CHARLIE: THE EVIL CLOWN
by Zeph Enriquez
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
You have a birthday present
ACCEPT or NOT???Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are
Up above the world so high
Like a diamond in the sky
Twinkle, twinkle little star
How I wonder what you are
Naglalakad ang dalagita sa isang hardin na puno ng mga bulaklak upang sundan ang umaawit na para bang pamilyar ang boses nito sa kanya.Sa paligid ang mga dahon ay nagsasayawan at ramdam niyang ang hangin na amihan na humahalik sa kanyang mga balat.Nang makarating siya sa isang puno na naglalagas ay isang bagay na umagaw sa kanyang atensyon ang maliit na kahon, kinuha ito upang tignan habang bubuksan pa lang niya ito ay mula sa loob ng kahon ay nakarinig siyang pumutok dahilan nang kanyang pagkagulat.
"Happy bday!!!!"
Hiyaw ng mga kaibigan kay Hannah dahilan ng kanyang pagkagising dahil nagpasabog sila ng confetti sa kwarto nito , ang iba ay nagpapatorotot pa, yung isa may dalang lobo at yung isa may bitbit pang cake na tinatakpan pa ang isang kamay upang di mahipan agad ng hangin ang kandila.
Habang si Hannah na hawak niya ang isang kamay upang takpan ang kanyang tainga dahil sa ingay ng dulot ng mga kaibigan habang kaliwang kamay naman ay nakahawak sa dibdib dahil sa pagkagulat. Nagawa niya pa rin ngumiti sapagkat kumpleto ang mga kaibigan.
"Nakakaasar kayo...Nagising tuloy ako sa ingay niyo" habang nagkakamot pa ng batok
"Bago kang mainis sa amin blow the candle." – nakangiting sabi ni Kaye ang kpop lover ng barkada
Sinunod naman niya ang kaibigan pagkatapos ay binatukan niya ang isang kabigan dahil napatorotot ito sa kanya
"Pashneya ka Seven!" habang hawak ang tainga
"Warka!" – pilyong sabi ni Seven sa kabigan na humirit pa sa pagtorotot
"Bumaba na tayo " - suggest ni Hans habang hawak pa rin ang mga lobo
"Ikaw din! pinaliguan mo ko ng mga confetti " palo niya kay Zhie sa balikat
"Aray ko!" – Si Zhie
"pero guys salamat , napasaya niyo ko..." habang pinupasan pa ang luha na konting tumulo sa mga mata
"syempre trops tayo" si Omina na yumakap pa sa kanya
"tara na! bago pa kayo mag-iyakan." - si Ian na bitibit pa rin ang cake
"Gora na bess! Nagmessage na sa akin sila ate Elea pupunta sila mamaya"- si Lhouren
Bumaba na sila upang mag-ayos para sa party mamayang gabi ni Hannah, nagtulungan silang magka- kaibigan para maging maganda ang maging kalabasan ng party ,masayang-masaya ang mga girls na mag design at magkabit ng mga decoration na kinukulit at hinaharot pa sila ni Seven habang ibang boys naman ay abala sa pagluluto sa kusina. Parehong nasa Thailand ang mga magulang ni Hannah kaya malaya silang gawin ang kanilang gusto. Mahigit dalawang taon na rin ang kanilang samahan dahil pareho silang nag-aaral sa COWWAR senior high.
" Happy bday!!!!!!!" – si Crystal na kakarating lang na kanilang kaibigan din na may bitbit pang dalawang box na yellow cab hinarap siya ni Hannah upang magbeso
"Eto, yan ang gusto kong suotin mong mamayang gabi inorder ko pa yan sa online." – si Crsytal na may inabot na paper bag kay Hannah pagkatapos humigop pa ng starbucks coffe na hawak niya.
"Thank you..." –si Hannah
Pagpatak ng 7pm ay nagsisidatingan na ang mga bisita.May mga sayawan habang sinasabayan ang mga tugtog na uso ngayon. Si Zhie ang DJ nila,Sina Ian,Clarke at Hans ay nakatoka sa pagkain at sa inumin.
"Nandito na ang bday girl"- si Ominah
Sinulyapan si Hannah ng lahat na pababa sa hagdanan na suot ang binigay ni Cystal na kulay yellow dahil ito ang kanyang paborito.
"Maraming salamat sa inyong pagpunta at sa mga trops na maraming-maraming salamat..." –nakangiting nitong sabi.
"Happy bday!!!" si Alexis na binuksan ang wine na tumtulo pa sa bote nitong hawak
Patuloy pa rin ang kasiyahan sa bahay ni Hannah na di maalis sa kanyang mukha ang ligayang nadarama.
"Happy bday..." si Elea kasama nito ang kanyang fiancée na si Ivan pagkatapos bumeso ay may inabot itong cupcake na kanyang binake.
"Thank you po...buti naka-abot pa kayo"
"Kasi itong kuyang Ivan mo akala ko susunduin ako nauna na pala kanina dito "
" Binalikan naman kita at akala ko kasi dito tayo magkikita..."
"Anong dito magkikita? Alam mo may bitbit ako?!"
"Sorry na, nakakahiya kay Hannah sa harapan pa niya tayo nag-aaway"
"Sige na, pasensya na Hannah"
Nginitaan niya lang ang dalawa na parang aso't pusa kung mag-away.
- - -
"Ano yan?! Bakit may convo pa kayo ni Zhie?" Tanong ni Hans kay Lhouren
"Dati na ito"
"Dati? Bakit naka-save pa akala ko di na kayo?"
"Hans! May pinagsamahan din kami ni Zhie at magbestfriend na lang kami.Humingi lang siya ng advice kung paano niyang haharapin si Eyra sa Newyork ..."
"Yun lang ba talaga ang dahilan?"
"Oo...tapos na ang lahat sa amin ni Zhie "
"wala ka nang feelings sa kanya?"
"syempre wala na at matagal na yun sa amin,kaibigan natin si Zhie"
"Bakit sayo pa humingi ng advice? "
"hays! Dahil babae rin si Eyra at gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon ni Eyra kapag sinundan niya ito sa New york ,gusto niyang malaman kung ano ang feelings sa babae kaya sa akin siya nagtanong."
"ok..." bugtong hiningang sambit ni Hans.
- --
Nagpaalam si Omina sa mga kaibigan na umakyat para maki-cr sa kwarto ni Hannah.Ngunit bago man makarating sa kwarto ng kabigan ay may madaan niya ang isang kwarto na parang may isang bagay siyang narinig.Ungol ng isang lalaki at isang babae na parang nasisiyahan sa kanilang ginagawa .
"Sige lang...sige lang...aaahhh" mahinang ungol ng babae na habang abala ang dila ng lalaki sa kanyang batok at tainga na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa babae,
"Gusto mo yan?gusto mo ito..."
"Sige lang wag kang titigil..."
Patuloy silang nasisiyahan sa kanilang ginagawa ngunit habang sila'y abala ay bigla silang nahinto dahil sa isang tinig .
"Mga walang hiya kayo!!!!!" – sigaw ni Omina sa dalawa ,namumuo na ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata dahil kitang-kita ng dalawang mata niya ang kanyang nobyo na si Seven na nakapatong sa likod ni Crystal
"Omina!" si Seven
"Hu-huwag kang lalapit,dyan ka lang..."
"Omina, magpapaliwanag kami..." si Crystal
"Tumigil ka! Isa kang ahas at ano pa ang ipapaliwanag niyo kitang-kita ko ang lahat!" simula ng magpaligsahan ang mga luha ni Omina sa kanyang mga pisngi at tumakbo na ito para lisanin ang kwartong yun.
- - -
"Hannah,para sayo nakita ko sa labas ng gate niyo ..."- si Ian na nag-abot ng mallit na box
"Kaninong galing?" Tanong nito sa kaibigan ngunit sumenyas lang ito na di alam kung saan talaga nanggaling ang regalo.
"Buksan mo para malaman mo kung kanino." Suggest ni Kaye
Nang mabasa ang nakasulat na nakalagay sa ibabaw ng box, Nag-iba ang kanyang reaksyon sa kanyang nabasa dahil may nakalagay na
"I'M BACK! DO YOU MISSED ME? –CHARLIE
"Sinong Charlie?"
Sa kanyang pangalan na nabasa ay bigla siyang kinutuban dahilan para buksan niya ang laman ng regalo ngunit bigla siyang nanlamig nang marinig ang tugtog na
Twinkle, twinkle, little star....
Tumingin siya sa paligid ,mga tao ay nagsasayahan at para bang tumigil ang kanyang mundo.
"Not now....."bulong sa sarili
Nang mamasdan ang kaibigan na si Omina na parating.
"hoy! Usapan walang iinom ah?" si Kaye ngunit di siya pinansin na patuloy pa rin inunom ang isang boteng san mig lghts
"Kailangan natin pauwian ang mga tao .... Si Hannah
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Kaye
"May mangyayaring di maganda..."
"What do you mean?"
Habang nagsasayawan ang mga tao at nag-eenjoy sa party ay biglang nahinto dahil nag-iba ang tugtog ng musika dahilan para magulat silang lahat nang tinignan si Zhie sumenyas lang ito na wala siyang alam sinubukan niyang palitan ngunit ayaw.
BINABASA MO ANG
URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)
TerrorKaramihan sa atin ay pamilyar na sa ilang mga fictional horror character gaya nina Slender Man, Jeff the Killer, Ben Drowned, Slit Mouthed Woman, Sadako, Chucky, Freddy Krueger, Jason at marami pang iba. Kapag narinig natin ang mga pangalang iyan, a...