Book 2 - Chapter 6

865 77 9
                                    


Kahit anong pilit ni Nanay sa kin na magpaiwan na lang sa bahay ay di ako pumayag. Sumama ako dito sa palengke baka kasi makita ko doon si Jade. Gusto kong maging close dito at maging kaibigan sya. Tumambay muna ako sa pwesto nila Wila upang ikwento dito ang nangyari kahapon.

"Wila! Wila!"

"Ano ba yan Glaiza! Aga aga sigaw ka na ng sigaw dyan baka malasin yung tindahan namin." Di ko maiwasan sa di mapatawa dahil sa mga sinabi nito.

"Haha patawad na. Excited lang naman ako magkwento sayo." Pero hindi ito tumigil at tinulaktulak pa ako nito para makaalis. Di ko namalayan na may tao pala sa likod ko at muntik na syang bumagsak dahil sa pagkabunggo ko sa kanya. Buti na lang nahawakan ko agad ito sa bewang bago sya mahulog.

"G-Glaiza." Rinig kong sambit nya. Tumagal pa kami ng ilang segundong titigan bago ko sya naitayo ng maayos.

"Jade, sorry ha? Ito kasing kaibigan ko tinutulak ako di ko alam na may naglalakad pala sa may likuran ko."

"Sorry din di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Ngumiti ako dito na nahihiya kita ko naman sa gilid ng aking mata na medyo natatawa't kinikilig si Wila dahil sa nangyari. Mukhang kanina nya pa napansin si Jade sa likuran ko kaya tinulak nya ako dito.

"G-Glaiza, ok lang ba tulungan mo akong mamalengke kasi gusto kong lutuan si Lola ng paborito nyang pagkain. Kung di ka lang naman busy?"

"A-Ah. O-Oo naman. Sige ano bang mga kailangan mong bilhin?"

"Ito oh. Ginawa yan ni Manang Miling sa kin. Busy kasi sya kaya sabi ko ako na lang bibili." Abot sa kin ng listahan nya.

"Sige tara dun kay Nanay. Ay Wila, dun na muna kami sa tindahan." Kinuha ko ang basket na dala nito at nagpaalam kay Wila pero di pa rin mawala ang pangaasar nya.

"Samahan mo na yang Jowa mo. Dahan dahan lang Glaiza ha baka biglain mo yan si Jade." Pakindat kindat pa nya.

"Ulul. Haha. Jade wag ka making dyan. Tara na nga." Kita ko naman ang pamumula ng mukha nito di ko alam kung namumula sa kilig o sa inis. Haha.

"Nay, si Jade po mamimili sya ng iluluto nya para kay Ama."

"Oh iha. Bat ikaw pa namalengke dapat inutos mo na lang yan nahirapan ka pa tuloy."

"Ok lang po TIta. Wala rin naman po akong ginagawa sa bahay."

"Glaiza, itong isda ikaw na bumili kay Tes para di na pumunta doon sa isdaan si Jade."

"Sama na ako Glaiza. Ok lang po sa kin Tita saka nandyan naman po si Glaiza para alalayan ako." 



***



|JADE|

Sinamahan ako ni Glaiza mamili ng isda medyo nag hesitate pa nga ang mukha niya kung isasama ba ako o hindi pero mapailit ako dito kaya wala rin syang nagawa. Mali pa ang nasuot kong slippers ngayon medyo nadudulas ako sa daan at nadudumihan na rin ang mga paa ko. Isang hakbang ko pa ay muntikan na akong madulas kaya napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Glaiza.

"Oh? Ayos ka lang ba?" Alalang tanong nito sa kin.

'A-Ah oo. Ok lang ako. Pwede bang kumapit muna ako sayo baka kasi madulas uli ako." Inabot nya naman ang braso nya sa kin sabay ngumiti pa ito. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko tuwing ngumingiti sya at tumitingin sa kin. Pakiramdam ko matutunaw ako. Sobrang kamuka nya si Althea maikli lamang ang buhok nito pero lahat ng features nya at ni Althea ay parehas.

Dear JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon