The Gut Hanger

256 6 0
                                    

THE GUT HANGER
By: Andrei Lopez
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 703

News Flash.
Isa nanamang lalaki ang natagpuan na nakabalot sa Masking Tape, at may karatula sa tabi na nagsasabi nang "Pusher ako, wag tularan" Sinasabing sangkot dito ang mga pulis ngunit ayon naman sa kanila ay gawa ito ng mga sinasabing "Vigilante".
Sa kabilang dako naman, Pasintabi po sa mga kumakain, Nako, mukhang unti-unti na 'tong lumalala, Isang pamilya ang natagpuan sa kanilang bahay, At tulad ng naunang Limampung biktima, ay nakabigti din gamit ang kanilang bituka, Nawawala ang mga paa at kamay ng mga biktima at tanging katawan at ulo lang itinira, may hiwa ang tiyan nito hanngang sa Dibdib. Isa na namang pamilya ang nabiktima ng Gut Hanger. Ayon sa ilang Private Investigator, ang Salarin ay isang takas mula sa Kapapasara lang na "White Hall Asylum" Ang Salarin ay kilala sa tawag na "Harkness" at may tag number na 563AL. Sinasabi rin na isa siya sa mga palpak na eksperimento ng White Hall, at isa sa dahilan ng Gobyerno kung bakit ito isinara. Ito ang isang live Interview sa Isa sa mga doktor ng Asylum.
"Dr. Cruz, anong masasabi mo tungkol dito sa "Harkness" o mas kilala sa tawag na "Gut Hanger"?
"Si Harkness, oo tama, Isa siya sa mga pasiyente namin, at uulitin ko, inaprubahan ng gobyerno ang mga ginagawa naming eksperimento sa tao, gaya ng lobotomy, ngunit ng makatakas ang ilan sa mga pasiyente namin, binaliktad na kami. At kay harkness, brutal talaga siya at di mapigilan, nakapatay na siya ng ilang pasiyente, sinubukan naming alamin kung bakit ganito ang takbo ng utak niya, ngunit ng malapit na namin iyong gawin, sinunog niya ang Pasilidad at pumatay ng ilang doktor, kung d lang kami pinasara ng pamahalaan ay nagamot namin ang mga taong katulad niya"
"Salamat Dr. Cruz, pero sa tingin niyo, bakit iyon nagagawa ni Harkness?"
"Una dahil mayroon siyang Schizoprenia, Multiple Personality Disorder, at Severe Psychosis. Matagal na siya sa Asylum bago pa ako makapasok doon, at konti lang ang nalalaman ko sa kaniya dahil mahigpit ang seguridad pagdating sa kaniya"
"Salamat ulit Dr. Cru---
**Tschhhooom**
"Hayy, hipokrito talaga silang mga doktor no?"
"oo nga eh, kaya nandito tayo sa labas diba?"
"tama ka diyan dre, Pang ilan na nga ba sila?"
"Fifty, kakasabi lang sa balita ah?"
"Hindi itong ngayon"
"Aaaah, edi 51, pang fifty one na silang pamilya"
Pinatay ni Harkness ang T.V. at muli, ay kinausap na naman ang sarili niya, Pinanood niya muna ang balita na tungkol sa kaniya, dahil napapataas nito ang kaniyang tiwala sa sarili. Sunod ay humarap na siya sa bago niyang biktima, ang ika-limampu't isang pamilya na nabiktima niya. Nakatali ang mag-asawa at nakabitin na ang isa nilang anak, walang kamay at mga paa, at tulad ng iba, ay binigti gamit ang sarili nitong bituka.
"Hahahahahaha, akalain mo Fifty one baby!!! FIFTY-OOOOOONE!!! Kayo ang- ang suwerte kong mga biktima wohohoho!!!"
Umiiyak na ang mag asawa at nagmamakaawa na paalisin na sila, ngunit pinagtatawanan lang sila ni Harkness habang Pinuputulan ng Kamay at Paa ang panganay nilang anak, Di na sumisigaw ang bata at nakatirik na ang mata, bumubula ang bibig na may kasamang dugo. Pagkatapos ay inilabas niya ang mapurol niyang kutsilyo at hinalikan iyon, sabay saksak sa tiyan ng bata at hiniwa ito pataas, sunod ay kumuha siya ng matalim na kahoy at itinusok sa bituka ng bata para hindi ito humiwalay, at ibinitin na niya ito.
"Alam niyo ba kung bakit ako ganito? Alam niyo ha? Alam niyo? Simple lang! dahil MASAYA, wala kayong laban sa kin eh hahahahaha" ngayon para sa main event, simple lang ang laro, ang mananalo, unang mamamatay hahaha, Jack n' ppoi lang naman to, isang score lang ang kailangan ko ayos ba?"
Tinanggal niya ang tali sa isang kamay ng mag-asawa, piniling magpanalo ng lalake na napansin ni harkness, kaya ng natalo ang babae. Ngunit kinalagan ni Harkness ang babae at sinimuluang tagain ang mga kamay at paa nito sa harap ng lalaki. Tanging sigaw na unti-unting nalunod sa dugo ang narinig mula sa tahanan ng ika limamput-isang pamilya ni Harkness, O mas kilala sa tawag na "The Gut Hanger"

Wakas

URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon