The Secret Cave

306 5 0
                                    

THE SECRET CAVE
By Crazy Lady
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)

Pinapunta ni Chloe, si Marco sa kan'yang bahay.
Ang sabi niya sa binata ay may malubha siyang sakit at nangangailangan ng taga pag-alaga. Ulila na kasi siya sa magulang.
Nakilala niya ang binata sa isang bar. Siya rin ang unang lumapit dito at nagpakilala.
Noong una, ayaw pa sana siyang puntahan ng binata pero napapayag niya rin ito dahil pinapakonsensiya niya. Patay na patay kasi siya sa binata dahil kung hindi man lang ito mapasakan'ya ay mas mabuti pang patayin na lang niya ito kaysa ibang babae ang magpakinabang.

Gabi na ng makarating ang binata sa bahay ng dalaga. Nang madatnan niya ito sa bahay ay wala namang sakit ang dalaga. Maaliwalas ang itsura at ngiting-ngiti ng makita siya. Kung gayon ay niloloko lamang siya nito para makapunta.

"Aalis ka na kaagad? Kararating mo lang ah," nakasimangot na sabi ni Chloe, nang makitang tumayo ang binata.

Umiwas ng tingin si Marco. Ayaw niyang magkasalubong ang kanilang mata.

"Wala ka namang sakit kaya uuwi na ako," pilit ang ngiting pinakita niya sa dalaga saka tinalikuran ito.

Mabilis siyang hinarang ng dalaga kaya napahinto siya.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong na iyon. Ayaw niyang saktan si Chloe ngunit panahon na upang malaman nito ang totoo.

"May iba na akong mahal," wika ng binata.

"And so? Hindi pa naman kayo kasal," idinikit ng dalaga ang katawan niya sa binata na tila inaakit na naman niya ito.

Parang alam na niya ang gustong mangyari ng dalaga. Kailangan niyang umiwas dahil kung hindi baka maulit na naman ang dati. Lalaki lamang siya at madaling matukso.

"Chloe, tumigil ka na sa mga kahibangan mo!"

"Fine,"

"Fine? You mean, makakaalis na ako?"

Mabilis ang pagtahip ng dibdib ng binata habang hinihintay ang sagot ng dalaga.

"Oo,"

Halos hindi makapaniwala si Marco, sa sagot ng dalaga. Kilala niya si Chloe. Hindi ito ganoon kadaling pumayag hangga't hindi nakukuha ang gusto.

"Pero sa isang kundisyon pagbigyan mo ako ngayon. Hindi na kita guguluhin pa,"

"Sinasabi ko na nga ba," napangisi ang binata. Tama nga siya sa sinabi niya.

Mabilis niyang hinubad ang damit ng binata. Napalunok si Marco. Imbes na tutulan niya ang ginagawa ni Chloe, ay hinayaan niya lang ito.
Mga ilang segundo silang nagkatitigan hanggang mauwi sa mapusok na halikan. Unang bumitiw ang binata.

"Hindi ito tama, kaya itigil natin ang kahibangang ito!" saway niya sa dalaga ngunit hindi siya naririnig nito. Patuloy lang ito sa paghalik sa leeg, dibdib at labi niya.

"Chloe, I said stop it!" Pasigaw niyang sabi na ikinahinto ng dalaga.

"Marco, please...ito na ang huli. Pangako," parang batang nagmamakaawa ang dalaga para lang pagbigyan sa kagustuhan.

Napabuntong-hininga ang binata.

"No! Uuwi na ako. Matulog ka na lang," mabilis niyang tinungo ang pintuan at lumabas. Ngunit hinabol pa rin siya ng dalaga.

"Hindi na kita pipilitin, huwag mo lang akong iwan ngayon," pigil nito sa braso ng binata. Ngunit hindi siya nilingon ni Marco dahil dire-diretso lang ito sa paglakad hanggang sa bitawan na siya ng dalaga. Malayo na rin ang kan'yang nilakad. Nakaramdam siya ng konsensiya para sa dalaga. Hindi niya ito gustong saktan ngunit sumusobra na ito. Namimihasa na. Nagpatuloy siya sa paglakad nang biglang may kumalabog sa loob ng bahay. Paglingon niya, wala na si Chloe sa kinatatayuan nito. Bigla siyang kinutuban ng masama kaya napabalik siya sa bahay.

URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon