Book 2 - Chapter 4

845 72 8
                                    

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Nanay Cristy, Alchris at Lola Cora na nakapalibot sa akin. Kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Nanay Cristy.

"Iha, magpahinga ka muna. Ano bang nangyari sayo? Baka napagod ka masyado kanina. Wag ka na lang muna sumama sa akin sa palengke baka ano pang mangyari sayo." Alalang sabi ni Nanay Cristy.

"Sinabi ko naman kasi sayo Cristy na wag mong papagurin si Glaiza. Alam mong hindi pa sya ganoong magaling." Pagalit naman ni Lola Cora dito.

"Nanay Cristy. Lola Cora. Wag na po kayong magtalo. Ayos lang naman po ako. Bigla lang sumakit yung ulo ko kanina tas may naalala po akong onting memorya pagkatapos nun nawalan na po ako ng malay."

"Ha? Anong naalala mo Glaiza? Alam mo na ba yung tungkol sayong pamilya?"

Umiling muna ako dito bago ako sumagot.

"Hindi po Nay Cristy. May nakikita lang po akong babae sa memorya ko pero di ko po makita ang mukha nito."

"Mukhang unti unti babalik na rin sa dati ang memorya mo. Wag mo na lang pilitin at baka ano pang mangyari sayo kusang babalik yan iha." Payo sa akin ni Lola Cora.

Tumango ako dito bilang pagtugon sa sinabi nya.

"Kumain ka muna saka ka magpahinga uli. Ikukuha kita ng pagkain." Naiwan naman kami ni Alchris sa kwarto habang abala sila sa pagluluto.

"Ate Glaiza, ok ka na ba talaga?" Ngiting sabi sa akin ni Alchris.

"Oo naman Alchris. Wag ka na mag-alala."

"Ate, pano pag bumalik na ang memorya mo? Nakakalungkot na wala na akong kalaro dito saka wala na magtatanggol sa kin pag may nag-aaway sa kin."

"Wag ka na mag-alala Alchris. Ate mo pa rin ako kahit anong mangyari kaya wag ka na malungkot. Gusto mo pumunta tayo sa may ilog?"

"Sige Ate! Pero kaya mo na po ba? Baka mapagod po uli kayo at pagalitan ako ni Nanay."

"Ok lang ako Alchris. Tara na kumain pagkatapos ay pumunta tayo sa may ilog."

Pagkatapos naming kumain ay pinilit naming si Nanay Cristy na pumunta kami sa ilog. Buti ay pumayag sya kahit medyo nag-aalala si Nanay sa kalagayan ko.

Bago kami makarating sa may ilog ay may nakita akong isang pigura ng babae na nakatayo sa gilid ng ilog. Rinig na rinig ang mga hikbi nito at mukang di nya napansin na may mga paparating na tao.

"Nandito na naman sya." Bulalas ni Alchris.

"Ano yun Alchris?"

"Lagi ko sya nakikita dito Ate. Umiiyak lang sya dyan at nakatingin sa may ilog."

"Sinubukan mo ba syang kausapin?"

"Hindi Ate eh. Baka gusto nya lang mapagisa kaya hinahayaan ko lang sya." Tumango tango lang ako sa sinabi nito. Nang medyo makalapit kami dito dun ko lang na pagtanto na si Jade pala ang pinaguusapan namin ni Alchris. Mukhang naramdaman nito ang presensya namin kaya akmang haharap sa amin ito ng bigla akong hilahin ni Alchris na magtago sa puno.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Baka makita nyang tinitignan natin sya nakakahiya ate. Isipin nya pa na sinusundan natin sya."

"Ano ka ba? Wala naman tayong ginagawang masama. Ikaw talaga Alchris. Napakalawak ng imahinasyon mo."

Agad akong lumabas sa pinagtataguan namin ngunit laking lungkot ko ng makita kong wala ng tao dun. Mukhang umaalis na ito baka nga inisip nya na sinusundan namin sya. Nakatayo lang ako doon ng biglang may mga memoryang pumasok na naman sa aking isipan. May nakita akong isang malaking bato at dalawang babaeng nakatayo doon parehas itong nakatalikod sa akin ng biglang nagliwanag ang paligid. Napahawak ako bigla sa ulo ko dahil unti unti kong nararamdaman ang sakit. Nagalala naman si Alchris sa nangyayari at agad itong nagyayang umuwi.

Nakahiga kami pero di pa rin ako dinadapuan ng antok. Hindi ko alam na bakit sa tuwing nakikita ko si Jade ay biglang may bumabalik na memorya sa kin pero baka dahil din sa kakaisip ko sa kanya kaya ganto ang nararamdaman ko.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagiisip nagising na lamang ako sa tilaok ng mga manok sa aming bakuran. Nagmadali akong maghanda upang masamahan si Nanay Cristy sa palengke pati na rin makita si Jade at sa pagkakatong ito kakausapin ko na sya. Ayaw sana akong pasamahin ni Nanay pero naging mapilit ako dito.

Pagkarating naming sa palengke ay nagmadali akong tulungan si Nanay at pumunta agad ako sa pwesto nila Wila dahil malapit ito sa bilihan ng bulaklak. Ganitong oras ay siguradong nandun na si Jade sa bilihan ng bulaklak. Nakita ko si Wila na abala sa pagtitinda kaya agad ko syang binati.

"Magandang Umaga Wila. Ang dami mo agad customer ah."

"Oo. Ikaw din ang aga mong sumilay sa crush mo. Haha."

"Oy hindi ah." Hiya kong sabi dito. Agad kong sinilip si Jade kung nandoon na pero nagtaka ako na wala pa rin sya doon.

"Wila, nakita mo ba si Jade bumili ng bulaklak kanina?"

"Hindi daw pero tinatanong mo naman ngayon. Haha. Hindi ko pa sya nakikita nagtataka nga din ako dahil wala pa rin sya. Hindi ba ganitong oras ay nandito na si Jade?"

"Oo nga yun din pinagtataka. Balak ko pa naman syang kausapin ngayon."

"Manliligaw ka na Glaiza? Aba binata ka na. Haha."

"Hindi no kakausapin ko lang sya. Nakita ko kasi sya umiiyak sa may ilog kagabi. Kung di lang ako hinila ni Alchris upang magtago edi nakausap ko na sya. Gusto ko lang naman malaman kung bakit sya umiiyak."

"Yun lang ba talaga? Haha. O gusto mo din makilala sya. Nako Glaiza. Umamin ka na kasi sa kin di naman kita huhusgahan kung babae din gusto mo."

"Kasi ano Wila. Naalala mo yung kahapon di ba? Yung nawalan ako ng malay? May bumalik kasi sa memorya ko tas puro yung babae na yun yung kasama ko. Tas bago ako himatayin narinig kong sinabi nya sa kin na mahal na mahal nya ako. Di ko sinabi ito kila Nanay Cristy kasi di ko alam pano ipapaliwanag sa kanila na baka nga babae talaga yung gusto ko dati pa. Kaya nga siguro na ganun na lang yung paghanga ko kay Jade eh."

"Alam mo Glaiza. Siguro naman sa sandaling panahon na pagtira mo kila Nanay Cristy alam mo ng mabubuti silang tao di ba? Sigurado ako na hindi ka nila huhusgahan kung ano ka man o sino man ang nagugustuhan mo. Mas mabuti na maging totoo ka sa kanila kasi kahit papano sila ang pamilya mo ngayon."

Tumango bilang sang-ayon sa sinabi ni Wila. "Salamat Wila. Hayaan mo at ikkwento ko agad ito kila Nanay Cristy para matulungan din nila akong mapabalik ang memorya ko."

***

Naging mabagal ang oras ng araw na iyon dahil buong araw ay di ko nakita si Jade medyo nag-aalala din ako sa hindi nya pagpapakita. Ang akala ko na isang araw na hindi nya pagpapakita ay umabot ng isang buwan hanggang isang araw ay humahangos si Wila na pumunta sa pwesto naming.

"Glaiza! Glaiza!" Sigaw ni Wila.

"Oh? Bakit ka ba sumisigaw dyan?" Bigla na lamang akong hinila nito ng walang sabi sabi.

"Basta sumama ka sa kin tara." Nagtaka ako ng bigla kaming tumigil sa pwesto nila.

"Ano ba naman yan Wila. Dito mo lang pala ako dadalhin sa pwesto nyo da—" Di na natapos ang sasabihin ko ng bigla syang ngumuso sa likuran ko. Kaya agad akong lumingon sa direksyon san sya nakanguso at doon ko nakita ang matagal ko ng hinahanap. Kumabog ng napakabilis ang dibdib ko ng makita sya. Di alintala ang isang buwan na pagtitiis ko na hindi sya makita.

Ganun pa rin ito maganda pa rin pero kita sa mukha nya ang saya hindi na ito mukhang malungkot. Ngayon nakapusod na ang buhok nya hindi gaya ng dati na lagi itong nakalugay na natatakpan na ang maganda nyang mukha. Nandun uli sya sa dating pwesto at inaamoy ang mga bulaklak na napili.

"Ano pang hinihintay mo Glaiza? Kausapin mo na sya." Pagtututlak sa kin ni Wila kay Jade.

Pupuntahan ko na sana si Jade kaso biglang may dumating na lalaki at lumapit dito. Kitang kita ko ang kamay ng lalaki na humawak sa bewang nya. Nagtatawanan ang mga ito at yun ang unang pagkakataon na makita ko si Jade na tumatawa. Buong araw akong nalungkot ng araw na yun pero masaya din naman ako kay Jade na tumatawa na sya kaysa dati na lagi na lang syang umiiyak pag nakikita ko sya.




To be continued...

Dear JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon