Sinumpang Kakahuyan

323 4 0
                                    

SINUMPANG KAKAHUYAN
ni JimmySaylent
(An Official Entry to UHS Writing
Contest 2017)
Word Count: 2,319

ATRESE ng Abril...

Patuloy sa pagpatak ang malalaking butil ng ulan sa labas. Ang dagundong ng kulog ay nakadaragdag sa takot na nadarama ng magkakaibigang kasalukuyang nasa gitna ng isang kakahuyan sa Santa Nimfa. Dito sila pinadpad ng kanilang mga paa, kahahanap ng lugar na puwede nilang paggo-ghost hunting-an.

"Buysit! Umulan pa, paano tayo nito makakapag-ghost hunting ngayon kung ganito kalakas ang ulan?" inis na sabi ni Janver.

Wala pa naman silang dalang payong noon. Bago kasi sila makarating rito ay tagaktak ang kanilang pawis dahil sa tirik na araw at 'di nila akalaing uulan nang ganito kalakas.

"Kailangan nating makahanap ng masisilungan ngayon, kahit next time na tayo ulit mag-ghost hunting at sana ay umayon na sa atin ang panahon," saad naman ni Martin.

Nagpatuloy sa paglalakad ang magkakaibigan sa gitna ng kakahuyan at nasumpungan nila ang isang maliit at lumang bahay. Style cabin ito, katulad sa ibang bansa na nakatirik sa gitna ng kakahuyan. Nagtataka man sila kung bakit sa dinami-rami ng lugar na maaaring pagtayuan ng bahay ay dito pa-- binalewala na lamang nila ang bagay na ito. Agad na pumasok ang magkakaibigan sa naturang bahay na iyon. Mabuti na lamang at hindi nakasara ang pinto nito dahilan para madali silang makapasok. Hindi na rin sila nagtao po, dahil batid nilang wala namang nakatira rito.

Thrill seekers, 'yan ang tawag sa grupong kinabibilangan nina Jonas, Janver, Martin, Maya at Faye. Plano sana nilang enjoy-in ang gabing ito ngunit hindi yata talaga mangyayari iyon dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Agad na nagsipunas ng mga basang katawan ang magkakaibigan. Binuksan nilang lahat ang flashlight na dala-dala nila at 'yon ang nagsilbing tanglaw nila sa loob ng maliit na silungan na iyon. Bago tuluyang magpahinga ang magkakaibigan ay nagkuwentuhan muna sila ng mga bagay na nakakatakot.

"Ano ba ngayon?" tanong ni Maya sa magkakaibigan.

"Monday," sagot ni Faye.

"Hindi araw ang tinatanong ko, petsa," inis na turan ni Maya.

"Edi sana nililinaw mo 'di ba? Monday po ngayon. Atrese ang petsa. Bakit ba?" pagkasabi niya noon ay umismid pa ito.

"May ikukuwento kasi ako sa inyo."

"Ikuwento mo na 'yan, bilis na," sabi ni Martin.

"Ikuwento mo na Maya, makikinig kami. Sakto! Ang sarap makinig ng mga kuwento ngayon, para naman mabawasan ang ka-batrip-an ko," susog naman ni Jonas.

"Okay sige..." pagsisimula ni Maya

"Naaalala ko kasi ang kinuwento sa akin ni lola, ang kuwento niya tungkol sa sinumpang kakahuyan..."

Nahahalinang makinig ang magkakaibigan sa kuwento ni Maya kaya lumapit pa ang mga ito sa kaniya. Si Faye naman ay isinukbit ang kamay sa kaibigang si Martin dahil wala pa man ay nagsisimula na siyang makadarama ng takot.

"Atrese rin noon... limang kabataan ang 'di na muling natagpuan pa. Ang sabi ay narating nila ang sinasabing sinumpang kakahuyan. At isang nakakatakot na nilalang ang nakatira roon na lumapastangan sa buhay nilang lima..." binitin ni Maya ang pagkukuwento.

Patuloy sa pagbuhos ang ulan sa labas ganoon din ang pagdagundong ng kidlat.

"Ituloy mo na, Maya," saad ni Janver. Talagang nais niyang mapakinggan ang kuwento ni Maya tungkol doon.

"Ang nilalang daw na nakatira roon ay isang kakilakilabot na nilalang. Sa tuwing may mapapadpad sa sinumpang kakahuyan ay maamoy niya ang sariwang dugo ng mga ito at babangon siya mula sa kaniyang kinahihimlayan."

URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon