BELINDA
By Ayris Marasigan
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 2004Malapot at mainit na likido ang tumulo mula sa ibabang bahagi ng labi ko. Dugo. Nakaawang ang mga labing tumingin ako sa kanya. Wala akong makitang kaluluwa mula sa mga mata niya. Parang isang mabagsik na leon na anumang oras ay lalapain niya ako. Bakit, Itay?
"Ayos na ba 'yang mga pasa mo? Nakoo! Malapit ng umuwi si Inay. Baka mag pang-abot na naman sila ni Itay, pamihadong mag-aaway na naman ang dalawang 'yun." Walang habas na pagsasalita ni Daryl, ang bunso kong kapatid. Ginagamot niya ang mga pasa at sugat ko na ginawa ni Itay.
"Hindi naman masyadong halata ang mga pasa ko. Basta 'wag mo na lamang sasabihin sa kaniya. Nasaan ba ang Itay?" Tanong ko dito. Medyo napadaing ako ng idiin nito ang bulak sa labi ko na pumutok kanina sa lakas ng sampal ni Itay.
"Alam kong tatay natin siya, pero sumosobra na siya ate Belinda. Sala kay Inay ikaw naman ang pinagdidiskitahan niya kapag natatalo sa sabong. Yun, nandun sa kwarto at natutulog." Bakas sa boses ni Daryl ang galit. Ito kasi lagi ang nakakasaksi kung paano kami saktan ni Itay.
Sakto lamang lagi sa pang araw-araw na gastos namin ang kinikita ko sa paglalako ng mga lutong ulam. Habang si Inay naman ay sa pangbayad sa upa sa bahay at kuryente napapapunta ang kita sa paglalabada. Halos araw-araw ay sinasaktan kami ng batugan kong tatay. Lalo na't natatalo ito sa sabong. Wala kaming magawa dahil kapag lumaban kami ay ms lalo niya kaming sasaktan. Hindi ko alam kung bakit siya pa ang naging tatay namin ni Daryl. Hindi ko rin alam kung bakit nagkaroon pa sa mundo ng mga lalaking katulad ng tatay ko.
"Sinaktan mo na naman ang anak mo? Hindi ka na ba nagsasawa sa pananakit sa amin ha, Entong? Aba sumosobra ka ng walanghiya ka. Akala mo kung sino kang hari na matutulog at kakain dito. Wala ka na ngang binibigay na pangtustos sa gastusin dito ganyan ka pa! Kung magiging palamunin ka lamang namin dito sa araw-araw na ginawa ng Diyos, mabuti pang lumayas ka na!"
Napaigtad kami pareho ni Daryl ng makarinig ng komosyon sa loob ng kwarto. Boses 'yun ni Inay ah! Hindi na namin namalayan na nakarating na pala ito. Dali dali kaming pumunta sa kwarto at nadatnan namin na hinahampas ni Inay ng walis si Itay. Agad ko namang inawat ito dahil baka kung ano pa ang mangyari."Kita mo? Kita mo ang ginawa mo naman sa anak natin. Hayop ka talaga!" Nagpumiglas si Inay sa pagkakahawak ko at pinilit maabot ang galit na galit na si Itay.
"Tarantado ka pala e! Wala kang pakialam kung ano mang gawin ko dito at sa inyo." Dinuro-duro niya kami at nagsalita ulit, "Kayo, obligado n'yo akong pakainin dahil ako ang padre pamilya. Naiintindihan mong gaga ka? Itatak mo yan sa utak mo!" Wika nito at hinampas ang ulo ni Inay.
Wala na akong nagawa sa mga sumunod na pangyayari. Nakatulala lang ako sa nag-aaway na magulang. Kitang-kita ko kung paano sinuntok at tinadyakan ni Itay si Inay. Kung paano nito sinabunutan at inudyakan ng isang malakas na suntok.
Isang malakas na sigaw ni Daryl ang nakapagpagising sa pagkakatulala ko. Nakatakip ang dalawang kamay nito sa sariling mukha bago muling sumulyap sa sahig.
Dugo. Wala ng buhay. Dilat na mga mata. Ayan ang bumungad sa akin pagtingin ko sa sahig. Unang tingin pa lamang ay alam ko ng patay na si Inay. Si Inay na walang kalaban-laban.
Parang nagdilim ang paningin ko, mabilis akong nagtungo sa kusina. At pagbalik ko, hindi ko na hinintay na makalingon sa akin si Itay. Isang malalim na udyak ang ginawa ko sa likuran nito. Hindi pa man nakakahuma sa pagkabigla at sakit si Itay agad ko itong sinaksak ulit.
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Limang saksak na magkakasunod ang binigay ko sa kanya. Napatigil lang ako dahil sa pag-iyak ni Daryl. Oo nga pala, nandito ang kapatid ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanya na siya namang paghakbang palayo nito sa akin.
"Huwag kang matakot. Walang gagawin si Ate. Kita mo si Inay? Binigyan ko lamang ng hustisya ang pagkamatay niya. Wala na si Itay, wala na tayong dapat katakutan." Nakangiting sambit ko dito. Napahinto ito sa paghakbang na sinamantala ko naman para mahawakan ito.
"Wala ng mananakit sa atin Daryl. Wala ng demonyo sa bahay na ito. Inalis na ni ate." Pang-aalo ko at hinaplos-haplos ang buhok nito. Yumakap naman ito sa akin na agad kong ginantihan.
"A-ate? Parang awa mo na, pakawalan mo ako." Umiiyak na sabi nito.
"Ate hindi na ako makahinga. Ano ba! Bitawan mo na ako." Pagwawala ni Daryl sa pagkakayakap ko sa kanya.
"At bakit naman kita bibitawan? Para ano, para tumulad ka sa hayop na Entong na 'yan? Hindi. Hindi kita bibitawan. Dito ka lang. Dito ka lang kay ate." Anas ko sa tainga niya.
"Ayoko! Natatakot ako sa'yo. Pinatay mo si Itay! Ayoko sa'yo." Dahil sa pagwawala nito, nabitawan ko siya.
"Pinatay ko siya kasi ayaw niya kay Inay. Ayaw n'ya sa akin! At ikaw? Ayaw mo rin sa akin? Bakit ayaw n'yong mga lalaki kayo sa akin?" Nanlilisik ang mga matang tiningnan ko ang nanginginig na kapatid ko.
"Baliw ka! Baliw ka na!" Sigaw nito sa akin. Akmang tatakbo ito palabas pero nahawakan ko ang manggas nito at nahila pabalik.
"At sinong may sabi na pwede kang umalis dito? Hindi! Dito ka lang. Ang mga lalaking katulad n'yo ay dapat inaalis sa mundo." Hindi na nito nakagawang makailag ng mabilis kong itinarak sa noo nito ang patalim.
BINABASA MO ANG
URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)
HorreurKaramihan sa atin ay pamilyar na sa ilang mga fictional horror character gaya nina Slender Man, Jeff the Killer, Ben Drowned, Slit Mouthed Woman, Sadako, Chucky, Freddy Krueger, Jason at marami pang iba. Kapag narinig natin ang mga pangalang iyan, a...