Chapter 20 - End

1.2K 84 22
                                        

Lumipas ang tatlong taon pero si Althea pa rin ang laman ng aking puso. Sinubukan ko rin naman makipagdate pero si Althea pa rin talaga ang mahal ko. Bumalik na ako sa Manila pero tinitiyak ko na mabisita ko sya kahit isang beses sa isang buwan.

Flashback

"Jade, nandito na tayo. Ayan yung libingan ni Althea katabi ito ay ang kanyang ama at ina." Sabi ni Manang Miling.

"Salamat po Manang. Pwede pong maiwan nyo muna ako sandali."

"Oh sige iha. Bibisitahin ko lang ang libingan ng aking asawa. Babalikan na lang kita dito ha?"

"Sige po. Salamat Manang."

Sinimulan sindihan ni Jade ang kandila na kanyang dala. Nilapag nya din ang bulaklak na bili nya sa may labas ng sementeryo. Huminga pa ito ng malalim bago nagsalita.

"Althea.. Ang daya mo naman eh.. Sabi mo babalikan mo ko? Pero nasan ka na ngayon? Nandyan ka na.. Kung alam ko lang mangyayari lahat ng ito hindi ko na kayo pinayagan ni Batching bumalik dito.. Sana buhay ka pa ngayon.. Nakakasama pa kita.. Nayayakap pa.. Kung alam mo lang Althea kung gano kasakit ang nangyari sa kin habang wala ka.." Tuloy tuloy ang luha na pumapatak sa mga mata ni Jade. Bago pa man sya magsalita uli ay biglang may tumawag sa likod nya.

"Jade? Ikaw ba yan?" Napalingon naman si Jade sa taong nagsalita.

"B-Batching?" Sinusubukan nyang ianinag ang mukha nito.

"Jade ikaw nga! Nakita mo na pala ang libingan ni Althea. Mabuti at nakita kita dito."

"Batching, kamusta ka na? Ano ng nangyari sa pamilya mo mula noon?"

"Lumipat kami dyan sa kabilang bayan. Lagi ko pa rin pinupuntahan dito si Althea. Lagi kong nililinis ang kanyang puntod. Ang alam ko ang ibang kamag-anak ni Althea ay nandito pa rin pero hindi ko na sila nakikita."

"Batching natutuwa ako at nakita kita dito. Kahapon ko lang nakuha ang sulat mo kaya pumunta ako agad dito ngayon."

Madami pang napagkwentuhan ang dalawa sa mga nangyari at gano naging mabuting kaibigan si Althea kay Batching.

End of Flashback

Mula noong nakita ko si Batching sa libingan ni Althea lagi ko syang nakakasama sa pagbisita doon. Ngunit nagbago iyon nung namatay si Batching last year naging mag-isa na naman ako. Pero pagkatapos mamatay ni Batching lagi na akong nakakakita ng ibang bulaklak sa puntod ni Althea. Naalala ko ang sabi ni Batching na nandito pa rin ang mga kamag-anak ni Althea baka isa sa mga ito ay binibisita sya.

Bukas ang death anniversary ni Althea kakarating ko pa lang dito pero hindi ko muna sya pinuntahan. Una kong pinuntahan si Ama para makita ako nito agad. Minsan ay sinasamahan din ako ni Ama sa puntod ni Althea. Naikwento ko na rin sa kanya ang mga nangyari sa una ay hindi ito naniniwala. Nang dalhin ko si Batching sa bahay upang ikwento sa kanya ang mga nangyari ay naniwala na din ito.

Flashback

"Cecilia, naalala mo ba yung ibinigay ko na sulat sa iyo noon? Para talaga yun kay Jade." Inabot naman ni Jade kay Ama ang mga sulat na natanggap nya sa pamamagitan nito.

"Hindi ako makapaniwala na nangyayari pala talaga ito. Kala ko ay katulad lang ito ng mga drama na napapanood ko sa telebisyon."

Natatawa naman ang dalawa sa sinabi ng kanyang Ama. Natuwa din ito na si Althea ang minahal ni Jade dahil alam nya kung gaano kabusilak ang puso ni Althea.

End of Flashback

Pinuntahan ko na si Ama sa hacienda at ibinigay ang mga pasalubong nila Mama minsan sumasama din sila sa kin pag pinupuntahan ko si Ama.

Dear JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon