Trees Marias

344 10 0
                                    

TREES MARIAS
By Ian Espenido
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)

NANGUNOT ang aking noo ng biglang huminto
ang Jeepney sa tabi ng madilim na eskinita.
Namasdan kong may parang sinesenyasan si Manong Driver banda sa eskinitang iyon. Dahil sa kuryusidad ay pinihit ko ang aking ulo patungo
sa pintoan ng Driver Seat. Awtomatikong gumapang ang kilabot sa aking boung katawan
ng mapuna kong walang tao doon. Dahil sa kababalaghang iyon ay walang anumang binawi ko ang aking ulo saka umakto na parang walang nangyare kasi nakatingin sa akin ang mga pasahero.
Mayamaya ay umatras sa pagkakaupo ang mga pasahero na parang may uupo din sa puwestong iyon. Ngunit nangilabot ang aking katawan ng wala naman akong nakikitang umupo dun.
Nagsimulang lumamig ang hangin na kanina lamang ay napakainit.
Biglang sumama ang aking pakiramdam kaya napagdesisyonan kong bumaba nalang.

"Ate pakiabot ng bayad."
Sabe ko pagkatapos ay bumaba na ako sa Jeep..

PINAGMASDAN ko muna
saglit ang Jeepney habang ito ay paalis.
Naghihinayang ako kong
bakit ako bumaba. Ilang milya nalang sana ay mansyon ko na. Habang
pinagmamasdan ko ito ay may natanaw akong lalakeng nakapwesto sa dulo kong saan umabante sa pagkakaupo
ang mga pasahero.
Bago ako bumaba ay wala pang taong nakaupo dun kanina, bakante siya. Nagsimula na namang umatake ang nervious ko, para maglaho ang pangangabog ng dibdib ko inisip ko nalang na baka isa lang 'yon sa mga pasahero.
Ngunit ng lumingon ang lalake at tumingin ng deritso sa akin, pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko.
Ngumiti siya sa akin na abot tenga ang bibig.
Wala siyang mukha pero
namamasdan niya ako.
Kumakaway siya na may
dalawang kadenang nakagapos sa braso niya.

Sisigaw sana ako ng biglang sumabog ang sasakyan! Nagdulot ang pagsabog na iyon ng matinding impact kaya yumanig ng napakalakas ang cementadong kalsada...

NALULUHANG pinagmasdan ko ang sasakyan na ngayon ay nilalamon ng apoy.
Halos hindi ako makakilos at makatayo mula sa pagkakahandusay.
Walang ibang salitang namutawi sa aking bibig
kundi ang "Pasasalamat"
Habang umiiyak ako ay
napansin ko sa kanang bahagi ang mapayat na
puno. Kinikilabutan ako
dahil ang kulay lupang katawan nito ay tila gumuhit ng nakakakilabot na anyo.
Isang mukha na may mahabang bibig ang ngumingiti sa akin.
Dahil sa matinding kilabot ay bigla akong nawalan ng malay.
KINAUMAGAHAN ay nagising ako sa ospital.
Ngunit ang alaala kagabi
ay hindi mawaksi sa aking isip. Napagpasyahan kong bumalik sa lugar na iyon para magimbestigar. Nakilala ko si aleng Martha. Naikwento niya sa akin
ang tungkol kay Marios Llaurine. Ayon sa sinabe niya. May hatid umanong kamalasan si Marios sa sinumang lumapit sakanya.

SUMPA sa pamamagitan
ng malagim na trahedya.

Kaya naman, dinakip ng mga tao si Marios, pagkatapos ay pinaslang.
Isang trahedya ang muling sumariwa sa aking alaala. Karanasan na hindi ko kailanman makakalimutan. Sabe ni aleng Martha, hindi lang iyon ang unang beses ng sakuna.
BANDA alas singko ng hapon ng umalis ako.
Hindi palang ako nakakalayo sa kinaroroonan ni aleng Martha, ay narinig kong tinawag niya ako. Hindi
ko siya nilingon sapagkat nawawala ang preno ng motor. Tumagilid ang sasakyan na naging sanhi ng pagbagsak ko. Sumisigaw si aleng Martha. Tatayo na sana ako para tumakbo ngunit
naging huli na para sa akin dahil may sumulpot
na malaking Drum Truck sa harapan ko!!
SA lugar na ito inilibing
ang katawan ni Marios.
Tumubo ang mapayat na puno sa mismong ipinaglibingan sakanya.
Tinawag itong Trees Marias
dahil walang nakakaalam
kong anong kasarian ni Marios Llaurine.
SA tuwing may magaganap na aksidente.. Si Marios Llaurine agad ang maiisip ng mga tao..

_WAKAS_

URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon