BEN
by PAB
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 1,068Makailang ulit humalik ang kanilang kamao sa aking mukha. Bagsak ang salamin kong lumagapak ito sa lupa. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay hinding-hindi ko malilimutan ang kanilang mga hitsura na humahalakhak pa habang ang isa ay hila-hila ako at padausdos akong inihagis sa kalsada.
"Hahaha! 'yan ang nababagay sa mga katulad mong nagmamagaling!"
Humahalakhak na rin ang iba pa niyang kasama habang siya ay may kinuhang kung ano sa kaniyang bulsa.
"So mga p're? Ano gagawin natin sa isang 'to?" Dagdag ng isa.
"Anu pa, e 'di patayin!" Suhestiyon naman ng dalawa.
Pagkarinig ko no'n ay agad akong nagpumilit tumayo para sana takasan sila pero dahil sa tindi ng tinamo kong pinsala ay hindi ko na magawang humakbang. Ni lumakad man lang.
Sa ilang iglap pa ay naramdaman ko nalang ang mainit na bagay na dumampi sa aking likuran. Kasunod no'n ay ang unti-unting pagdilim ng aking paningin.
Narinig ko nalang ang huling sinabi ng isa bago ako tuluyang mawalan ng kamalayan.
"Itapon ang bangkay niyan sa may ilog! Bilisan n'yo!"
Matapos no'n ay agad na nilamon na ng kadiliman ang paningin ko at hindi ko na alam ang nangyari.
-
-
-
-
-
-
-
"Hijo?"
-
"Hijo?"
-
"Hijo!"
-
Pagmulat ko ay nakita kong nasa tabi ko ang isang matandang lalaki at sa tantiya ko ay nasa edad sitenta na. Makikita kasi sa kaniya ang kulubot niyang noo at ang medyo may kahabaang balbas na lumagpas na hanggang leeg niya.
"Nasaan ako?" Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at napansin kong nasa isa akong silid.
"Nakita kitang palutang-lutang sa may ilog habang nangingisda ako. Hala! Mabuti't gising ka na, gusto mo bang mag-kape?" Anyaya niya habang maingat na hinahalo ang kape gamit ang kutsara.
"A, sige po," marahan akong bumangon mula sa papag na aking hinigaan at pagkatapos ay kinuha ko ang kape sa gilid ng lumang lamesa para lagukin.
"Ano ba ang nangyari sa'yo, hijo? Isang linggo ka ring tulog. Mabuti at daplis lang ang tinamo mong tama ng baril sa likod kaya mabilis kong nalapatan ng lunas."
Matapos kong inumin ang kape ay muli akong nagsalita.
"Hindi ko po alam. Ang tanging alam ko ay pinagtulungan po ako ng mga itinuring kong kaibigan matapos ko pong malaman ang sikreto nila."
Tanging nasabi ko.
"Kung ganun bakit ka naman nila pinagtulungan? at ano ba ang sikreto nila?" Muling tanong niya.
"Nalaman ko po kasing involve sila sa droga."
Nakita ko nalang ang biglang pagkunot ng noo ng matanda matapos marinig ang sinabi ko.
"Droga?"
Nakakuyom ang kamao nito at kapagdaka'y tumayo, at dumako sa may dingding upang kuhanin ang bagay na nakasabit.
Muli siyang lumapit sa akin at ini-abot ang isang bagay na sa tantiya ko ay isang punyal na medyo may kahabaan at may hugis dragon na nakaukit sa may hawakan.
"Ito ang punyal ng namayapa kong anak, hijo. Nais kong gamitin mo ito para makaganti ka sa mga kaibigan mo."
"Ho?"
"Hindi ordinaryong punyal 'yan. Ang sinumang gagamit niyan ay magkakaroon ng pambihirang kapangyarihang itim."
Kapangyarihang itim?
Hindi ko alam kung tatangapin ko ba ang punyal o hindi. At hindi ko din alam ang sinasabi niyang kapangyarihang itim pero naging interesado ako bigla dito kaya tinanggap ko.
Isang buwan ang nakalipas at tila nagbago ang aking sarili. Nakasuot ako ng itim na hood at nakamaskara na puti na nakangiti, habang dala-dala ang punyal na ibinigay sa akin ng matanda.
Handa na akong patayin sila. Sila na mga traydor! "Hahaha!" Tila nagbago din ang aking ugali, ewan ko ba parang naramdaman ko nalang na may sumanib sa aking kung ano na hindi ko maintindihan.
Nauuhaw ako sa dugo. Gusto ko silang isa isahin!
Nakakubli ako sa may eskinita habang inaabangan ang dati kong tropa.
Mga ilang oras din ang nagdaan ng masipat ko sila. Ang apat na dati kong kasama.
Agad akong humarang sa daraanan nila. "Si-sino, ka?" Tanong ng isa.
"Aba, ang angas p're, gusto yata nito makatikim." Sabat naman ng ikalawa.
"Hahaha! Nakamaskara pa, anu ka? Sasali sa holloween party?"
Agad kong inilabas ang punyal at itinutok ko iyon sa kanila.
"Tapos na kayo," maikling sagot ko.
Gamit iyon ay mabilis kong naitarak sa sikmura ng una habang ang ikalawa nama'y pinaputukan ako ng baril sa ulo.
Pero parang nakiliti lang ako kaya sunod ko namang itinarak sa leeg ng ikalawa ang punyal. Kasabay ang pagtulas ng kaniyang dugo ay ang pagrehistro ng takot sa mukha ng ika-apat at ika-tatlo.
Tumba na ang dalawa.
"HAHAHA! Ngayon kayo naman." Unti-unti akong lumalapit sa kanilang dalawa habang dala ang punyal.
Matapos ang ilang minuto ay narinig ko ang kanilang pagkanta.
"Aaaaaaahhhhhhhh!" Sigaw nila matapos kong ibaon ang kutsilyo sa kanilang mga mata.
Tinapos ko ang apat sa loob lamang ng pitong minuto.
"Hahahaha!"
Lumabas ako ng madilim na eskinita at nagtungo sa kalsada na parang walang nangyari.
Naisip ko hindi lang pala sila ang umapi-api sa akin simula nung bata pa ako.
Kun'di marami pang iba.
Ngayong taglay ko ang kapangyarihang ito ay panahon na siguro para mapatay ko sila.
Silang lahat! HAHAHAHAHA!
--------------
Si Tricia na binasted ako nung highschool ay sinaksak ko at dinukot ko ang puso.
Si Robert na dinuraan ang kinakainan ko dati ay pinutulan ko ng dila at pinakain ko ng bubog.
Si Oscar na dati ay inihian ako sa ulo ay ngayon ay pinutulan ko ng ari at ipinakain ko ito sa kaniya.
Lumipas pa ang maraming buwan at taon at patuloy kong hinahanap ang mga natitirang tao na nang-api sa akin.
Hanggang sa mapadpad ako sa dati kong tinitirhan na bahay. Nakita ko doon ang aking lola.
Siya lang ang hindi ko pinaslang. Alam niyo ba kung bakit? Kasi siya lang kasi ang hindi nang-api sa akin. Minahal niya ako ng wagas na pagmamahal. Itinuring niya akong tunay na anak kahit pa ako'y ampon lang.
Nakita ko siyang nakaratay na sa kaniyang silid. Malubha na ang kaniyang sakit.
Tinignan ko ang kaniyang mga mata at nakita ko sa kaniya ang labis na paghihirap.
Kaya para ito'y mapadali na at 'wag ng maghirap pa.
Papatayin ko na rin siya.
"HAHAHAHAHA!!!!!!"
-----------
"Siya nga pala hijo? Anu nga pala ang Pangalan mo?"
Tumalikod lang ako sa matanda nang kinuha ko ang punyal.
Nang muli akong humarap ay lumabas sa aking bibig ang aking bagong pangalan.
"Ben po."
"BEN THE KILLER."The End.
BINABASA MO ANG
URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)
HorrorKaramihan sa atin ay pamilyar na sa ilang mga fictional horror character gaya nina Slender Man, Jeff the Killer, Ben Drowned, Slit Mouthed Woman, Sadako, Chucky, Freddy Krueger, Jason at marami pang iba. Kapag narinig natin ang mga pangalang iyan, a...