Chapter 16

910 64 10
                                    

YEAR 1940

Kinaladkad ng mga tauhan ng Guevarra si Crisanto hanggang makarating sila sa may malaking bato.

"Ngayon mo simulan ang mga kung ano anong ritwal mo. Dalhin mo kami kila Althea kung ayaw mong mapahamak ang pamilya mo." Sigaw ng matandang Guevarra.

"Ngunit hindi ko magagawa ang gusto mo hanggang hindi kabilugan ng buwan. Mabubuksan ko lang ang portal pag bilog na ang buwan."

"Sige. Bibigyan kita ng pagkakataon na hintayin ang kabilugan ng buwan ngunit ikukulong kita at kung tangka mo man kaming lokohin ay may alam mo na ang mangyayari sayong pamilya. Naiintidihan mo?"

"Naiintindihan ko ho."

"Sige. Ikulong yan sa mansyon. Tignan natin kung nagsasabi yan ng totoo."

PRESENT TIME

Nagising ng maaga si Althea at dahan dahan itong umalis sa kama upang lumipat ng kwarto dahil baka magtaka si Batching pag nagising ito ng wala sya doon. Unti unti nyang kinuha ang mga nagkalat nilang damit sa sahig. Iniingatan nyang di magising si Jade dahil sa sarap ng tulog nito. Bago sya umalis ay hinalikan nya ito sa labi. Maingat nyang sinara ang pinto at luminga linga pa ito dahil baka may makakita sa kanya.

Pagkabukas nya ng pinto ng kanilang kwarto ay laking gulat nya naman na gising na pala si Batching.

"Gising ka na pala?" Tanong ni Althea.

"Oo kanina pa. San ka natulog?"

"A-Ah sa kwarto ni Jade."

"Althea, may nangyayaring masama sa pamilya ko. Kailangan nating bumalik." Seryosong sabi nito.

"Ha? Bakit? Pano mo nalaman?"

"Althea, may hindi pa ako nasasabi sayo. Bago pa dumating si Jade sa buhay mo ay napanaginipan ko na sya. Kagabi naman ay napanaginipan ko ang aking Ama binihag sya ng Itay mo Althea. Ta—" Natigilan si Batching na parang di nya alam kung pano sasabhin kay Althea ang mga mangyayari.

"Tapos ano Batching?"

"M-May mangyayaring masama sayo Althea."

"May mas sasama pa ba sa nangyari sa akin noong nakaraan Batching." Pabiro pang sabi nito.

"Napanaginipan ko na mamatay ka Althea." Hindi nakasagot si Althea sa mga rebelasyong nalaman nya.

"Babalik ako dun Althea pero hindi kita isasama dahil baka pag sumama ka may mangyaring masama sayo."

"Batching, pwede bang huwag na huwag mo itong sasabihin kay Jade kahit anong mangyari. Saka hindi pwedeng di ako sumama sayo, hindi titigil ang aking Itay hanggang di nya ako nakikita mas kilala ko sya Batching baka hindi lang ikaw ang mapahamak kundi ang buong pamilya mo pa."

"Ngunit Althea."

"Salamat Batching dahil naging totoo kang kaibigan sa akin. Hindi mo ako iniwan sa king mga problema. Ngayon ay mababayaran ko na rin lahat ng utang na loob ko sayo."

Hindi naman maiwan ni Batching na mapaluha sa mga nasabi ni Althea. Alam nya na madami syang natulong dito pero hindi iyon sapat na isakripisyo ni Althea ang buhay nya bilang kabayaran sa mga tulong na nagawa nya.

"Isasama kita pero sisiguraduhin ko na walang mangyayaring masama sa iyo Althea."

"Salamat Batching."

"Salamat din Althea."

Pinlano ng mga ito ang dapat nilang gawin. Kailangan din nilang makumbinsi si Jade na bumalik sila sa probinsya upang makabalik sa nakaraan. Habang abala si Batching sa pagsusulat ng kanyang mga ritwal ay nagsimula na rin gumawa ng sulat si Althea para kay Jade. Gusto sana nyang ibigay ito ni Batching kay Jade kung may mangyari mang masama sa kanya.

Natigil sila ng may kumatok sa pinto nila. Tumayo naman si Althea upang buksan ito.

"Good morning!" Sabay yakap kay Althea.

"Magandang umaga Love." Sabay halik sa noo nito.

"Love?" Tanong ni Batching.

"A-Ah Batching nakalimutan ko sabihin sayo na kami na pala ni Jade. Nobya ko na sya." Namumula naman si Jade nang sabihin nya ito kay Batching.

"Napaka gandang balita nyan ah! Natutuwa ako para sa inyong dalawa." Niyakap nito ang dalawa ng mahigpit.

GRRRR...

"Umm mga kaibigan nagugutom na ako pwede bang kumain na tayo." Natawa naman ang dalawa dahil sa lakas ng tunog ng tyan ni Batching.

"Sige tara na." Bago makalabas si Althea ay hinila sya pabalik sa kwarto ni Jade at hinalikan nya ito sa labi. Kinilig naman ito dahil sa ginawa ni Jade.

"Mahal na mahal kita Love."

"Mas mahal kita!" Pagmamalaki pa nito.

"Haha ikaw talaga. Oo nga pala Jade. Pwede bang bumalik tayo sa probinsya kasi kailangan umuwi ni Batching sa kanila baka hinahanap na sya ng kanyang mga magulang."

"Sige love. Magpapaalam ako kay Mama."

"Salamat."

"Mga kaibigan, di pa ba kayo tapos maglambingan? Tara na. Yung tyan ko nagwawala na sa gutom."

"Haha. Eto na Baching. Ito kasi si Jade."

Bumaba na ang mga ito sa may hapag kainan. Naabutan nya naman ang Mama at Kuya Paul ni Jade na kumakain.

"Good morning Mama and Kuya." Sabay halik sa mga ito.

"Maganda umaga po." Nagmano naman ang mga ito sa Mama ni Jade.

"Napaka magalang naman nitong mga kaibigan mo Jade nakakatuwa." Kindat naman ni Jade sa dalawa.

"Umupo na kayo para makakain na."

"Mama, si Dada po nasaan?"

"Nako. Ang Dada mo maagang pumunta sa opisina may morning meeting daw sya." Sabay abot nito ng pagkain kay Jade.

"Ok po. Mama, babalik po sila sa probinsya bukas. Pwede ba akong sumama sa kanila?"

"Ang bilis naman pero sige Jade. Babanggitin ko rin sa Dada mo yan para din may kasama ang Mama mo doon."

"Thank you Mama."

"Salamat po Tiya at pumayag po kayo."

"Walang anuman iha. Basta para kay Jade bunso naman ito eh."

To be continued....

Dear JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon