LA MEMORATA DE AMOR: A CURSED PORTRAIT
By Helios Jeffrey SB
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 2,707Tumunog ang dream catcher ng buksan ni Ervin ang pinto ng portrait shop na nadaanan nya sa bahaging iyon ng Vigan City habang naglilibot libot sya sa nasabing bayan .
Pagpasok nya sa loob ay tumambad sa kanya ang mga naggagandahang paintings na lahat ay puro vintage , bumagay iyon sa disenyo ng naturang shop na may pagkaluma ang tema .
Maraming canvas doon na tinitingnan tingnan ng mangilan ngilang customers ngunit may bukod tanging portrait doon na talaga namang kumuha ng atensyon nya .
Nilapitan nya ito at tinitigan . Larawan iyon ng isang napakagandang babaeng nakasuot ng puting bestida at nakaupo sa bermuda grass habang kipkip ang pumpon ng pulang rosas . Nakaukit ang matamis na ngiti nito sa maninipis na labi . Ang maamo nitong mata na animo'y laging iiyak ay pinaresan ng malalagong pilik at binagayan ng kilay nitong tila inukit ng mahusay na ilustrado .
Sa simpleng pagkakatitig ni Ervin sa larawan ay mayroong pamilyar na damdamin ang unti unting nabubuhay sa kanya . Iyon ay ,
Atraksyon at Pagnanasa . Hindi naman na sya teenager para mag init sa simpleng pagkakatitig sa larawan ng isang magandang babae ngunit kataka taka man ay iyon ang nararamdaman nya ng mga oras na iyon .Ngunit sa isang iglap , ang larawan ng isang masayang babae ay biglang napalitan ng image ng isang babaeng hubad at naliligo sa sariling dugo at sa biglaang kurap ay bumalik ito sa dati .
Weird .
Pinagpalagay nyang namalik mata lamang sya .
Napansin ni Ervin na may nakasulat sa bandang ibaba ng painting .
Binasa nya ito ." Froserfina " sambit nya .
Muli nyang tiningnan ang larawan at kinausap na parang buhay .
" Marahil ay Froserfina ang pangalan mo , napakagandang pangalan . Kasing ganda mo "
Sa isang kisapmata ay tila bigla nyang nakitang ngumiti ang nasa larawan .
Isang palad ang pumatong sa kanyang balikat mula sa likuran dahilan upang ikalingon nya iyon .
Nakita nya ang isang matandang lalaki .
" Nakita mo bang nguniti si Froserfina ?!! " tanong nito sa kanya sa tonong tila buhay at kamatayan ang nakapagitan sa magiging sagot nya .
Naguluhan sya at hindi nakuhang sumagot .
Sukat doon , ay dali daling kumuha ng tela ang matanda at kinuha ang portrait at binalot iyon .
Naalarma sya at pinigilan ang matanda at pilit inagaw ang painting na nakuha naman nya .
" Ah sir , manong , tatay , lolo ! Bibilhin ko po ang painting ! " awat nya dito .
" Hindi mo naiintindihan , Hijo ! May sumpa ang larawan na y- " paliwanag ng matanda na kanya namang pinutol .
Dinukot nya ang wallet mula sa likod ng pantalon at - " manong kayo ho ba ang may ari nito ? " tanong niya .
" ako nga " sagot .
- dumukot sya ng tig iisang libo na sa tingin nya ay sobra pa sa halaga ng portrait at iniabot iyon sa matanda - " heto po , siguro naman sobra pa yan " pagka wika noon ay walang lingon likod syang lumabas ng shop dala ang portrait.
Mula ng mapunta kay Ervin ang portrait ay nakakaranas na sya ng mga kakaibang bagay . Tulad na lamang ng mga piling pagkakataon na parang nakikita nyang nakangiti ang babae sa larawan .
BINABASA MO ANG
URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)
HorrorKaramihan sa atin ay pamilyar na sa ilang mga fictional horror character gaya nina Slender Man, Jeff the Killer, Ben Drowned, Slit Mouthed Woman, Sadako, Chucky, Freddy Krueger, Jason at marami pang iba. Kapag narinig natin ang mga pangalang iyan, a...