CHAPTER 18
Kinakabukasan ay maagang nagising ang tatlo at naghanda na ang mga ito para sa kanilang pag-alis.
"Jade, wag mong kakalimutang tumawag dito pagkarating nyo sa bahay ng iyong Ama para hindi kami mag-alala sayo ha? Ikamusta mo na rin ako kay Ama paki sabi na bibisitahin namin kayo dun." Sabi ng Papa ni Jade.
"Yes po Papa. For sure matutuwa si Ama pagbinisita natin sya dun."
"Sige na Jade. Umaalis na kayo baka malate pa kayo sa flight nyo. Mag-ingat kayo ha?"
Nagpaalam na ang mga ito sa pamilya ni Jade at dumiretso na sa airport para sa flight nila. Sumama din si Cathleen at Bianca sa paghatid sa mga ito.
"Ay nako Bestie baka sa next na uwi mo kasal ka na dyan kay Althea ha?" Biro nito sa dalawa dahil sa hindi ito magpahiwalay sa isa't isa. Di naman maiwasan ni Jade na mamula dahil sa sinabi ni Bianca.
"Sira ka talaga Bestie! Nakakahiya kay Althea mga pinagsasabi mo."
"Ayos lang love. Di ka namin makakalimutang imbitahan sa kasal namin." Sabay kindat pa nito kay Jade na lalong nagpapula sa pisngi nito.
"Yung totoo Bestie? Ginayuma mo yan si Althea para matali sayo no?" Asar naman ni Batching
"Haha tigilan nyo na nga si Love. Wawa naman love love ko." Yakap pa nito.
"Jusko Jade! Kilig na kilig ka naman. Hahaha. Sige na pumasok na kayo." Tulak pa ni Bianca sa kanila.
"Althea?" Tawag dito ni Cathleen na nagpalingon naman sa kanila.
"Ano yun Cathleen?"
"Pwede ba kita mayakap? Goodbye hug lang?"
"Oo naman Cathleen." Inabot ni Althea ang katawan ni Cathleen palapit sa kanya at niyakap nya ito ng mahigpit.
"I'll miss you." Sabay halik sa pisngi ni Althea na kinagulat naman nito. Ngunit ngumiti lang si Althea bilang tugon dito.
"Paalam Cathleen at Bianca. Hanggang sa muli." Kaway nya sa mga ito.
Pumasok na sila sa loob upang magcheck in. Ilang sandali pa ay nakasakay na sila ng eroplano kinakabahan ang dalawa dahil unang beses nilang makasakay dito na nagpatawa naman kay Jade.
"Wag kayo mag-alala. Safe to ok? Oh suot nyo yung seatbelt." Paliwanag nito sa dalawa.
"Sigurado ka ba Jade?" Medyo nanginginig pang boses ni Batching.
"Haha. Oo. Matulog na lang kayo para di nyo mapansin."
Naging mahaba ang byahe ng tatlo pabalik sa Hacienda ng Lola ni Jade. Ilang oras pa ay nakarating na sila sa Mansyon agad naman nilang pinuntahan ng kanyang Ama upang sopresahin ito.
"Ama! Surprisee!!" Gulat ni Jade kay Ama.
"Nako Jade! Ikaw bata ka! Aatakihin ako sa puso ko sa ginagawa mo eh!"
"Sorry na Ama. Namiss kita! Kasama ko si Batching at Althea."
"Kamusta na po kayo?" Bati dito ni Althea. Si Batching naman ay naiilang dahil unang beses nya makikita ang matandang Cecilia.
"Mabuti naman ako iha. Halina kayo at kumain panigurado ay napagod kayo sa byahe."
"Salamat po."
Madaming napagkwentuhan ang mga ito habang kumakain. Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna sila bago pumunta sa malaking bato mamaya. Nang makatulog si Jade ay lumabas muna ang dalawa upang mapagusapan ang gagawin nilang plano para mamaya.
BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going