Kinabukasan ay maaga akong ginisiing ni Nanay Cristy upang makasama ako sa kanya sa palengke. Gusto sana sumama ni Alchris ngunit di ito pinayagan ni Nanay Cristy dahil walang kasama si Lola Cora. Sumakay kami sa jeep patungo ng bayan ang dami naming dala nagtataka ako kung pano nakakaya ni Nanay Cristy na sya lang mag-isa magbuhat ng mga ito.
"Nay, buti po at kaya nyo buhatin ng lahat ng ito pag kayo lang mag-isa."
"Oo naman anak. Malakas pa naman ako at saka kailangan kong tiisin lahat dahil wala tayong kakainin kung wala akong kikitain ngayong araw." Ngumiti ito sa akin. Tumango na lang ako bilang pagsang ayon sa kanyang sinabi. Naawa naman ako kahit papano dahil naging mahirap ang pamumuhay nila dahil wala syang kabiyak na tumutulong sa kanya.
Di ko namalayan na nakatulog ako sa byahe. Nagising na lamang ako ni Nanay Cristy dahil malapit na kami sa may palengke.
"Iha, wag ka na masyado magbuhat. Ako na ang bahala dyan may sugat ka pa sa balikat baka imbis na pagaling na yan baka bumuka uli ang sugat nyan."
"Ok lang po Nay. Di naman po gaano ng masakit saka di naman po mabigat itong mga dala ka."
"Kahit na. Ikaw talagang bat aka baka mapagalitan pa ako ng nanay sabihin at pinapagod kita."
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Nanay Cristy dahil biglang may tumawag sa kanya.
"Mare, sino yang kasama mo? Ang gandang bata ah. Mukang anak mayaman. DI bagay dito sa palengke ang ganda mo ineng." Tumingin ako dito at ngumiti lamang.
"Ay nako ikaw talaga mare. Ito yung knkwento ko sayo yung nakita namin sa may ilog. Sinama ko dito para makabili sya ng damit nya. Puro duster ng nana yang suot dahil hindi naman sa kanya kasya ang mga damit ko sa liit ko ba naman."
"Ah sya ba yun? Kagandang bata ano? Ako nga pala si Tes. Tawagin mo na lang akong Aling Tes. Kumare ko itong si Cristy inaanak ko kasi si Alchris."
"Glaiza po."Abot ko naman ng kamay ko sa kanya.
"Sige na Mare. Mag-aayos muna ako dun sa pwesto ko para makabuena mano na."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nakarating na kami sa pwesto ni Nanay Cristy. Medyo maliit lang ito pero sakto lang naman para sa mga tinda nyang gulay. Tinulungan ko syang ayusin ang kanyang mga paninda para makapagbukas na sya agad.
"Glaiza, mamaya na tayo mamili ha pag tanghalian na para masara koi tong tindahan sandali at masamahan kita mamili."
"Sige po wala pong problema."
"Aling Cristy" Narinig ko ang isang lalaking nagsalita sa aking likuran.
"Kamusta kita natin dito?"
"Tommy, ang aga aga wala pa akong benta kakabukas ko lang. Bumalik ka na lang mamaya." Di ko na natiis at humarap na ako dito.
"Aling Cristy, may bagong tindera ka pala dito. Maganda ah."
"Tommy, wag mo papakailaman yan at bago lang yan dito. Pumasok ka na muna dun sa loob." Harang nito sa pagitan namin ni Tommy. Nakita kong ngumisi ito kay Nanay Cristy dahil sa pagpprotekta nito sa kin.
"Sige ho Aling Cristy. Kunin ko na lang yung koleksyon mamayang hapon." Tumingin pa ito sa akin na ngumingisi ngisi bago umalis.
"Nay, sino po yun? Bat may kinukuha syang koleksyon sa inyo?"
"Ay nako iha. Iwasan mo ang lalaking yun. Tinik sa buhay yun ng mga nagtitinda dito. Sya at ang kanyang grupo nangingikil sila dito sa mga tindera. Ang liit na nga ng kinikita naming at kukunin pa nila ang iba."
"Eh bat di kayo nagrereklamo nay. Mali yang ginagawa nila."
"Iha, ang ama nya ay isa ring pulis kaya di rin kami makapagreklamo."
Sasagot pa sana ako ng biglang may bumili sa tindahan at madali itong inasikaso si Nanay Cristy.
"Kayo pala Ka Miling. Anong bibilhin nyo?" Sabi ni Nanay sa matandang babae. Inabot naman sa kanya ang isang listahan ng mga bibilhin nito.
"Mukhang marami kang bibilhin ah."
"Nandyan kasi ang apo na babae ng Tanchingco kaya ang daming pinapahanda na paborito nito. Bisitahin nyo naman minsan dun ang Ama isama mo ang nanay mo tiyak na matutuwa yon. Naging malapit din si Ama sa iyong Ina di ba?"
"Ay talaga. Nandyan si Jade? Dalaga na ang bata iyon di ba? Napakaganda ng batang iyon nakita ko yon kahapon namimili ng bulaklak. Pagkaganda. Wala pa bang nobyo iyon?" Nagulat ako ng biglang banggitin ni Nanay Cristy ang pangalang Jade pero baka kapangalan lang nito ng babaeng nasa sulat.
"Wala pa. Laging lang binibisita ang Ama nya dahil mag-isa dito napakalambing na bata."
"Ito na oh Miling kumpleto na yan." Abot ni Nanany Cristy sa mga pinamili nito.
"Oh ito. Wag mo na akong suklian. Basta bisitahin nyo si Ama ha? Aalis na rin ako at ako'y magluluto pa." Tumingin muna ito ng matagal sa kin bago umalis. Di ko alam bakit parang nagtataka ang mukha nito at parang may inaalala na kung ano.
Mabilis na lumipas ang oras at madami na rin nabenta si Nanay Cristy. Kumain muna kami ng tanghalian bago kami namili ng mga kailangan ko. Nakakatuwa na kahit di ako ganun kilala ni Nanay binilhan nya pa talaga ako ng mga damit. Ang mga kakilala naman nito ay panay tanong kung sino ako dahil siguro bagong mukha at ngayon lang nila ako nakita dito.
Nang sumapit ang alas tres ay nagpasya ng magsara ng tindahan si Nanay Cristy dahil wala na din namang masyadong bumibili ng ganong oras. Bago kami umuwi ay may dinaanan muna si Nanay Cristy para daw sa uulamin namin mamaya.
Habang hinihintay ko si Nanay sa may labas ng palengke ay may napansin akong magandang babae na namimili ng bulaklak. Hindi ko makita ang buong mukha nito pero kahit nakatagilid ito ay kita naman ang ganda ng mukha nito. Hindi ko alam pero parang biglang nawala ang mga tao sa paligid nya at parang bumabagal ang mga kilos nito. Dahan dahan itong lumingon sa may gawi ko ngunit bago ko makita ang kabuoan ng kanyang mukha ay bigla naman akong nagulat ng magsalit si Nanay Cristy sa likod. Napaharap naman ako agad dito.
"Iha, kanina pa kita tinatawag. Sino bang tinitignan mo dyan?" Sabay lingon nito sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina. Ngumiti ito ng makita ang isang babae na abala sa pamimili ng bulalak na bibilhin nya.
"Ah ayan si Jade. Apo ni Cecilia Tanchingco isa sa pinakamayan dito sa bayan natin. Ang gandang bata ano? Buti hindi sya maarte kahit laking Maynila ang bata na iyan. Kung iba yan ay di mo mapapapunta dito sa palengke."
Sasagot pa sana ako kaso biglang may dumaan na Jeep sa harap naming kaya madali kaming sumakay ni Nanay Cristy dahil punuan daw pag sa terminal pa kami sumakay. Umupo ako sa may bintana para masilip ko pa si Jade. Napansin nya ata na may nakatingin sa kanya at bigla syang lumingon sa may gawin ko. Buti na lang at nakaiwas ako ng tingin dahil baka na huli na ako nitong tinititigan sya.
Pagkarating namin sa bahay ay agad akong niyaya ni Alchris sa maglaro sa labas mukhang sabik ito dahil di nya ako nakita buong araw. Minsan ay tinatawag ako ng paulit ulit nito dahil nawawala ang atensyon ko sa kanya tuwing naalala ko si Jade.
Hindi ko alam kung bakit parang nakita ko na sya dati. Pinipilit kong alalahanin kung saan ko nga ba sya nakita pero sa tuwing ginagawa ko iyon ay lalong sumasakit ang ulo.
To be continued...
***
Author's Note:
Next update po sa Monday na uli!.
BINABASA MO ANG
Dear Jade
RomanceAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going