Nagising si Jade na sobrang sakit ng ulo nya. Hindi nya maalala kung ano ang buong nangyari at pano sya nakabalik sa bahay ng Ama nya. Kahit masama ang kanyang pakiramdam ay pinilit nya pa ring bumangon dahil kailangan nyang pumunta sa malaking bato.
"Jade? San ka pupunta? Kumain ka muna hapon na ngayon ka lang nagising."
"Ama, paano po ako nakauwi?"
"Hindi ko din alam iha. Hindi naman kita nakitang umuwi. Noong sinilip kita kaninang umaga nandyan ka na."
"A-Ah sige po Ama. Aalis po muna ako saglit babalik din ako agad Ama." Lumabas na agad sya bago pa makasagot ang Ama nya. Dali dali syang pumunta sa malaking bato pero laking gulat nya ang natuklasan nya.
"Nasan na? Nandito lang yun kagabi!" Wala na ang malaking bato na nagsisilbing portal sa magkabilang panahon. Hindi nya alam kung anong nangyari bakit nawala ito. Walang magawa si Jade kung hindi manlumo sa natuklasan. Tuloy tuloy ang daloy ng luha sa kanyang mata baka ito pa ang maging dahilan para hindi magkita uli ang dalawa.
Umupo muna sya sa puno na malapit sa ilog doon nya napansin ang sulat na ginawa nya dati.
"Nandito ka pa pala." Agad nya itong inabot upang kunin ito. Hindi alam ni Jade ang gagawin nya dahil nagpaalala ito sa kanya sa pagmamahal nya kay Althea. Tuloy tuloy ang patak ng luha sa kanyang mga mata. Gusto nya lang mahagkan at mayakap si Althea. Gusto nyang sabihin dito na kahit anong mangyari ay hindi mawawala ang pagmamahal nya dito.
Nanatili muna sya doon ng mga ilang oras at napagpasyahan nya ng umuwi dahil palubog na ang araw. Nang malapit na sya sa hacienda ng kanyang lola ay napansin nya na madaming tao na nakapalibot sa kanilang bahay.
"Ano pong nangyayari?" Tanong nya sa isang matanda nakikiusisa.
"Si Cecilia nakita nilang hinimatay sa may kusina." Hindi na sumagot pa si Jade at madali syang tumakbo papasok. Agad nyang nilapitan ang kanyang Ama ng makita nya itong nakahiga sa kama at tinitignan ng mga doctor.
"Ama." Iyak ni Jade habang hawak hawak ang kamay ng kanyang Ama.
"Apo, wag ka ng umiyak. May mga bagay talagang hindi nagtatagal sa mundo Apo. Matanda na ako kaya kung may mangyari sa akin ay hindi na ako takot."
"Ama, huwag mo yang sabihin. Alam kong magiging ayos pa rin ang kalagayan mo."
"Apo, paki kuha mo ang kahapon sa aking tokador may kailangan akong ibigay sayo." Agad hinanap ni Jade ang kahon na sinasabi nya kanyang Ama at inabot dito.
"Hindi ko nga alam dahil biglang pumasok sa isip koi to kanina bago ako bumagsak. Bigay ito ng aking kaibigan na si Batching ang sabi nya sa akin noon ay ibigay ko ito sa magiging Apo ko na babae. Nangako pa ako dito na hindi ko ito bubuksan. Baka nga para sa iyo ito dahil ikaw lang ang nag-iisa kong Apong babae." Abot nya nang liham kay Jade.
"Sige po Ama. Magpahinga ka na muna. Nandito lang kami Ama kung may kailangan ka ay tawagin mo lang ako."
Lumabas na si Jade sa kwarto ng kanyang Ama at dumiretso agad sa kanyang kwarto upang tignan ang liham na binigay ni Batching. Pagkabukas nya sa envelope ay may dalawang liham sa loob. Isa galing kay Althea at isa galing kay Batching. Una nya agad binasa ang liham na galing kay Althea.
Mahal kong Jade,
Mahal na mahal kita. Mga katagang hindi sapat para maiparamdam ko kung gaano ang pagmamahal ko sa iyo. Madaming mga bagay na hindi naayon para sa ating dalawa ngunit alam ko na may takda ring panahon upang magsama tayo. Isa kang pangarap na natupad at simula ng makilala kita ay di ka na mawaglit sa aking isipan lalo na sa aking puso.
Baka sa mga panahong ito ay magkalayo na naman tayo kahit gustuhin natin ay hindi pa siguro maari. Sana ay wag mong iisipin na hindi kita mahal, ginawa ko ito dahil mahal na mahal kita at ayokong masaktan ka pa. May mga bagay na hindi ko nasabi sayo at hindi ko nagawa na kasama ka pero pag dumating ang panahon na magkita tayong muli pinapangako ko na wala ng makahahadlang sa pagmamahalan natin.
Salamat sa lahat mahal ko. Hanggang sa muli.
Nagmamahal,
Althea
Kahit may lungkot na nararamdaman si Jade ay naging masaya ang puso nya ng mabasa nya ang sulat galing kay Althea. Alam nyang kahit mahirap ang lahat ay gagawa pa rin ng paraan si Althea para makita lang sya. Mas matibay ang pagmamahalan nila laban sa hadlang sa kanilang pagiibigan.
Kinuha nya ang pangalawang sulat galing kay Batching.
Jade,
Alam kong naging mahirap ang naging sitwasyon para sayo ng mawala kami dyan ni Althea. Ngunit ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na wala na si Althea. Bago man kami makabalik dito ay nabaril sya ng kanyang Ama. Nais barilin ni Felix Guevarra ang aking itay agad naman nakita iyon ni Althea kaya sinalo nya ang bala na para sa aking Ama.
Napakabuting kaibigan ni Althea na isinakripisyo nya ang kanyang buhay para sa aking Ama. Patawad Jade at namatay sya dahil sa amin. Patawad at kinuha namin sya sa iyo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo dahil alam kong parehas kayong nasasabik na magkasama nang muli pero bago pa mangyari yun ay nawala na sya.
Ilang beses kong sinubukan bumalik dyan Jade pero pinagbawalan ako ng mga Guevarra pati na rin ng aking Ama. Sinira pa nila ang malaking bato dahil ito daw ang nagiging daan sa magkabilang mundo. Natatakot ang mga tao na baka mangyari uli yun pati ang pamilya namin Jade pinaalis na sa bayan na ito. Di nga ako sigurado kung makakarating ang sulat na ito sa iyo pagkatapos ng mahabang panahon pero sana makarating ito sayo. Dahil ang huling habilin ni Althea ay ibigay ko sayo ang sulat na ginawa nya para sayo.
Patawad uli Jade.
Nagmamahal,
Batching
Nanlumo si Jade sa nabasa nya sa sulat ni Batching. Ang akala nya ay nasa mabuting kalagayan na ang dalawa pero mali pala sya. Yun na pala ang huling pagkikita nila ni Althea. Kung alam nya lang ay ginawa nya ang lahat ng araw na iyon. Sana pinigilan nya si Althea na umalis. Sana di na sila bumalik uli dito. Sana ay nanatili na lang sila sa Maynila kung saan ligtas silang lahat. Ang daming pagsisi ni Jade sa mga hindi nya nagawa at dapat nyang gawin pero wala syang magawa dahil kinuha na sa kanya ang pinakamamahal nya.
Agad nyang pinuntahan ang ama nya dahil ito lamang ang makakaintindi sa kanya.
"Ama.." Lumuluhang yakap nya sa kanyang Ama.
"Apo, bakit ka umiiyak?"
"Wala po Ama. Nalulungkot lang po ako."
"Huwag ka na umiyak Jade. Kung ano man yang nararamdaman mo, magiging maayos din ang lahat."
"Opo Ama. May tanong po ako."
"Alam nyo po ba kung saan nakalibing si Althea Guevarra?"
"Ang anak ng mga Guevarra? Alam ni Miling kung saan sya nakalibing magpasama ka na lang sa kanya bukas. Bat bigla mo syang naitanong?"
"A-Ah wala po Ama. Sila po di ba ang may-ari ng bahay na ito?"
"Ah oo. Mula ng namatay si Althea ay naging malungkot na ang tahanan na ito sumunod sa kanya ang kanyang Ina dahil sa kalungkutan. Ilang taon pa ay namatay din Itay nito nagkaroon ito ng malubhang sakit at wala ng nag-aalaga dito."
"Grabe po pala ang nangyari sa kanyang pamilya."
"Oo nakakaawa ang trahedya na iyon sa kanyang pamilya pero naging daan rin yun para maging malaya na si Althea sa pagmamalupit ng kanyang Ama." Tango na lang ang naisagot ni Jade dahil naisip nya na ito nga siguro ang nagng paraan para di na magdanas pa ng hirap si Althea.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Dear Jade
عاطفيةAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going