A NIGHT BY DAY
By El Maycry
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 1,653" MAGANDANG umaga po " pambungad na pagbati sa akin ng isang staff na babaeng blonde ang buhok at hapit na hapit ang suot na mini-skirt. Gumanti ako ng ngiti panabay hawi sa buhok ng dalaga. Mabango iyon at nakakaengayong hawiin ulit kaya lamang baka ako mapagkamalang si perberto.
Umupo ako sa front row dahil isa ako sa VIP Media na tanging nakapasok sa loob ng tinaguriang "Night of the Magnum Show".
Pasado alas singko pa lamang ng umalis ako ng aking tinutuluyang apartment. Kinakailangan ko pang dumaan sa opisina para sa appointment at tuluyang binagtas ang kahabaan ng highway 17 upang makarating ang Chi-Jing Theater House na kakabukas pa lamang.
Tumingin ako sa relos ko, 7:54 am na. Bahagya kong sinulyapan ang paligid ko at napansin na mangilan-ngilan pa lamang ang mga naroroon dahil sa mga bakanteng upuan.
" Hey! Taco! " kamuntik na akong malaglag sa aking kinauupuan nang gulatin ako ng isa sa kapatid ko sa hanapbuhay. Napasuntok na lamang akong ng bahagya sa sa braso nya. Ngumiti sya at napatawang nagpipigil.
" Kagulat ka naman, Seko. Kung saan-saan ka na naman sumusulpot. " tugon ko.
" Relax " panabay tatawa-tawa syang hinahampas hampas ang likod, " Sorry " dagdag pa niya.Biglang namatay ang lahat ng ilaw, may ilang dalaga ang tila napatili. Hudya't na iyon ng pagsisimula ng "Night of Magnum Show" isang grupo ng english magician performers na nagmula pa sa United Kingdom. Ang kanilang event ay preview pa lamang ng gaganaping The Big Show sa Araneta Colosseum sa mga susunod na linggo. Sa unang pagsalang ng mga magicians ay ipinakita nila ang ilang serye ng magic tricks na madalas mo nang mapanood sa telebisyon. Isa lamang sa kanila ang nagkaroon ng Standing Ovation dahil sa kanyang nakakamanghang magic. Sa isang animo'y kahon na transparent ay kumuha sila ng isang volunteer, pumasok sa loob ng kahon at tumayo, kitang-kita ang loob. Ang isang nakamaskarang magician na si Decipher ay nasa likuran ng kahon hawak ang isang matulis na bakal. Makikitang itinusok nya ito at tumagos sa tiyan volunteer ng walang dugo. Hindi magkamayaw ang mga naroroon sa tindi ng ginawang magic ng mahusay na salamangkerong iyon. Doon nagtapos ang "Night of Magnum Show" na tumagal ng tatlong oras.
NAGPASYA akong magpunta ng comfort room upang mag-aayos ayos ng sarili. May ilang mga performer na foreigner ang lumabas, naiwan ako sa loob mag-isa. Pumasok ako sa compartment, pinili ko ang nasa gitna. Umihi ako ng makaramdam ako ng kakaiba sa aking paligid. Pinunas-punasan ko ang aking mata at napasulyap-sulyap sa napapansin kong puting usok. Medyo nanghina ako, parang feeling ko may kakaiba sa usok kaya napaupo sa inidoro. Doon ay inabutan ako ng antok.
Nagising akong bigla sa isang sigaw, hindi ko matiyak kung ano yun. Medyo hilo pa ako ng sandaling iyon nang sulyapan ko ang oras. Napatayo akong daglian ng makita ko na alas dos na, sa pagkakatanda ko ay natapos ang show minus bente bago mag-alas dose. Pagtulak ko ng pinto ay napansin ko ang lalaking nakatayo at nakamaskara, nakatingin lamang sya. Ang maskara nya nakangisi at malungkot ang mata. Magkahalong puti at pula. Naglakad ako palabas ng C.R nang tumambad sa aking harapan ang nakakagulat na eksena, hindi ko iyon inaasahan. Ang umagang iyon ng kasiyahan kanina lamang ay napalitan ng napakalagim na gabi. Parang naging naging gabi ang araw ko.
" What the hell ? " sigaw ko pero sa akin lamang sarili, para na akong na-stroke kaaagad. Saka ko lamang nagunita na ang usok ay may halong mga pampatulog. Bumilis ang silakbo ng aking damdamin, hindi ko matansiya ko saan ako lulugar. Agad kong naisip ang nakatayong si Decypher paglabas ko. Hindi ko lamang pinansin ang hawak nya pero sa sandaling pakiwari ko ito ang ginamit nyang pangsaksak kanina sa event. Nanginginig ang aking kamay, nag-uunahan ang aking isip at daliri sa gagawin. Pero hindi sila magmatch, marahil sa labis na niyerbos at takot na aking nararamdaman.Lumingon ako sa aking likuran, walang naroroon, nawala si Decipher doon. Bahagyang nawala ang takot ko, subalit ako'y nangangamba sa mga susunod na mangyayari. Nagkaroon na ako ng ng lakas ng loob.
" Gwarhhg " pagpipigil ko sa suka na nararamdaman ko dahil sa nakakasilasok na amoy ng dugo sa paligid. Oo, sa sandaling iyon ng nakakapanindig balahibong kaganapan na nagpatindig at nagpatupi ng aking tuhod ay nagawa ko pang magkaroon ng pag-asa. Nagkalat ang mga bangkay na karamihan ay kababaihan. Kalunos-lunos ang kanilang sinapit. May busal ang kanilang bibig ng panyo, butas ang tiyan na simbolo ng pagtarak ng isang matulis na bagay doon. May iba pa na nakamulat at bakas sa kanila ang labis na pagkagulat. Sa puntong iyon ay nagawa ko pa ang aking trabaho bilang Mediaman, kinukunan ko ng litrato ang bawat makita ko. Naging kapansin-pansin lamang sa akin ang tila paggupit ng buhok, Walang buhok ang ilan na sa kanila.MADILIM at nagkalat sa aking pakiramdam ang mga dugo sa bawat hinahakbangan ko. Dahan-dahan lamang ang paghakbang ko nang biglang may sumaradong pinto. Napatitig ako sa pinanggalingan ng ingay, muling umandar at bumilis ang pagtibok ng aking puso na kanina lamang ay napawi na. Pinapakiramdaman ko ang aking paligid sa mga kaluskos na naririnig ko, baling sa kaliwa, baling sa kanan ang tingin ko. Bawat segundo ay mahalaga, bawat minuto ay dapat alerto. Anuman ang posibilidad ay marapat ay nakaposisyon na ako, Iniisip ko na ang bawat plano, tinatago ko lamang sa sarili ko ang kaba at takot, dahil kung mapapasakop ako ay tiyak mamamatay ako.
Nagpatuloy ako sa marahang pag-akyat, iniiwasan ko ang bawat bangkay na nakahambalang sa aking nilalakaran. Naaagapay na ang aking mga mata sa kadiliman ng paligid. Pero hindi pa rin nawawala ang kaninang kaluskos na aking naririnig, sa pakiramdam ko'y sa bawat pagpanhik ay siya ring paglapit ng kaluskos. Kumabog talaga ng husto ang aking puso, napapapikit mata na lamang ako habang inuusal ang mga katagang "tulong" at "Oh, Diyos.". Kakaiba din ang temperatura, mainit kaya pakiramdam ko ay nagbubuo-buo ang pawis ko sa aking buong katawan.
Walang kara-karakang lumitaw sa aking harapan si Decipher ; ang nakamaskarang magician. Kung kelan isang hakbang na lamang ay nasa pinakangpatag na ako ay saka naman ito lumitaw, sa labis na gulat ay napaatras ako ng isang hakbang. Nawalan ako ng balanse, maswerteng may makakapitan ay doon ako humawak. Mabilis ang sumunod na mga pangyayari, hawak ni Decipher ang matulis na bakal na akmang itutusok sa akin. Nang masalag ko ito ng aking kaliwang braso.
" Argggh ! " napapangiwing kong sigaw sa sakit ng bumaon ito sa aking dugo. Nawala na ako ng tuluyan sa pagkakapit. Nagpagulong-gulong ako pababa ng hagdanan ng teatro. Kung ano-ano ng bagay ang tumatama sa aking buong katawan. Hanggang sa bumangga na ang ulo ko sa mismong entablado.NAPAILING-ILING ako sa sakit ng aking ulo at iba't ibang bahagi ng aking katawan. Naghalo ang kirot, kaba, at takot. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Napansin ko ang patay-sinding liwanag sa backstage ng entablado. Alam ko papalapit na si Decipher sa akin kaya nagmadali na ako sa pag-akyat sa entablado. Akmang tatayo na sana ako namang may humila sa akin, nilabanan ko iyon. Kahit pa nanginginig ako. Tumihaya ako sa kinaroroonan ni Decipher. Ubod lakas kong inihampas sa mukhan nya ang nahawakan kong anong matigas na bagay. Napaatras ito at nahati ang suot nyang maskara. Doon na ako nakahanap ng tiyempo at tumayo, mabagal ang aking pagtakbo parang zombie at iniinda ko pa ang sakit, nagkalat ang dugo at pawis ko sa saking katawan. Binilisan ko pa ang paghakbang ko paghakbang, Lumilingon ako sa aking likod habang papalapit sa pintuan ng backstage. Kitang-kita ko ang pagtakbo ni Decipher papalapit sa kinaroroonan ko.
Agaran kong isinara ang pintuan ng pagpasok. Hinahabol ko ang aking paghinga, humugot muli ako ng ilan pa at huminga ng malalim. Mabilis pa din ang pagkabog ng aking dibdib. Nakakaramdam nako ng paghilo at pagod. Parang puro pula na lamang ang kulay na aking nakikita, Sinapo ko ang aking ulo at tumambad sa aking kamay ang dugo. Nanginginig ako, ilang minutong nabalot ang katahimikan.
" Kras ! . . . Krass ! "
Isang malakas na hampas ang dumagundong sa likuran ng pinto, magkakasunod na hampas. Ramdam ko iyon sapagkat ako'y nakasandal doon. Hanggang sa masira na ng tuluyan at lumitaw sa akin ang isang palakol. Mabilis akong gumapang palayo sa pinangagalingan ng mga hampas.
" Blagabag " nasira na ng tuluyan ang pinto at bumagsak, patuloy padin ang paggapang ko, mabilis walang tigil. Hanggang sa may lumundag mula sa akin at kaagad syang na sa aking harapan. Napatigil ako at napatingala, tahimik lamang akong nanlumo at pinanghinaan ng loob. Nakatalikod si Decipher. Muli akong humugot ng paghinga hindi dahil tapos na ang lahat, kundi sa iyon na ang magiging huli kong malagim gabi sa gitna ng araw. Unti-unti nang bumabagal ang pagtibok ng aking puso, lahat ay parang slowmotion tulad ng napapanuod natin sa mga pelikula.
Dahan-dahan syang humaharap mula sa pagkakatalikod, hawak nya ang palakol na pinambutas nya ng pinto. Dahan-dahan nyang ikinukumpas ang kanyang ulo na animo'y sumasabay sa ritmo ng musika. Bilugan at mapula ang kanyang malungkot na kaliwang mata, nakatikom naman ang kanyang bibig. Samantalang ang kanang bahagi ng mukha ay natatakpan ng maskarang nahati sa pagpukpok nya sa ulo nito.
Balot na ng takot ang kanyang buong pagkatao, mabilis tumahak ang segundo sa pagtatangka na nitong ihampas ang palakol sa kanya. Napapikit na lamang si Taco.Ilang sandali na ay hindi nya nararamdaman ang paghampas sa ulo, naimulat nya ang kanyang mata matapos nyang marinig ang katagang ibinulong sa kanya. Sa pagmulat nya saka nya narinig ang marahang pagyabag ni Decipher, papalayo kay Taco. Tuluyang nawala si Decipher tulad ng magic.
Maririnig ang ingay ng ambulansya at police mobile sa labas ng Teatro.
- - THE END - -
BINABASA MO ANG
URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)
TerrorKaramihan sa atin ay pamilyar na sa ilang mga fictional horror character gaya nina Slender Man, Jeff the Killer, Ben Drowned, Slit Mouthed Woman, Sadako, Chucky, Freddy Krueger, Jason at marami pang iba. Kapag narinig natin ang mga pangalang iyan, a...