Chapter 8

1K 79 9
                                    

           

Pagkauwi nila Jade at Althea ay nadatnan nila ang hindi nila inaasahan na tao.

"Ben? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Althea sa kanya.

"Nalaman ko kasi na nakauwi ka na pala. Gusto kong makita ka ng personal upang makausap ako tungkol sa inasal ko noong piging. Dapat ay di ako naging ganon pasensya ka na Althea."

"Wala na iyon Ben. Si Jade nga pala aking kaibigan."

Binati naman nito si Jade at ganun din ito.

"Jade iha. Halika na muna dito. Hayaan mo muna mag-usap si Althea at Ben." Yaya ng Ina ni Althea kay Jade.

"Sige po." Tumingin naman si Jade kay Althea na nag-alala. Ngumiti ito sa kanya tila sinasabi na kaya nya ang sarili nya. Pumunta si Jade at Ina ni Althea sa may kusina upang maghanda ng merienda.

"Si Ben ang nakatakdang ipakasal para kay Althea. Ikaw ba iha? Wala ka bang nobyo?" Usisa nito kay Jade.

"Ah. Nagkaroon po dati ngunit hindi naman po nagtagal. Paumanhin po sa aking itatanong ngunit bakit po kailangan makasal ni Althea kay Ben? Ang sabi nya po sa akin ay hindi nya naman ito mahal."

"Alam mo iha sa pamilya namin. Hindi naming inintindi kung mahal mo ba o hindi ang iyong mapapangasawa. Nagpapakasal kami upang lumawak pa ang aming mga negosyo. Katulad nyan nila Ben, ang pamilya nila ang may hawak sa bayan ng San Isidro. Pag napangasawa sya ni Althea ay makakapasok ang aming negosyo sa San Isidro. Mapapadali na maangkat namin an gaming negosyo sa iba't ibang bayan dahil sa impluwensya ng Ama ni Ben."

"Ganun ho ba talaga yun? Naalala ko po kasi ang sabi ng lola ko. Na importante na mahal moa ng iyong mapapangasawa. Ayaw nyang matulad ako sa kanya na pinagkasundo lang din ng kanyang mga magulang."

"Bata ka pa Jade. Matutunan mo din ang gawi ng mga nakakatanda sa iyo. Mapag-aaralan din ni Althea mahal yan si Ben pag nakabuo na sila ng pamilya."

Di na sumagot si Jade sa sinabi ng Ina ni Althea dahil nalulungkot ito sa kanyang mga narinig. Kung pwede nga lang sabihin nito sa Ina ni Althea ang tungkol sa kanilang dalawa. Na magiging masaya din silang dalawa dahil nagmamahalan sila.

"Jade halka at ilabas mo muna itong merienda kay Althea at Ben."

"Sige po" Kinuha nya ang tray ng pagkain. Bago pa sya makalapit sa dalawa ay kitang kita nya na hawak ni Ben ang kamay ni Althea. May naramdaman syang kirot sa puso nya alam nyang ito din naman ang pahihitnan ng dalawa. Mukhang magkakatulayan din ang mga ito kahit ano pang mangyari. Ayaw mang pang hinaan ng loob ni Jade ngunit ito na talaga ang nakatadhana para sa kanilang dalawa.

"Mag-merienda muna kayo. Althea, lalabas muna ako. Magpapahangin lang."

"Samahan na kita Jade." Pag-aalala ni Althea sa kanya.

"Wag na Althea. Kaya ko naman ang sarili ko. Saka may bisita ka nakakahiya naman na iwan mo ito. Saglit lang naman ako."

"Sige Jade. Susunod na lang ako sayo mamaya. Mag-iingat ka."

Pagkatapos nila magusap ni Althea ay lumabas na si Jade. Gusto nya munang mapagisa at mag-isip isip kung ano ba talaga ang dapat nyang gawin. Sa kanyang paglalakad ay umabot sya sa may malaking bato lumapit sya sa may puno upang sumilong. Doon nya napansin ang dati nyang inukit na pangalan nya sa may puno.

"Nandito ka pa din pala" Bulong nya sa sarili habang hinahaplos ang kanyang inukit. 

"Jade, anong ginagawa mo dito?" Nagulat naman si Jade nang may magsalita sa kanyang likuran.

Dear JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon