"Jade, pwede ba natin puntahan si Cathleen? Gusto lang magpaalam ni Batching kay Cathleen. Magpapasalamat na rin daw sya." Sambit ni Althea kay Jade.
"Hmm. Sige para kay Batching."
"Salamat Love."
"Tara? Batching?"
Ilang sandali pa ay nakarating na ang tatlo sa clinic ni Cathleen. Sakto naman ay wala itong pasyente kaya na-accommodate sila agad.
"Nabisita kayo? Miss nyo na ako no, Althea?" Biro ni Cathleen sa mga ito pero mukhang di natuwa si Jade sa sinabi na ito ni Cathleen. Napataas pa ang kilay nito at hinigpitan ang kapit kay Althea para makita ni Cathleen.
"Ah hindi Cathleen. Uuwi na kasi si Batching sabi nya gusto nya muna magpaalam sayo bago sya umalis."
"Ay talaga Batching? Nakakalungkot naman aalis ka agad. Mammiss kita." Tumayo pa ito para mayakap si Batching.
"Salamat sa lahat ng tulong Cathleen. Kailangan ko kasing umuwi nab aka hinahanap na ako ng aking pamilya. Napakabuti ng kalooban mo. Maraming salamat sa lahat."
"Thank you rin nakilala ko kayo ni Althea."
"Ah Cathleen. Saan yung cr dito? Kailangan ko kasi magcr." Singit ni Jade.
"Paglabas mo kaliwa ka tas yung first door yun na."
"Ok. Thank you. Love, samahan mo ako. Batching usap muna kayo ni Cathleen." Hindi nya na hinintay makasagot ang mga ito hinila nya na ang kamay ni Althea palabas ng kwarto. Pagdating nila sa cr ay pinapasok nya si Althea sa loob at malakas na sinira ang pinto.
"Ayoko yung mga tingin ni Cathleen sayo. Sobrang nagseselos ako. Ugh" Gulat man si Althea sa mga sinabi ni Jade di nya ito pinahalata sa dalaga.
"Kaya ba dinala mo ako dito? Para makalayo kay Cathleen?" Tumango lang si Jade dahil nahihiya ito sa mga inaasal nya.
"Love, wala kang dapat ikaselos kay Cathleen. Ikaw lang mahal ko at sayo lang ako. Malinaw ba yon?"
"Promise?"
"Pangako, love. Ngiti ka na. Ayokong nakikita kang nakakunot yang noo mo."
"Hmp. Kiss ko muna?"
"Ayan. Mwah Mwa Mwah. Tatlong halik sa labi mo."
"Kulang pa." Sabay hila nito sa batok ni Althea at inangkin ang mga labi nito. Napakapit naman si Althea sa bewang nito at nilapit sa kanya.
Bago pa lumalim ang halikan nila ay biglang may nagbukas ng pinto nang di nila inaasahan.
"JADE?!" Sabay naman silang napalingon kung sino ang nagsalita.
"Bestie?! Wait lang love sundan ko lang si Bianca."
"Sige love."
Lumabas agad si Jade sa CR para puntahan si Bianca. Nakita nya itong palabas na ng clinic buti na lang at naabutan nya ito.
"Bestie wait!" Pigil nya dito.
"Wth bestie. Ikaw ang pinakahuling tao na ineexpect kong makita sa cr na nakikipagmake out pero hindi sa guy sa babae! Anong nangyayari sayo? Kala ko phase lang yung kay Cathleen dati?"
"Wait bestie. Listen please. Si Althea, girlfriend ko na sya. I love her, bestie."
"At girlfriend mo na sya? Di ko man lang sya nakilala? Di mo man lang pinakilala sa kin?"
"Bestie, nameet ko sya sa province tas ayun dun na nagstart na nafall ako sa kanya. Tara papakilala kita sa kanya. Sorry na bestie."
"Ok fine. Pero galit pa rin ako sayo dahil di mo sinabi sa kin tungkol dyan sa girlfriend mo."
Pumasok na ang dalawa at dumiretso sa room ni Cathleen.
"Hey Bianca. Nandito ka pala. Anong ginagawa mo dito? May nangyari na naman ba kay Maerinel?"
"Ah wala. Hihingi lang sana uli ako nung reseta ng gamot ni Maerinel nawala kasi ng yaya nya."
"Ay sige. Wait igagawa kita."
"Love, si Bianca pala. Bianca, si Althea girlfriend ko. Althea, si Bianca bestfriend ko."
"Kinagagalak kong makilala ka Bianca." Abot ng kamay nito kay Bianca.
"Nice meeting you too. Wag mong sasaktan kong bestie ko ha? Saka magtiis ka lang dyan medyo baliw kasi yan saka may pagkaweirdo kaya tiisin mo lang sya ha?" Binatukan naman sya ni Jade dahil sa mga pinagsasabi nya.
"Pag yan nagbago yung isip lagot ka talaga sa kin King. Di lang batok matitikman mo." Natawa naman sila dahil sa reaksyon ni Jade.
"Joke lang naman yun Jade. Saka hindi pa tayo bati ah? Binatukan mo na uli ako."
"Alam ko namang di mo ko matitiis bestie dahil love na love moa ng bestfriend mo di ba?"
"Asa. Yuck pati ako minamanyak mo bestie."
"What? Ok lang. Love naman ako ni Althea di ba love?"
"Oo naman love." Sagot nito at may paghalik pa sa noo ni Jade.
"Ano ba yan. Wag nga kayo dito. Nakakainis."
"Hahaha. Bitter!"
Naisipan nillang magdinner para makilala pa ng mabuti ni Bianca si Althea. Sumama din si Cathleen sa mga ito kaya panay rin ang selos ni Jade. Naging mahaba ang gabi para sa kanila at kanya kanya din silang naguwian pagkatapos dahil maaga pa ang alis nilang tatlo bukas.
***
YEAR 1940
Malalim na ang gabi ng humahangos na pumunta ang isa sa mga tauhan ng Guevarra sa mansyon para sabihin dito ang magandang balita na nalaman.
"Oh bakit ka humahangos?" Salubong sa kanya ni Felix
"Amo, narinig ko dun sa manghuhula sa kabilang baryo kabilugan ng buwan daw bukas pagkakataon na po para malaman natin kung nagsasabi ng totoo ang matandang Luna."
"Sige puntahan nyo sya at ibalita nyo ang mga nalaman nyo sa kanya. Sabihin nyong maghanda na sya dahil kung malaman kong nagsisinungaling yan ay lagot talaga ang pamilya nya."
"Sige po Amo."
Dali dali naman itong umalis at pumunta sa budega kung saan nakakulong ang matandang Luna. Pinaghanda na nila ito sa mga kailangan nya para sa gagawin na ritwal. Takot man ang matandang Luna dahil ngayon pa lang nya gagawin ito at matanda na sya masyado para dito. Pero di nya kayang pabayaan ang kanyang pamilya ayaw nyang mapahamak ang mga ito.
"Panginoon, kayo na pong bahala sa akin pati na rin po sa aking pamilya." Munting dasal nya bago ito magpahinga.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomansaAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going