Chapter 10

857 74 8
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula nang makabalik si Jade sa Hacienda ng mga Tanchingco. Ilang araw nya din nyang iniisip kung ano ang nangyari kay Althea mula ng araw na iyon. Wala na syang narinig mula sa mga ito. Lagi din syang nakaabang sa kanilang telepono dahil baka biglang tumawag si Althea.

"Ano nga bang nangyari sa kanila? Sana ayos lang si Althea." Sambit ni Jade sa sarili nya habang nakatunghay sa kawalan.

Flashback

"Jade!"

"Althea!"

Unti unting humupa ang liwanag sa buong paligid. Agad na inikot ni Jade ang kanyang paningin upang hagilapin kung nakasama nya ba si Althea pagpunta sa kasalukuyan. Ngunit sa kasamaang palad ay naiwan syang magisa sa malaking bato. Sobrang nanlumo si Jade nang napagtanto nya na sya na lang ang naiwan. Di nya mapigilan na mapaiyak sa mga nangyari. Naalala nya na bumalik sa hacienda ng kanyang Ama sigurado syang may mga pagbabago sa mga kasalukuyan dahil sa nangyari sa nakaraan.

"Ama! Ama!" SIgaw na tawag ni Jade habang papasok sa loob ng mansyon. Sumalubong sa kanya ang malaking wedding picture ng kanyang Angkong at Ama. Laking gulat nya si Ben pa rin ito. Ibig sabihin ay si Ben pa rin ang napangasawa ng Ama nya.

"Jade? Bakit ka tumatangis? Anong nangyari sayo?" Tanong ng Ama nito.

"Ama, si Althea po? Si Althea anong nangyari sa kanya?"

"Sinong Althea? Umupo ka nga muna. San ka ba nanggaling?"

"Si Althea Guevarra po."

"Si Althea Guevarra? Ang aking kababata? Pano mo sya nakilala?"

"Mahabang kwento Ama pero ano pong nangyari kay Althea?"

"Hindi ko alam kung saan mo nalaman ang tungkol kay Althea. Huli ko syang nakita ay napakatagal na taon na. Mula ng pumunta kami sa piging sa kanilang tahanan para sa pamamanhikan dapat ng Angkong mo sa kanya. Ngunit sumama ito sa isang babae na nagngangalang Jade. Mula nun ay di na namin nakita si Althea. Nawala din ng mga panahon na iyon ang isa naming kaibigan si Batching. SIla ang huling magkakasama ayon sa Angkong mo. Ayaw nga maniwala ng mga tao sa knkwento ng Angkong mo na nawala raw ang mga ito pagkatapos lumiwanag ang buong paligid."

Nakahinga naman ng maluwag si Jade sa mga narinig mula sa kanyang Ama. Ngayon ay sigurado syang nasa mabuting kalagayan si Althea at Batching.

End of Flashback

Ang ipinagtataka nya lang ay san na punta ang mga ito. Maaring napunta sila sa ibang panahon. Kaya patuloy pa rin ang paghihintay ni Jade sa dalawa. Di sya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay makakabalik ang dalawa.

"Jade, may tawag ka. Ang dada mo." Sabay abot dito ng telepono.

"Hello Dada."

"Hello Jade. Kamusta ka na anak? Ok ka lang ba dyan? Nag-alala ang Ama mo. Nawala ka daw noong isang araw pagbalik mo ay hindi ka na nya maintindihan may mga tinatanong ka daw at di nya alam paano mo nalaman ang mga bagay na yon. Bumalik ka na lang muna dito Jade para malayo ang isip mo dyan sa lugar na yan. Nammiss ka na din ng Mama mo."

"Ok lang po ako Dada. Dito na lang muna ako ayokong umalis dito Dada hanggang di pa sila naka— Dada dito na muna ako." Muntik na madulas si Jade sa Dada nya tungkol sa paghihintay nya kila Althea.

"Jade, tama na. Umuwi ka na dito. Ipapasundo kita bukas."

"Pero Dada"

"Wala ng pero pero Jade. Sige na. Magprepare ka na ng mga gamit mo para sa pag-alis mo bukas. I love you baby."

"Love you too Dada."

Pagkababa ng Dada nya ng phone ay narinig nya naman ang kanyang Ama na tinawag sya mula sa kanyang likuran.

"Pasensya na apo at tinawagan ko ang Dada mo. Sobrang nag-aalala na ako sa iyo. Mas mabuti ata na bumalik ka na sa Maynila."

"Pero pano ka Ama? Maiiwan ka na namang mag-isa dito."

"Sanay na akong mag-isa dito. Sarili mo muna ang iyong intindihin. Mas sanay ka sa buhay sa Maynila kaysa dito."

"Sige po Ama. Thank you po." Sabay yakap nito sa kanyang Ama.

Lumabas muna si Jade upang pumunta sa malaking bato. Gusto nyang makita ito bago sya umalis dahil baka matagal na sya bago makabalik dito. Gumawa pa ito ng sulat para kay Althea baka sakaling makabalik ang mga ito dito at hanapin sya.

Isinabit ni Jade ang sulat na ginawa nya sa may puno upang makita agad ito nila Althea. Sana nga lang ay hindi ito makita ng iba. Nilagay nya din sa liham ang contact number nya at address sa Manila baka sakaling masundan sya ng mga ito.

Nagtagal muna sya doon hanggang sa maggabi na kaya napagpasyahan nya ng umuwi para makapagpahinga na sya. Pagdating nya sa hacienda ay naghanda na sya sa kanyang pagtulog para maaga syang magising kinabukasan.

Di na nito napansin na nakatulog sya, nagising na lang sya sa liwanag na tumatama sa mukha nya. Napansin nyang pumasok na din ang kanyang Ama sa kanyang kwarto.

"Good morning Apo. Tara muna magbreakfast bago ka umalis."

"Sige po Ama. Sunod po ako. Magprepare lang ako."

Pagkatapos magbihis ni Jade ay agad na itong sumunod sa kanyang Ama sa hapag kainan.

"Ama, naisip ko kung sumama ka na lang kaya sa kin papunta ng Manila? Para makapamasyal ka rin doon."

"Apo, kahit gusto ko man ay di na kaya ng aking katawan. Masyado na akong matanda para bumyahe. Hindi ko na kaya ang malayong byahe. Kayo na lang ang bumisita dito sabihin mo sa kanila. Sa susunod gusto ko ay kumpleto na tayo dito."

"Sayang naman po Ama. Sige po sabihin ko sa kanila na bisitahin ka nila."

"Salamat Apo. Mag-iingat ka doon ha? Tawagan mo ako palagi."

"Sige po Ama. Ingat din po kayo dito. Mahal na mahal ko po kayo." Niyakap nya ito ng mahigpit.

"Paano po Ama? Aalis na po kami. Tawagan ko po kayo lagi. Bye Ama." Sumakay na ito sa sasakyan pauwi sa kanila.

Sa kabilang banda..

"Kamusta na po si Althea?" Tanong ni Batching.

"Magiging maayos din sya buti na lang at ako ang nakakita sa inyo. Nadala ko agad kayo dito sa clinic ko at nagamot na agad yang sugat ng kaibigan mo. Mukang madaming dugo ang nawala sa kanya. Saan ba kayo galing at ganyan ang mga suot nyo?"

"A-Ah galing lang kami dyan sa handaan galing pa kami sa malayong lugar. Naaksidente kasi itong kasama ko kaya di naming namalayan na nawala na ang mga kasama namin."

"Sige. Pwede naman kayo magstay muna dito bigyan ko na lang din kayo ng damit pamalit. Ano pa lang pangalan mo?"

"Batching na lang po ang itawag nyo sa akin. Ang kasama ko naman po Althea ang pangalan Doktora."

"Cathleen na lang itawag mo sa akin. Sige ikukuha ko lang kayo ng pampalit."

"Ok po. Salamat Cathleen."

To be continued...

Dear JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon