon mo nandyan na ha baka makalimutan mong dalhin." Batik o naman kay Alchris nakita ko rin na gising na si Nanay.
BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going