Lumipas ang mga ilang araw at mas lalo lang kaming nagiging close ni Althea. Lagi din silang pumupunta sa ilog nagbabakasakali na makabalik na si Althea sa kanyang panahon.
Isang araw may dumating na bisita ang lola ni Jade. Isa sa mga kilalang Psychic sa bayan nila. Kinausap ito ni Jade tungkol sa kalagayan ni Althea. Gulat man ito naiintidihan nya ang naging sitwasyon ni Althea. Pumunta sila sa may malaking bato kung saan nya nakita si Althea.
"Apo, dito ko po nakita si Althea mulang ng may tumamang malakas na kidlat dito." Pagpapaliwanag ni Jade sa matanda.
Tumango lamang ito sa kanya at nagmasid masid sa paligid. Hinawakan nya ang puno malapit sa malaking bato at parang nagdadasal ito.
"Maari ba kitang hawakan Althea?" Inilahad naming ni Althea ang kanyang kamay kay Apo.
"Ikaw ang nawawalang anak ng mga Guevarra. Si Althea Guevarra. Ang tagal ka nilang hinanap napunta ka pala sa panahong ito kaya di ka nakabalik."
"Pano nyo po nalaman yun? HInanap po ako ng aking mga gulang? Nasan na sila?" Sunod sunod na tanong ni Althea kay Apo.
"Hindi ko alam kung asan na sila ngayon Althea. Nakita ko ang mga nakaraan mo sa paghawak ko ng iyong mga kamay. Pumunta sila sa Maynila nung nawala ka sa pagaakala na mahahanap ka nila dun."
Naiiyak si Althea sa mga nalaman kay Apo. Sinisisi nya ang sarili sa mga nangyari. Di nya alam kung pagbalik nya ay nandun pa ang kanyang magulang. Marahil ay sobrang nagaalala ito sa kanya.
"Apo, may magagawa ba tayong paraan kung pano makakabalik si Althea sa kanyang panahon."
"Meron Jade ngunit di ako sigurado kung gagana ito. Maaring sa ibang panahon makapunta sa si Althea pag binuksan natin ang portal na ito. Walang kasiguraduhan Jade. Napakadelikado ng hakbang na ito para kay Althea at para sa atin. Maaring magbukas din ang portal sa ibang panahon at may makapuntang ibang tao dito."
Tumingin si Jade kay Althea na may pagtatanong kung gusto nyang subukan ito o hindi. Hindi rin sigurado si Althea sa isasagot kay Jade pero gusto nya itong subukan. Tumango ito kay Jade na may pagsangayon.
"Apo, susubukan po naming pero sasamahan ko po si Althea."
"Hindi pwede Jade. Di ka pwedeng umalis dito sigurado akong mag-alala ang iyong lola. Masyadong delikado Jade. Pano kung di ka na makabalik sa panahong ito?"
"Tama si Althea, Jade. Napaka mapangahas ang hakbang na gusto mong tahakin. Ngunit may paraan pa para makabalik ka dito" Pag-sangayon ni Apo kay Althea.
"Pano po Apo?" Halos sabay na tanong ng dalawa.
"Hanapin mo ako sa panahon ni Althea. Ang batang ako. Sigurado ako na matutunlungan kita makabalik dito."
"Talaga po Apo? Salamat po. Pag-uusapan po namin ito ni Althea." Tuwang sabi ni Jade sa mga nalaman nya.
"Sa ma-kalawa ay bilog ang buwan maari natin mabuksan ang portal ng panahon. Kaya pag-isipan mo Jade ng mabuti ang gagawin mong hakbang dahil maaring maapektuhan ang kasalukuyan sa mga ano mang pagbabago na magagawa natin sa panahon."
"Opo Apo. Pag-iisipan po naming mabuti ito ni Althea. Maraming salamat po sa tulong nya."
"Walang anuman iha. Si Althea ay isa ko sa matatalik na kaibigan noon. Gusto ko din itong matulungan."
Nagtataka naman si Althea kung sino si Apo sa mga kaibigan nya. Ngunit naalala nya ang nag-iisa nyang kaibigan na napapagkakamalang magkukulam dahil kung ano ano ang mga pinagsasabi nito.
"Baching? Ikaw ba yan?" Hinawakan nya ang mukha nito at niyakap.
"Ako nga ito Althea. Naalala mo si Cecilia? Sya ang lola ni Jade." Galak na galak ito na nakilala sya ni Althea.
"Si Cecilia ang lola ni Jade? Kaya pala napaka pamilyar ng inyong mga mukha."
"Nagulat nga ako ng makita kita. Yun din daw ang naging reaksyon ni Cecilia nung una kang ipakilala sa kanya ni Jade. Kaya ako pumunta doon dahil alam ni Cecilia na baka ikaw nga ang nawawalang Althea at tama nga ito."
"Nakakapanibago na makita ko ang inyong mga muka na ganyan na umedad na. Kayong dalawa ni Cecilia ang napakagandang babae noon sa ating nayon."
"At is aka na dun Althea. Sobrang nagagalak ako na makita kitang muli. Sabi na nga ba sumama ka dun sa kausap mo sa telepono na babae. Si Jade pala iyon. Apo pa ni Cecilia. "
"Oo nga buti at sa kanya ako napunta. Dahil baka hindi ko na alam ang aking gagawin kung sa ibang panahon pa ako napunta. "
Natatawa na lamang si Jade sa mga pinagkkwentuhan ng mga ito. Umuwi na sila sa mansion ng mga Tanchingco para ibalita kay Ama ang mga nangyari. Di na natigil ang tatlo sa mga kwentuhan nila at manghang mangha pa ang mga ito sa mga nangyari. Nalaman ko rin na si Ben pala na dapat mapapangasawa ni Althea ay ang kanyang Angkong. Dahil sa nawala nga si Althea pinareha na lang ito sa kanyang Ama.
Maghahapunan na ng umalis si Apo. Pumasok muna sina Jade at Althea sa kwarto upang magpahinga. Naramdaman naman ni Jade na may yumakap sa likod nya at niyakap ko
"Salamat Jade kung hindi dahil sayo di ako makakabalik sa amin. Maraming salamat talaga."
Humarap naman si Jade sa kanya at ngumiti.
"Sigurado ka bang gusto mong sumama sa kin? Delikado kasi yun di ba? Saka pano kung di ka na maka—" Naputol ang sasabihin ni Althea dahil hinalikan ito ni Jade. PInutol ni Jade ang halik saka ito sumagot.
"Althea, kaya ko naman sarili ko eh. Wag kang magalala sa kin. Saka sabi nga ni Apo di ba makakabalik ako dito? Hahanapin lang natin sya. Wag ka na magalala please?"
"Sige. Ngunit pagpunta natin doon lagi kang sasama sa akin para hindi na magtanong ang ibang tao. Ako na ang bahala sa mga katanungan nila. Basta kailangan mong mag-ingat."
"Opo." Sabay yakap nito kay Althea.
To be continued..
BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going