MARIA KAPE
by Angelito L. Pineda
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)Sabi nila, may kakaiba raw kay Caleb Francisco dahil siya lamang ang nakakakita at nakakaramdam sa mga kakaibang nilalang na madalas ay nagiging tampulan siya ng tukso at panlilibak ng mga ka-edad niya sa kanilang lugar.
Walang may gustong makipagkaibigan sa kanya dahil na rin sa mga pagkukwento niya sa mga nilalang na nakikita niya lalo na sa isang White Lady na nagpapakita sa kanilang paaralan na pinangalanang Maria Kape. Tuwang-tuwa pa si Caleb kapag napapaiyak niya sa takot ang mga kalaro. Lalo na kapag ikinukwento niya na nakikita niya lagi ang isang white lady na diumano'y nagpakilala sa kanya na si Maria Kape. Kaya madalas ay iniiwasan at laging nag-iisa si Caleb.
Walang nakakaalam kung paano nagsimula ang kuwento tungkol kay Maria Kape. Ni walang nakakakilala rito. Ang sabi ng mga matatanda, kapag nagpakita raw ito ay may malagim na kamatayan ang magaganap. Kaya malimit na pinagbabawal itong banggitin ang kahit pangalan nito lalo na sa mga pagtitipon dahil nagdadala ito ng kamalasan.
Isang araw ay naging palaisipan sa mga mamamayan ang biglaang pag-alis ng buong pamilya nina Caleb sa kanilang lugar. Walang nakakaalam kung bakit kailangan pa nilang lumipat ng tirahan sa Maynila gayong wala naman silang kamag-anak doon.
Pero madali siyang nakalimutan ng kanyang mga kapitbahay, mga kaibigan lalo na ang kanyang mga kaklase. Kaya sa paglipas ng mga taon wala ng nakakaalala pa kay Caleb Francisco sa lugar nila sa Santa Fe.
Matagal siyang nawala roon kaya gayon na lamang ang pananabik niyang masilayan muli ang bayan na kanyang kinalakihan. Nakita niya kung gaano kalaki ang pagbabago sa lugar lalo na ang pagiging lungsod nito.
Ngayon sa pagbabalik niya sa lugar na kinalakihan ay kasama niya ang kasintahang si Isadora Ramirez.
Masaya si Caleb sa pagbabalik niya sa Santa Fe. Hindi niya mailarawan sa salita ang kaligayahang makabalik sa bayang sinilangan.
Labing-apat na taon pa lamang siya noon ng umalis sila sa lugar at tumira sa St. Agatha sa Maynila.
Matalino at laging nangunguna sa klase noon si Caleb. Marami ang naiinggit sa kanyang mga kaklase kaya madalas ay inaaway siya lalo na ang mga nakakalaban niya bilang rank # 1 sa mga top achievers.
Pero, paborito siya ng kanyang mga guro lalo na sa ipinapakita niyang kabaitan at pagiging masipag sa pag-aaral.
Sipsip daw si Caleb sa mga teachers kaya siya ang ginagawang rank 1 sa klase anang mga ka-rival niya. Pero ng mawala siya ay tila nabunutan ng tinik ang mga naghahangad na maging rank 1 sa mga achievers.
Mag-aalas nuebe na ng gabi ng pumasok sina Caleb sa mall kasama ang girlfriend na si Isadora.
Pagdating sa pintuan ng mall ay malayang pumasok si Caleb habang abala sa pakikipagkuwentuan ang lady guard sa isang promo girl ng brand ng pizza.
Masaya ang dalawa habang papasakay sa escalator paakyat ng second floor.
"So, what's up now, hon?" Ang tanong niya sa kasintahan habang nakayakap ito sa bewang nito.
"Well, I don't know. How about you?" Ang tugon ni Isadora na ibinalik muli ang tanong kay Caleb.
"Hmm. I'm not hungry and you're not. We need to enjoy the night because it's our anniversary. So..." Napatingin si Caleb sa isang Movie poster na nakadikit sa isang pader ng mall. "...how about watching the last full show for that movie." Sabay turo so poster na may pamagat na The Way To Forever na pinagbibidahan ng pinakasikat na love team sa bansa.
BINABASA MO ANG
URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)
HorrorKaramihan sa atin ay pamilyar na sa ilang mga fictional horror character gaya nina Slender Man, Jeff the Killer, Ben Drowned, Slit Mouthed Woman, Sadako, Chucky, Freddy Krueger, Jason at marami pang iba. Kapag narinig natin ang mga pangalang iyan, a...