Pang limang araw ko na dito kila Nanay Cristy naging malapit na rin ang loob ko sa mga ito dahil mababait ang mga ito at masaya pa sila kasama lalo na si Alchris. Simula ng makita ko si Jade sa palengke ay lagi na akong sumasama kay Nanay Cristy nagbabasakaling makita ko si Jade. Hindi naman ako nagkamali dahil mula ng araw na iyon ay lagi ko na syang nakikitang bumibili ng bulaklak. Minsan may kasama pa itong matanda pag bumibili ng bulaklak.Nagkaroon na rin ako kahit papano ng onting kakilala sa may palengke kahit sandali pa lang ako dito. Isa na dito si Wila, anak sya ng isang tinder dito sa may palengke. Medyo madaldal ito at minsan mahilig makipagaway sa mga customer pero mabait naman ito sa kin. Si Tommy naman ay hindi tinatantanan sila Nanay Cristy at lalo na ako. Lagi akong kinukulit nito at gusto nya daw akong ligawan pero alam naman nyang wala syang pag-asa sa kin.
Halos araw-araw pare parehas lang ang ginagawa namin. Katulad ngayon ay papunta na kami ni Nanay Cristy sa palengke upang magbukas ng tindahan. Medyo naghihilom na din ang mga sugat ko kaya mas natutulungan ko ngayon si Nanay Cristy pero hanggang ngayon wala pa rin akong maalala. Kahit nga pamilya ko ay walang naghahanap sa akin. Nakakalungkot man ay wala akong magawa pero iniisip ko rin na baka wala na rin akong pamilya dahil kung meron man ay paniguradong hahanapin na nila ako.
Tapos na kaming mag-ayos ni Nanay Cristy ng tindahan naging abala din agad kami dahil dumarami na rin ang mga taong namimili lalo na ngayon ay sabado. Inutusan naman ako ni Nanay Cristy na pumunta kila Wila upang magpapalit ng barya dahil baka maubusan daw kami mamaya puro buo kasi ang binibayad ng mga mamimili. Habang pinapalitan ni Wila ang dala kong pera ay napansin ko na naman ang babae na nagbibigay ng dahilan para bumangon ako ng maaga. Nakatitig lang ako dito habang abala ito sa pag-amoy ng mga bulaklak.
"Siguro kasing bango nya din yung mga bulaklak na hawak nya." Hindi ko napansin na nasambit ko ang sana isipan ko. Agad naman nakita ko si Wila na tumabi sa kin at hinahanap kung sino ang tinitignan ko.
"Type mo yan no? Tibo ka ba?" Pang-aasar ni Wila sa kin.
"Tibo?"
"Oo. Tibo. Tomboy. Lesbian. Nagkakagusto sa babae. Umamin ka nga sa kin tibo ka no." Pagkonpronta pa nito.
"Ha? Hindi no. A-Ano. Ang ganda kasi nya manamit. Oo yun. Saka saka ano. Yung kutis nya ang kinis." Tinaasan pa ako ng kilay nito na parang di naniniwala sa sinasabi ko.
"Pero alam mo kahit naman ako babalungkot kung ganyan kagandang babae. Kaso mukang nakakahiya lumapit sa kanya ano? Saka anak mayaman yan. Ang lola nya ang pinakamayaman dito. Yung kaibigan ko nagttrabaho sa hacienda nila sobrang ganda daw ng bahay nila dun pero hindi naman sila pumapasok dahil pinagbabawal ng mga mayordoma." Di na ako sumagot dito pero pinakinggan ko ang bawat kwento nito.
"Alam mo buti nga ay napapadpad yan dito sa palengke yung mga pinsan nyan hindi man lang makatapak dito kala mo naman kung sinong alta sociedad. Apelyido lang naman ang nakuha nila sa mga Tanchingco at hindi yaman nito." Nakita ko na kinuha na nito ang napili nyang bulaklak at umalis.
"Hoy Glaiza. Kanina pa ako kwento ng kwento di ka naman naiimik dyan. Bumalik ka na dun sa pwesto nyo at baka hinahanap ka na ni Aling Cristy." Pinagtulakan pa ako nito.
"Oo na ito na. Salamat pala dito at di mo na ako pinahirapan magpapalit pa sa iba."
Bumalik na ako sa pwesto namin nakita ko naman na abala pa din si Nanay.
"Oh bat ang tagal mo kila Wila? Kanina pa kita inaabangan. Di ko kasi nahabol si Miling. Naiwan nya itong pitaka nya dito. Paki abot dala mo naman sa hacienda nila baka kanina nya pa ito hinahanap. Saka nya mo ibigay iyan wag sa iba mamaya hindi yan makarating kay Miling. Magpasama ka na lang kay WIla. Ito ang pamasahe nyo oh."

BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going