[Tanchingco's House]
Paikot-ikot lang si Jade sa kanyang kama. Kahit gusto nito magpahinga ay hindi sya mapakali, hindi nya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman nya. Naisip nyang tawagan uli si Bianca, sasama na lang sya dito kaysa kung ano ano ang naiisip nya pag mag-isa sya.
"Hello B? Nasan kayo ni Maerinel? Susunod na lang ako dyan."
"Sige Bestie. Send ko sayo yung address nung pedia nya after nito mag-mall na lang tayo."
"Ok B. See you."
Binaba na nito ang tawag at nagsimula ng magbihis. Bumaba na ito para magpaalam sa Mama nya.
"Mama, lalabas lang po ako sandali. Magkita lang kami ni Bianca."
"Oh sige. Ipapahatid na kita sa driver."
"Wag na po Mama. Magdadala na lang ako ng sasakyan."
"Sige. Ingat ka anak."
Dumiretso na ito sa address na ibinigay ni Bianca. Habang nagppark sya ay nakasabay nya parking lot si Cathleen ang friend nila ni Bianca.
"Cathleen?" Tanong nya dito.
"Oh Jade. Hi! Long time no see. How are you?"
"I'm fine. Ikaw kamusta? Anong ginagawa mo dito?"
"Clinic ko to. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Don't tell me magpapacheck up ka sa kin? Haha." Natatawang sabi nito.
"No. No. Si Bianca magpapacheck yung niece nya dito. Di nya naman sinabing ako yung doctor."
"Ah yah. Si Maerinel? Minsan sinasama sya dito ng brother nya pag nagpapacheck up si Maerinel."
"I wonder why hindi nababanggit ni Bianca na nakikita ka nya."
"Baka kasi yung issue dati di ba? Yung sa ting dalawa? Sya yung number one na hater sa fling natin dati."
"Yah. I remember. Haha. Talaga yon di pa nakalimutan yung mga nangyari dati."
"Over protective lang yang Bestie mo. Pano? Tara sa loob. For sure kanina pa ako hinihintay nung dalawa."
***
[Cathleen's Clinic]
Nagtataka si Bianca bakit ang tagal makarating ni Jade, kaya naman ay tinawagan nya na ito.
"Hello B. San ka na?"
"Nandito na sa parking lot. Guess kung sino nakita ko?"
"Sino?"
"Si Cathleen! Bat di mo sinabi sa kin na sya pala pedia ni Maerinel."
"A-Ah kasi ano—"
"Ay nako Bestie. Mamaya ka na mag-explain. Paakyat na kami ni Cathleen."
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at lumabas galing dito si Jade at Cathleen na nagtatawanan.
"Kaya naman pala ang tagal nyong dalawa." Umirap pa ito sa dalawa.
"Ikaw naman bestie. Ang tagal na kasi naming di nagkita ni Cathleen. Ikaw talaga." Niyakap yakap pa nito si Bianca.
"Haha. Tara na dun sa room baka magkainisan pa kayong dalawa." Nauna na ng naglakad si Cathleen papunta sa Check up room. Nakasunod naman sa kanya ang tatlo.
Habang naglalakad sila ay may nadaanan silang pinto na nakabukas. Kaya di naman naiwasang mapasilip ni Jade sa loob pero di nya makita ang mga mukha ng nasa loob. Nakatalikod ang isa at ang isa naman ay natatakpan nito. Pero naririnig nya na naguusap ang dalawa, hindi lang ito malinaw dahil medyo mahina sila magsalita.
Nacurious si Jade dahil parang nakita nya dati ang babaeng nakatalikod sa kanya. Papasok na sana ito ngunit nagulat sya ng bigla syang tinawag ni Bianca.
"Bestie, tara dito. Anong ginagawa mo dyan?" Hindi naman nagawang sumagot na ni Jade nagmadali na syang sumunod sa mga ito. Baka mahuli sya ng tao sa loob dahil sinisilip nya ang mga ito.
Pumasok na sila sa check up room at nagsimula na ring tignan ni Cathleen si Maerinel. Habang tinitignan ni Cathleen si Maerinel ay nagkipagkwentuhan ito sa dalawa.
"So Jade? May boyfriend ka ba ngayon?" Nakangiting baling nito kay Jade.
"Ah. Wala. Kakabreak lang."
"Single huh?" Kindat nya pa kay Jade.
Nagulat naman si Bianca sa ginawa ni Cathleen at tinaasan ito ng kilay.
"Cathleen, pwede ba si Maerinel ang icheck up mo? Wag si Jade."
Natawa naman ang dalawa sa reaksyong ni Bianca.
"Haha. Ikaw talaga Bianca. Nagbibiro lang naman ako. Alam namin ni Jade ganyan ang magiging reaksyon mo sa sasabihin ko. Sobrang protective naman nitong Bestie mo Jade."
"Haha. Sobra kaya love na love ko tong Bestie ko." Natatawang sagot ni Jade.
Ilang sandali pa ay binigyan na ni Cathleen ng reseta para sa gamot ni Maerinel.
"Three times a day yung gamot nya. Wag nyo na lang hayaan matuyuan ng pawis sa likod."
"Sige sabihin ko sa Daddy nya. Mahilig kasi to maglaro sa park."
"Here baby. Dahil good girl ka may candy ka." Sabay abot ng lollipop kay Maerinel.
"Thank you Doctor." Tuwang tuwa naman ang bata sa nakuha nya.
"Oh pano Cathleen? DI na kami magtatagal. Aalis pa kami ni Jade."
"Pwede bang sumama? Joke. Haha. Sige ingat kayo."
Hinatid na nito ang tatlo sa labas. Bago sila makaalis ay sinilip ni Jade ang pinto na kanina nyang tinitignan ngunit sarado na ito. Nang makalabas sila ay nagpaalam na sila kay Cathleen at dumiretso na sa parking lot.
***
[Althea/Batching]
"Basta Althea magpahinga ka na lang muna. Saka natin hanapin si Jade."
Di na nakasagot si Althea ng may marinig silang nagsalita malapit sa pinto.
"Bestie, tara dito. Anong ginagawa mo dyan?"
Narinig nilang sabi ng babae sa kausap kaya napatingin sila sa may pinto. May nakita silang babaeng paalis mula sa pagkakasilip mula sa kanilang pinto.
"Baka yun yung pasyente ni Cathleen yung nasa labas." Sagot ni Batching.
Lumapit si Batching sa may pinto at isinara ito.
"Matutulog muna ako dito sa may upuan. Ikaw ay matulog na rin para mabilis kang gumaling."
Pumunta na ito sa may couch para humiga.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going