Fray Buros

727 13 0
                                    

FRAY BUROS
By: John Mark Parlingayan
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Baryo San Joaquin, 1874:
(Klang! Klang! Klang! , tunog ng kampana) Hudyat nang pagsisimula ng misa sa Baryo San Joaquin. Unti- unti na namang namumuo ang takot na bumabalot sa katawan ng mga naroroon. Imbes na magalak ay nerbyos ang nararamdaman sa tuwing naririnig ang kalembang ng kampana.
Samantala:
Kasabay nang pagsisimula ng misa , ang siya namang iyak at hinagpis ng isang babae sa dinaranas na kalupitan. Nakahiga at nakatali ang katawan sa lamesa , sa lugar na patay sindi ang ilaw at puno ng kagamitang pangkatay.
"Huwag po , parang awa niyo na! Pakawalan nyo ako!!" pagmamakaawa ng babae
"Naku Ineng! Kulang pa ang pagdarasal sa kasalanang ikinumpisal mo kanina. Kapalit niyon ay kamatayan , kahindik-hindik na kamatayan" anas nito sabay hablot ng itak habang humahalakhak at walang awang pinagtataga ang babae hanggang sa nagkagutay-gutay ang laman kasabay nang pag-agos ng masagana nitong dugo.
"Busog na naman ako ngayon" habang dinadakot ang laman loob ng bagong biktima.
Simula:
Kakarating lamang ng bagong saltang si Selo sa Baryo San Joaquin. Bilang lihim na kasapi ng "La Liga Filipina", naparoon siya upang imbestigahan ang unti-unting pagkawala ng mga kababaihan at kabataan sa naturang baryo. Malakas ang kutob niya na maaaring gawa na naman ito ng simbahan na pinamumunuan ng prayle. Marami na kasi siyang nailathalang kaso patungkol sa pagmamalupit ng simbahan sa mga Pilipino.
Sa nabiling kubo at lupa tumuloy ang binata at kaagad na naghanda sa nalalapit na misa ng araw.
Bakas na naman ang takot sa mukha ng mga maninimba na siya namang ikinapansin ni Selo. Pumanhik na siya sa loob at magsisimula na ang misa.
Kaagad lumabas ang isang prayle na may katabaan, panot at kapansin-pansin naman talaga ang malaki nitong tiyan. Nakangiti na sa di mapaliwanag na dahilan, ang siyang nagpatindig sa balahibo ng binata.
Pagkatapos ng misa, kaagad lumisan ang mga tao na parang hinahabol sa pagmamadali hanggang sa nabunggo si Selo ng isang dalaga.
"Uy! Ayos ka lang ba?" sabay tulong sa natumbang dalaga
"Paumanhin Ginoo, nabangga pa kita" sagot nito
"Ah! Wala yun, Pero matanong lang ha, bakit tila takot kayo sa simbahan? ,
Nakikita ko kasi na parang gusto niyo kaagad lumayo pagkatapos ng misa"
"Halika sumunod ka sa akin" sabay hila kay Selo sa kubo malapit sa simbahan.
"Alam mo kasi, matagal nang usap-usapan ang pagkawala ng mga bata at kababaihan sa baryong ito" sambit ng dalaga
"Oo, nabalitaan ko nga yan" sabi naman ni Selo
"Pinaparatangan kasi nila na ang prayle ang may gawa sa mga pagkawala.
Katunayan nga , mas kilala si Padre Dominic Vasquez na Fray Buros(buntis sa bisaya) dahil sa pisikal na anyo bilang prayleng may malaking tiyan. Pinaniniwalaan rin na kumakain ang prayle ng laman ng tao at kalimitan sa mga biktima nito ay mga bata at kababaihan raw. Marami na ring nagtangkang patalsikin ang prayle o patayin ngunit dahil sa impluwensiya ng kastila, nahatulan sila bilang Erehe na siyang dahilan ng kanilang pagkabitay. Sa kalagayan ngayon, wala nang nagtangkang hanapin ang sagot dahil sa takot na mapagbintangan" kuwento ng dalaga
" Aaah! Ganun ba, Eh gaano na ba katagal ang paring yan dito sa baryong ito?" tanong ni Selo
"Mahigit 50 taon na, sa tanda ba naman nitong 102, eh kaya paring mamahala ng parokya"
"Isang daan at dalawa!, ang tanda niya na pala talaga, hindi halata ah"
"Dahil raw sa pag-inom nito ng dugo, hakahaka lang yung mga kwentong yun ha, pero parang totoo nga" dagdag nito
"Teka , Ano nga palang pangalan mo binibini?"
" Ahh, paumanhin nakalimutan ko, Gabriela nga pala"
"Ako naman si Selo" sabay abot ng kamay.
Pauwi na si Aling Maria nang bigla niyang naalala ang rosaryo na malamang ay naiwan niya sa simbahan. Kahit may dalang takot sa dibdib, bumalik pa rin siya sapagkat yun lamang ang huling regalo ng namayapang asawa
"Asan na kaya yun?" habang hinanahanap ang rosaryo
Hanggang sa naalala niyang naiwan niya pala iyon sa silid pangumpisalan
"Hay, nagiging makakalimutin na talaga ako" isip nito sa sarili
Dali-daling pumasok ang ginang sa silid at nagulat na mayroong tao sa loob samantalang tanghali na
"O, Padre Dominic, tanghali na po ah! Tanghalian napo" pilit na tinatago ang takot
"Oo nga eh, gutom na gutom na talaga ako" sabay tingin ng malagkit
"Kailangan nyo na pong kumain baka magkasakit pa kayo nyan" nag-aalinlangang sagot ng matanda
"Kaya nga narito ako upang maghanap ng pagkain" sabay ngiti na siyang ikinasindak ng matanda
Tatakbo na sana si Maria nang harangan siya ng prayle at sinaksak na siyang ikinahimatay niya...
Nagising si Aling Maria sa tunog ng kutsilyo na tila may hinihiwa. Nakita niya ang prayle na naghahanda ng mga sangkap na tila may lulutuin. Napansin niya rin ang napakalaking kawa na nagbabaga pa sa init ng apoy kasabay nang pagkakatali pahiga sa lamesang amoy ang lansa ng dugo dahil sa kanyang pagkakasaksak
"Huh, Huh! Anong gagawin mo sa akin?, Nasan ako? Tulong ,tulong" pagmamakaawa ng matanda
" Hahahaha, kahit anong sigaw mo riyan walang tutulong sa iyo. Hintayin mo nalang ang kamatayan mo kasabay nang pagkabusog ko" demonyong sambit nito
Kinuha niya ang palakol at walang awang pinagpuputol ang matanda. Sinimulan niya sa mga daliri na labis na ikinahiyaw ni Maria. Sumunod ay ang mga braso nito kasabay ang bulwak ng masaganang dugo. Sumunod ay ang mga binti na diretsong isinalin kaagad ng prayle sa kawa. Nakita ng prayle ang maliit na bersyon ng garote at hinay-hinay niyang hinila ang katawan hawak ang buhok patungo sa naghihintay na pampugot. Ipinasok niya ang ulo ng matanda at diretsong pinutol sa biglaang hila ng lubid. Kaagad namang binuksan nito ang tiyan ng biktima upang isahog ang paborito nitong laman loob.
"Hahahahahaha", halakhak nito sabay ngatngat sa daliri ng kawawang matanda....
Pagkauwi ay isinulat kaagad ni Selo ang mga impormasyong nakuha kay Gabriela
"Totoo kaya yun?" tanong nito sa sarili
"Kailangan kung malaman ang katotohanan kung may baho ngang itinatago ang prayleng iyon!" desidido nitong sambit
Gumawa kaagad ng plano ang binata at nagtakda ng araw upang lihim na pasukin ang simbahan.
Napagplanuhan ni Selo na pasukin ang simbahan ng gabi. Nasa loob na siya at hinay-hinay na pumasok sa silid ng prayle nang bigla siyang nakarinig ng mga ungol
"UhUhUhUhUhUh" boses ng babae mula sa banyo sa loob ng malaking silid ng prayle
Dala ng kuryosidad, sinilip niya ang banyo at nagimbal sa nakitang lalaking nakasutana na naliligo sa dugo ng babaeng nakabitin patiwarik. May laslas sa leeg na walang awang pinipiga upang mainom ang dugo nito.
Muntik nang masuka ang binata at dali-daling umalis habang kumakabog pa ang dibdib sa takot. Patakbong nilisan ni Selo ang simbahan nang mamataan niya si Gabriela na patungo sa kapilya
"Huwag,Huwag! Huwag kang tumungo roon! Totoo nga ang sinabi mo; Mamamatay tao ang prayleng iyon"
"Tama nga talaga ang hinala ko. Kailangang balikan iyon at siguraduhing di siya makakatakas" saad ng babae
"Delikado!" anas ni Selo
"Mabuti pang ikaw nalang ang humingi ng tulong sa mga tao at ako na ang maiiwan rito upang siguraduhing di makakatakas ang halimaw na iyon"
"Sige pero mag-iingat ka" sabay alis ng dalaga
Nanginginig ang buong katawan ni Selo na bumalik sa simbahan. Tila kinakain siya ng takot na pilit niyang nilalabanan. Dahan-dahan at mahina ang kanyang mga yapak habang nagmamasid. Muli siyang sumilip sa silid at sa kusina ngunit wala na ang prayle maging ang babaeng bangkay na siguro ngayon. Nang bigla siyang nakarinig ng mga yabag ng paa patungo sa silid , ay dali-dali kaagad siyang nagtago sa ilalim ng kama. Agad pumasok ang prayle at dumiretso sa banyo upang linisan ang sarili na puno ng dugo dahil sa tawag ng laman.
Nang makita ang pagkakataon, lumabas kaagad si Selo nang mapansin niya ang nakabukas na pintuan malapit sa hagdanan patungo sa tore ng kampana. Pumasok siya at takot ang nadatnan dahil sa kanyang mga nakita.
"Tulong, tulungan mo kami.Parang awa ilayo mo kami sa demonyong iyon" pagmamakaawa ng tatlong madre na nakakulong sa rehas na puno ng dugo dahilan ng nakakasulasok na amoy
Sa isip-isip ni Selo , kaya pala wala siyang namamataang madre sa simbahan dahil winawalanghiya pala ng prayleng iyon
"Sige po , tutulungan ko kayong makatakas" sabay hanap ng matulis na bagay hanggang sa...
"Ginoo, sa likod mo!" sigaw ng mga madre
Biglang nagdilim ang paligid ni Selo dala nang pagkakapukpok kasabay nang pagkawala ng pag-asa ng mga madre na makaligtas.
Nagising si Selo sa hinagpis ng isa sa mga madre. Sa pagmulat niya ay nakita niya kaagad ang madreng dinudukutan ng mata gamit ang kutsara.
Panay ang sigaw ng madre ngunit isinunod muling paglaruan ang dila niya na walang awang pinutol sabay tapon sa kawa na nagbabaga.Nakatali sila kaya't ni isa ay walang makatulong. Binalatan rin ng prayle ang pisngi ng biktima hanggang sa ginilitan na kaagad nitong ikinamatay.
"Tama na! Demonyo ka!" napaiyak na lang si Selo dahil sa harap-harapang pagpatay
"Aaahhh, gusto mo pa makakita ng isa, Oh siguro dalawa nalang kaya"
Sabay hablot sa dalawang madre at pilit na inilublob ang mukha sa loob ng kawa. Napapikit na lamang si Selo samantalang tuloy parin ang sigaw ng dalawang madre. Kinuha ng prayle ang itak at pinugutan ang dalawa. Lumagapak ang mga ulo nila sa kawa kasabay nang agos ng dugo na nagpapula sa sinabawan ng prayle
"Hahahahahahahahahah" tawa ng prayle
"Bakit mo ba to ginagawa? Imbes na alagad ka ng Diyos ang gawa mo naman ay ikinasisiya ng diablo" anas ni Selo
"Nagkakamali ka, hahahahahah dahil ako ang diablo. Diablo na lalamunin ng literal ang katauhan mo, hahahahahha" demonyong halakhak ulit nito.
Kinuha niya ang kutsilyo at walang tigil na pinagsasaksak ang binata
"UhUhUh, patayin mo man ako, mahuhuli ka parin ng mga tao at susunugin ka patungong impyerno" sabay bulwak ng dugo dahil sa pilit na pagsasalita ng binata
"Di na kailangan, matapos namin kayong gawing hapunan ay aalis na kami ng anak ko" sambit ng prayle na may kasamang ngiti
Biglang pumasok ang isang dalagita na di mamukhaan ni Selo dahil sa panghihina ngunit nang lumapit ito malapitan ay nagulat siya na si Gabriela pala ang anak ng prayle. Hila-hila pa nito ang kampanerong may taga sa likuran
"Paano mo to nagawa?" hinanghinang tanong ni Selo
"Simple lang, Ama ko siya at parehas kaming demonyo na natatakam sa laman ng mga tao. Kaya paumanhin Selo mahirap na ang magutom"
Sabay kuha ng patalim na isinaksak sa bibig ng luhaang binata
Umagos ang dugo ni Selo na sinalo naman ng mga bibig ng dalawang kanibal
"Masarap na naman ang hapunan natin anak" sambit ng prayle sa kanyang anak.
..................................
Madilim ang paligid dala ng mga ulap na paniguradong bubuhos ng ulan.
Dali-daling pumunta ang mga tao sa simbahan at natagpuan ang mga sundalong kastila na naghahakot ng mga bangkay sa loob ng kapilya.
Nagtaka rin sa biglaang pagkawala ng prayle na siyang pinaparatangang sangkot sa mga pagpatay.
Napahawak na lamang ang iba sa kanya-kanyang rosaryo at naglakip ng kanya-kanyang dasal....
"Lumipas ang maraming taon at nakamit na ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Espanya ngunit ang kuwento tungkol kay Fray Buros ay mananatiling nakaukit sa mamamayan ng Baryo San Joaquin na hanggang ngayon ay ginagawa paring panakot sa bata man o matanda"
(Klang! Klang! Klang!, tunog ng kampana.)
"Oh mga bata, nagustuhan nyo ba ang kwento ko?"
"Opo padre nakakatakot po"
"Oh, wag niyong kakalimutan mamaya ha. Pumunta kayo dito sa simbahan at ihahain ko kayo Ay! Este ipaghahain ko kayo ng hapunan"
"Salamat po Padre"
"Walang Anuman" sabay ngiti ng matalim.
WAKAS

URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon