Chapter 3

1.2K 83 8
                                    


YEAR 1940

Nagsimula na ang piging sa bahay ng mga Guevarra. Nandun na rin si Ben ang lalaking pinagkasundo para kay Althea.

"Althea, halika rito anak at ipapakilala ko si Ben sa iyo." Tawag sa kanya ng kanyang Itay. Hindi naman maiwasan ng mga tao na mapatingin sa gandang taglay ni Althea. Pinaguusapan na din ng bayan ang tungkol sa pagpapakasal ni Althea.

"Magandang Gabi binibini. Ngayon pa lang tayo nagkita ngunit nabihag mo na ang puso ko sa iyong natatanging ganda." Sabay abot nito ng kamay ni Althea at hinalikan.

"Salamat Ginoo." Saka hinila pabalik ang kanyang kamay.

"Oh paano Ben? Iwan ko muna kayo ni Althea para makapagusap kayo tungkol sa inyong kasal." Sambit ng Itay ni Althea.

Pagkaalis ng Itay ni Althea kinausap nya agad si Ben.

"Ben, hindi ko matatanggap ang kasal na inaalok mo sa kin."

"Bakit Althea? Hindi ba sapat ang yaman ng pamilya namin para tanggihan mo ang kasal na inaalok ko?" Galit na sabi ni Ben kay Althea.

"Ben hindi kita mahal! Wala akong paki sa kayamanan ng inyong pamilya! Kung ako ay magpapakasal doon lamang sa taong mahal ko!"

Sa sobrang inis nya kay Ben ay tumakbo sya palayo. Dinala sya ng kanyang mga paa sa Malaking Batong tagpuan nila ni Jade. Sumandal sya sa puno na katabi nito. Doon nya nakita ang inukit ni Jade na pangalan nito.

"Totoo nga ang sinabi ni Jade. Galing sya rito." Hinaplos nya ang inukit ni Jade. Di nya pa rin mapigilan ang pagtulo ng luha nya. Di nya alam kung ano ba ang ginawa nya para gawin sa kanya ito ng kanyang Ama.

PRESENT TIME

BANG!

Malakas na kulog ang narinig ni Jade kasabay nito ang pagliwanag ng buong paligid.

"Nako mukang uulan. Mabuti pa bumalik na ako sa bahay." Tatayo na sana sya nang may marinig syang iyak sa likod nya. Natakot naman sya dahil buong oras ay akala nya na sya lang ang tao dito sa may malaking bato. Nilingon nya kung saan nanggagaling ang tinig ng umiiyak.

Takot man ay nilapitan ito ni Jade para masigurado kung ayos lang ang babaeng umiiyak.

"Umm. Miss, ok ka lang?" Napansin nyang nagulat ang babae at tumingin ito sa kanya.

"Althea??" Gulat na sabi ni Jade nang mapansin nya na kay Althea pala nanggagaling ang iyak na kanyang naririnig.

"Ipagumahin mo binibini ngunit hindi kita kilala. Maari bang iwan mo muna ako. Gusto kong mapag-isa." Natawa naman bahagya si Jade sa reaksyon ni Althea dahil alam nyang di alam nito kung anong itsura nya.

"Althea, si Jade to. Jade Tachingco. Yung sa telephone remember?" Ngiting sabi ni Jade kay Althea.

"Jade?" Tumayo ito at niyakap sya. Nabigla man sya ngunit yumakap din sya pabalik kay Althea.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka napunta dito?"

"Wait. Isa isa lang Althea. Di ko din alam paano pero pagkatapos ng malakas na kulog at liwanag. May narinig ako na umiiyak. Nang silipin ko ito ay ikaw pala yun."

"Narinig ko din ang napalakas na kulog at kasabay ng kidlat. Pagkatapos nun ay bigla mo na akong tinawag. Kanina ka pa ba nandito? Ang alam ko ay ako lang mag-isa dito kanina."

Sasagot pa sana si Jade nang biglang umulan ng malakas at niyaya nya ito pumunta sa bahay nila.

"Ito ang bahay nyo Jade? Kamuka nito ang bahay naming ngunit naging modern lang itsura nito." Pagtatakang tanong ni Althea sa kanya. Di alam ni Jade kung pano nya ipapaliwanag kay Althea ang mga nalaman nya. Pinagpaliban nya muna ito at pinapasok si Althea sa kwarto nya para makapagpalit.

"Magpalit ka muna ng damit Althea baka magkasakit ka nyan." Kinuhaan nya ito ng kanyang mga damit at tinuro ang CR ng kwarto nya.

Lumabas na ng kwarto ni Althea pero di pa rin nito inaalis ang tuwalya na nakabalot sa kanya.

"Uhh Jade. Maari bang makahiram ng iba mong damit? Naiilang ako sa damit na iyong ibinigay. Masyadong kita ang aking balat. Pakiramdam ko wala akong saplot."

Natatawa naman si Jade kaya binigyan nya ito ng Tshirt at PJs.

"Thank you Jade." Ngumiti ito sa kanya.

"Kumain ka na ba? Gusto mong makita ang lola ko? Sigurado akong matutuwa syang makita ka." Yaya ni Jade sa kanya.

Hawak ko ang kamay ni Althea habang hila hila ko ito papunta sa dining room. Nakita ko ang gulat na reaksyon ni Ama nang makita na may kasama ako. Mas lalo pa itong nagulat nang makita nya ang itsura nito.

"Althea?" Pabulong na sabi nito.

"Ama, this is Althea. My new friend here. Dito muna sya matutulog ha? Tara Althea." Nakangiting sabi ko kay Ama.

"Magandang Gabi. Pasensya na po at wala akong matutuluyan ngayong gabi kaya sumama po ako sa inyong apo." Hindi ito sumagot at titig na titig pa din ito kay Althea.

"Ama?" Tanong ko rito.

"Ahh oo naman Althea. Welcome ka dito sa bahay namin." Kinindatan ko naman si Ama at ngumiti ito. Mukang alam nya na si Althea ito na kababata nya.

Puro kwentuhan at tawa ang maririnig na tunog sa hapagkainan namin. Nagpaalam na din si lola dahil magpapahinga daw ito. Lumabas muna kami ni Althea sa may garden. Habang nagkkwento ako ay napansin kong nakatitig ito sa kin.

"Yes?" Lingon ko naman dito at umiwas to ng tingin.

"Ah wala. Ang ganda mo kasi bihira ko makita ang katulad ng iyong ganda." Sagot ni Althea.

"Haha. Maganda ka rin naman ah."

"Pero hindi katulad ng sa iyo binibini." TItig na titig ito sa kin habang sinasabi ang mga salitang yon.

"Ikaw talaga. Binobola mo pa ako. Tara na nga matulog. Pagod lang yan. Haha." Hinawakan ko uli yung kamay nya at hinila papasok sa bahay. Napansin ko naman na nakatingin ito sa kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Althea, dito ka na lang sa kabilang kwarto matulog. Pinalis na yan ni Ama kanina."

"Umm Jade. Pwede bang sa kwarto mo na lang ako matulog. Natatakot kasi ako mag-isa. Lalo na at unang gabi ko dito sa inyong tahanan." Pigil nya sa kin.

"Sige. Pero malikot ako matulog ha? Haha."

"Ayo slang sa kin iyon Jade. Salamat." Sabay halik nito sa aking pisngi. Napangiti naman ako sa ginawa nya.

"Wala yon. Tara na."

Humiga na si Althea at nagbihis naman ako ng pangtulog. Paglabas ko ay nagulat naman si Althea sa suot kong pantulog.

"Ganyan lang iyong kasuotan pag matutulog? Diyos ko."

"Althea, ano ka ba? Nasa 2017 na tayo haha. Di na uso yung mga pang tulog nyo dati." Natatawang sagot ko kay Althea.

"Ah basta magpalit ka ng iyong kasuotan di ako sanay sa suot mo."

"Hahaha ok ok. Sandali. Wag mo ng takpan yang mata mo meron ka din nito."

"Bilisan mo na Jade. Para mkatulog na tayo."

Pagkatapos ko magbihis ay tumabi na din ako sa kanya. Napansin ko nakatulog na ito kakahintay siguro sa akin. Nilabas ko ang phone ko at pinicturan ko ang natutulog na si Althea. Habang tinitignan ko ang picture nya napansin ko ang maganda nyang lips. Nilapitan ko ito dahan dahan.

"Parang ang sarap nitong halikan. Parang hindi gaya nung mga lips nga mga nakiss ko na dati." Nagising ako sa imagination ko nang biglang gumalaw si Althea. Lumayo ako agad at baka mahuli ako nito ginagawa ko.

"Ano bang pinagiisip mo Jade. Matulog ka na nga." Inis kong sabi sa sarili ko.

"Good night Althea." Hinalikan ko ito sa pisngi at natulog na rin.

To be continued....

Dear JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon