ANG BABAENG WALANG MUKHA
By Mizel Dane Narag
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 2,201" Peryang, kulang-kulang! ...Pangit! Aswang! Hhahhahahhahah." Umaalingawngaw ang pangngutya ng mga bata sa kaawa-awang si Peryang. Gusgusin, mabaho at nasa 30-45 na taong gulang, sya ay may malaking peklat sa kanyang mukha. Ginagawa syang panakot nga maga matatanda sa mga bata. Nagsimula ang lahat ng maganap ang karumal-dumal na pangyayaring kanyang kisangkutan.
Maria Percy Genos ang kanyang tunay na pangalan at ang sabi- sabi sya ay ipinanganak at lumaking maganda. Malaking palaisipan ang malaking peklat nya sa mukha na dahilan ng kanyang pangit na hitsura. Mabait, at mapagmahal, maawain,at matalino , yan si Percy noon, ngunit ngayon , sya na si peryang na kinatatakutan at pinangdidirihan.
"Sumama ka na kasi , Percy naman! Sige ka magtatampo ako sayo nyan" ani Lucita, ang matalik na kaibigan ni Percy na lihim na may malaking inggit sa kagandahan ng kaibigan. "minsan lang kitang yayaing pumunta sa amin . huhuhuhu ?!" mangiyak-ngiyak na dagdag pa nito upang makumbinsi si Percy. "Hay' nako.! Ewan ko ba kung anong nakain mo at nagdadrama ka ngayon. Hhmp! Sige na nga! Sasama na ako" sumilay ang ngiti sa likas na mapulang labi ng magandang si Percy. Nagtatalon si Lucita sa pagpayag ng kaibigan sa wakas maipapakita na nya ang yaman ng kanilang pamilya. Magkakalase sila sa isang unibersidad at kasalukuyang nag aaral sa kursong medical at sila ay 3rd year na sa paparating na pasukan. Magtatalong taon na rin ang kanilang pagkakaibian.
"Pasensya na Lucita hindi kasi ako papayagan ng Papang na umalis ng hindi kasama ang pinsan ko." Wika ni Percy sa kaibigan. Abot tainga naman ang ngiti nito. " ayos lang yan, mageenjoy ka dito Jessa! .. hihiihihi ." si Jessa ay pinsan ni Percy isang taon ang tanda ni Percy rito. Seryoso, medyo masungit, pilya kung minsan pero mabait. Hindi rin maitatanggi ang kagandahan nito."oh, syaaaah! Nandito na tayo!" sabik na tinuran ni Lucita ng bumukas ang malaking tarangkahan na nagsisilbing bukana sa natatanging lupain na may maraming tanim. Nakarating na sila sa hacienda nila Lucita. Mapapansing may kalayuan ang tarangkahan sa kinatatayuan ng mansion nila Lucita. "huy! Hindi ka nakikinig, baba na, nadito na tayo, Percy talaga." Mapaklang ngiti ang pinakawalan ni Percy sa kaibigan. Kinakabahan kasi sya sa di' malamang dahilan.
"Magliwaliw muna kayo at tutulong lang ako kay manang sa paghahanda ng hapunan." " kahit saan ba pwede kaming pumunta ate Lucita?" tanong ni Jessa. "oo ba, basta wag' lang sa malayo at ...sa pinaka dulong silid ng mansyon." Ani Lucita. " ang ganda naman dito , Lucita totoo nga ang mga sinabi mo ang yaman nyo" nasambit ni Percy sa pagkamangha sa ganda ng lugar.
Dahil sa sobrang kasabikan ng dalawa, nagkahiwalay sila.
" Manang pasensya po ," agad na humingi ng pasensya si Percy sa matandang kasambahay na kanyang nabangga. "Hindi ka rapat pumarito" nangignginig nitong mabilis nitong hinaplos ang pinsngi ng dalaga, malakas rin ang pagkakahawak ng isang kamay nito sa balikat ng dalaga na halos magmarka " Tumakas ka na, hanggat maaaga pa!" bulong nito at mabilis na umalis. Tumagaktak ang pawis sa nuo ni Percy malakas at nakakabingi rin ang tibok ng kanyang puso. Nagitla sya ng marinig ang haguhol sa pinaka dulong silid ng mansyon. Lumapit si Percy at kahit nanginginig ay inilapit nya ang mukha sa pinto . "hi—hi—hi—hi...hihi... hmmm..hu.hu...hu.... ah.... Hahhahhaha! ... "nanlamig si Percy ng marinig ang tinig ng isang babae sa loob tila ba nagmula pa sa kinailaliman ng kweba ang boses nito. Napaatras sya ng maramdaman ang hakbang nito na papalapit sa pinto. "huy!, nandito ka lang pala !" hinila sya ng kaibigan papalayo sa pinto ."Ikaw ha! Diba sabi ko sayo wag kang pumunta rito, hay nako! Mapapariwara ka nyan eh.. hhahahaah" biro ni Lucita sa namumutlang si percy. "halika na nga!" . sumunod nalang sya sa kaibigan at sa huling pagkakataon ay nilingon ang pinto.
Masaya silang naghapunan. Nawala sa isip ni Percy ang nangyari kanina. Tanging tawanan at kantyawan ang maririnig sa bulwagang kanilang kinakainan. " ganito tayong magaganda eh .. hahhahahah" napukaw ang kanyang atensyon sa huling tinuranh ng kaibigan. "ahm, Lucita may tanong lang ako," aniya. " ano yun ?" "napansin ko kasi, lahat ng kasambahay nyo rito maliban kay manang mayordoma na may kakaibang hitsura, eh may peklat sila sa mukha.?" "ah, yun ba? Mabait kasi si mom at tinatanggap nya ang mga babaeng ..(pabulong)..pinagkaitan ng hitsura hehheheh" "ah kaya pala." Sambat naman ng pinsan nyang si Jessa. "eh,yung pinaka dulong silid .." tangkang tanong ni Percy. "oh, bakit, wala lang yun." Tinuran ni Lucita sa pagputol sa katanungan ng kaibigan "nga pala pihikan tong si Jessa ah, NBSB pa..hhahahha"dagdag pa nito pagiiba ng usapan.
Mag aalas onse ng gabi ng malimpungatan si Percy napatingin sya sa pinsan na mahimbing ang pagkakatulog. Naagaw ang atensyon nya ng marinig ang ingay sa labas. Napatingin din sya sa kinahihigaan ni lucita, pag-aalala ang kanyang nadama sa kaibigan. Dahan-dahan syang tumayo at lumabas. Nakita naman nya agad ang kaibigan na nakaupo sa bulwagang kanina lang ay kanilang kinainan. Lalapit na sana sya rito ng mapansin nyang may kausap ito. Hindi nya maaninag mula sa kinatatayuan nya ang mukha ng kausap nito . nakinig na lamang sya sa usapan nito.
" Gusto ko sya. Gusto ang mukha nya! . ."sambit ng babaeng kausap "mom..." tila ba sunod-sunuran si Lucita sa babaeng kausap nito at ang mas nakakagimbal mommy pala nito ang kausap. Naging mapangahas pa si Percy na nagnanais na Makita ang mukha ng kausap ng kaibigan .dahan dahan syang gumapang papalapit sa nag-uusap.
BINABASA MO ANG
URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)
HororKaramihan sa atin ay pamilyar na sa ilang mga fictional horror character gaya nina Slender Man, Jeff the Killer, Ben Drowned, Slit Mouthed Woman, Sadako, Chucky, Freddy Krueger, Jason at marami pang iba. Kapag narinig natin ang mga pangalang iyan, a...