Nagising ako sa tama ng sinag ng araw sa aking mukha. Unti unti kong binuksan ang aking mga mata bumungad sa akin ang isang batang lalaki na mukhang natutuwa sa aking pag gising. Sinubukan kong bumangon sa higaan ngunit ramdam ko ang sakit ng aking balikat at ulo. Bigla naman umalis ang batang nasa aking harapan at narinig kong may tinatawag ito.
"Lola Cora! Lola Cora! Gising na po yung babae Lola!" Kita kong hila hila nya ang isang matandang babae palapit sa akin.
"Iha, kamusta ang iyong kalagayan? Masakit pa ba ang balikat at ulo mo?"
"Medyo masakit pa po. Nasaan po ako? Sino po kayo?" Taka kong tanong sa matanda.
"Nandito ka sa aming tahanan iha. Nakita ka namin na inaagos ka sa may ilog himala nga at nabuhay ka pa sa kalagayan mo noong nakita ka namin. Ako nga pala si Corazon. Lola Cora na lang ang itawag mo sa akin at ito naman si Alchris ang aking Apo. Anong pangalan mo iha?"
"Pangalan? Hindi ko ho maalala ang pangalan ko." Lalong sumasakit ang ulo ko sa pagalala kung ano ba talaga ang pangalan ko.
"Hindi mo naalala mga nangyari sa iyo iha?" Umiling iling lang akong sumagot sa matanda.
"Baka epekto yan ng natamong sugat sa ulo mo. Maaring tumama ang iyong ulo sa mga bato sa ilog. Halika na muna at kumain tayo nang agahan kaya mo bang tumayo?"
"Opo lola." Inalalayan naman nila ako ni Alchris dahil muntik na akong matumba ng sinubukan kong tumayo.
"Umupo ka muna dyan at maghahain ako ng pagkain natin." Napansin ko naman na nakatitig pa rin si Alchris sa aking mukha.
"Lola Cora, sobrang kamukha nya talaga si Lola Althea." Sinaway namin ito ni Lola Cora dahil sa ginagawa nito.
"Pasensya ka na dyan sa aking apo. Sobrang kamukha mo kasi ang kapatid ko sa Ama na si Althea."
"Ayos lang po" Nginitian ko naman si Alchris para ipakita dito na hindi ako naiilang sa ginawa nya.
Habang kumakain kami ay knkwentuhan ako ni Lola Cora tungkol sa kanyang pamilya. Nalaman ko na tatlo pala silang nakatira dito. Sya, si Alchris at ang kanyang anak na si Nanay Cristy. Si nanay cristy daw ay may pwesto sa palengke sa bayan. Doon sya nagtitinda ng mga gulay na nakukuha nya sa kanilang taniman. Si Alchris naman ay walong taong gulang na at pumapasok na daw sa eskwela habang si Lola Cora ay isang albularya. Naggagamot sya ng may sakit at minsan ay binibigyan sya ng pera ng mga tao bilang kapalit ng kanyang pang gagamot. Nakakatuwang kausap ang dalawa lalo na si Alchris napakamagiliw nito na bata.
"Lola, ano pong ipapangalan natin sa kanya?" Tanong nito sa matanda.
"Ikaw iha? Ano bang gusto mong itawag namin sa iyo?"
"Hindi ko po alam eh. Hayaan nyo na lang po na si Alchris ang pumili ng aking pangalan."
"Ate, Glaiza na lang ang pangalan mo! Medyo kahawig mo kasi yung artista na gumanap ng Pirena. Paborito namin yon panoorin ni Lola eh."
"Sige Glaiza na lang kung yun ang napili mo." Lumaki naman ang ngiti ng bata ng pumayag ako sa binigay nyang pangalan.
"Yehey! Simula ngayon Ate Glaiza na ang itatawag ko sayo! Ipapakilala kita sa mga kaklase ko dahil ngayon may Ate na ako."
"Alchris, hindi naman magtatagal dito si Glaiza. Pag nahanap na natin ang kanyang pamilya ay kailangan nya ng umuwi sa kanila." Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ng bata.
"Hayaan mo Alchris kahit mahanap na natin ang pamilya ko pwede mo pa rin akong tawagin na ate. Ayos ba yun sayo?"
"Talaga po Ate?? Salamat po Ate Glaiza." Nagtatalon ito sa tuwa at sabay yumakap sa akin.

BINABASA MO ANG
Dear Jade
Roman d'amourAnong gagawin mo kung nagmahal ka ng taong nasa ibang panahon? Book 1 - Completed Book 2 - On going