Whitney (Jumbo Addict)

243 4 0
                                    

WHITNEY (JUMBO ADDICT)
By: Margot Rama
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 1,254

Ang bawat kasamaan ng tao ay may rasong nakatago. At sa bawat sukdulan nito, kawalan ng buhay ang matatamo.
----------
"Aaaahhhhh... taaammaaah naaaah!.." malakas na daing ng lalaking hubo't hubad na nakatali nang patayo sa dingding ng kwarto.
Naka-kadena ang magkabilaan nitong mga kamay at paa na nakadipa.
Magkahalong pawis at tubig ang naging sanhi ng pagkabasa ng katawan nito dahilan upang ito ay mangisay nang todo sa tuwing dadaiti sa katawan nito ang dalawang naputol at may malaking boltahe ng kuryenteng mga live wires.
Tuwang-tuwa naman ang kung sinumang may kagagawan nito sa naturang lalaki.
"Ta-taamaa.. naa.. W-hitney," paos na turan ng lalaki habang nakalungayngay na ang ulo nito.
"Tama? Anong tama? Kulang pa nga 'yan sa ginawa mo sa kuya Jerome ko! Sa kababuyang ginawa ninyo sa kuya Jerome ko, na kitang-kita ng dalawang mata ko! Kaya magbabayad kayong lahat!" galit na sigaw niya rito.
Pakinding na naglakad saglit palayo at lumapit sa isang mahabang mesa sa gitna ng silid na iyon. At kitang kita ng lalaki nang mag-angat siya ang kaniyang ulo ang limang mga piraso na bahagyang ginalaw-galaw nito saka pinaglaruan ng kaniyang mga daliri habang nakangising nakatingin sa kaniya.
"At dahil sa ikaw ang huling biktima ko, ipapalasap ko sa 'yo ang magkaparehong sarap at sakit ng aking paghihiganti." Sabay tawa nito nang nakakaloko at bahagya pa nitong piniga ang bagay na iyon na siyang nagpangiwi sa lalaki.
Malakas na halakhak naman ang naging ganti niya sa nakitang reaksiyon ng lalaki.
"Natatakot ka na ba? Huwag! Dahil ipapatikim ko pa sa 'yo ang walang humpay na sarap," saad niyang dinilaan pang paikot ang kaniyang mga labi at dahan-dahang lumapit muli sa lalaki.
"Hu-huwaag.. maawaaa ka.. hhuwaag.. Aahh.." daing nito nang maramdamang nadakot at naisubo na ang kaniyang alaga.
Magkahalong sakit at sarap ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Nang biglang mapasigaw ito sa sobrang sakit at halos mawalan ito ng ulirat sa nakitang napakaraming dugo sa sumirit sa naputol nitong ari dahil sa malakas na pagkagat dito.
Habang si Whitney naman ay sarap na sarap habang dinidilaan ang mga dugong nagkalat sa subo-subo nito.
"Ang sarap!" Habang patuloy na pinaglalaruan ng bibig nito ang hawak na parteng iyon. At dahan-dahan itong tumayo at naglakad patungo muli sa lamesa at saka inilagay ang ari ng lalaki, katabi ng nauna ritong lima.
"Waa..laaang hiya kaaa..!" sigaw ng lalaki na nagpalingon sa kaniya. "Baaa..liw kaa..!"
"Kayo ang mga walang hiya! Pinatay ninyo ang kaisa-isang taong minahal ako at minahal ko! Kaya magbabayad kayo! Kayong lahat na pumatay sa kaniya! Lalong-lalo ka na!" Malakas na sigaw nitong palapit muli sa gawi ng lalaki habang hawak na ang isang matalim na itak.
"Mamatay na kayong lahat! Mamatay ka na!" Sabay saksak sa dibdib ng lalaki.
"Pa-ta-wad.. da-hil ki-nan-ti.. na-min ang.. i-sang ba-k-la.." at bago ito nawalan ng buhay ay nasambit pa ng lalaki ang mga katagang iyon na siyang naging dahilan ng paglandas ng masasaganang luha sa magkabilang pisngi ni Whitney, kasabay nang pagdaloy ng mga alaala ng nakaraan...
.
***
.
.
Matagal na panahon nang naging kaibigan ko si Jerome, halos magli-limang taon na rin. Una kaming nagkita at nagkakilala sa loob ng bahay ampunan. Pitong taong gulang pa lamang ako ng mapasok ako sa orphanage dahil inabandona ako ng aking ama at iniwan sa kalye dahil itinira na niya sa bahay ang kanyang kerida. Kaya para walang sagabal sa kanila ay iyon ang ginawa sa akin ng aking butihing ama. Kaya nang makita ako ng mga kawani ng DSWD ay agad akong hinatid sa naturang bahay-ampunan. Si Jerome naman ay walong taon nuon. Mas nauna pa siya sa akin dahil baby pa lamang daw siya ay iniwan siya ng kanyang ina sa labas ng simbahan kaya ang ginawa ng madreng nakakita sa kanya ay inihatid siya sa bahay-ampunan.
-
Wala akong naging masamang saloobin sa pag-abandona sa akin ng aking ama. Bagkus, maligaya ako sapagkat nakilala ko si Jerome. 'Kuya' ang naging tawag ko sa kanya sapagkat mas matanda siya sa akin ng isang taon. Ang sabi kasi sa amin ni sister na ugaliin namin ang maging magalang sa nakakatanda sa amin, kahit isa o kalahating taon lamang ito.
-
Sa loob ng bahay-ampunan ay kami ni Jerome ang magkasangga sa lahat ng bagay. Magkapareho kasi kami ng trip lalo pa't kaming dalawa lamang ang pinakamatanda sa lahat ng bata. Ewan dahil sa lahat ng pinakamatagal na sa loob ng bahay-ampunan ay kami nalang dalawa ang naiwan dahil wala naman balak kumupkop sa amin.
-
"Bakit kaya walang kumukupkop sa atin, kuya? Sa palagay mo pangit ba tayo?" Naitanong ko sa kanya minsang nasa labas kami ng bahay-ampunan at kapwa nakaupo sa may balkonahe.
Natatawa naman niyang ginulo ang aking buhok sabay akbay sa aking balikat.
"Ikaw talaga, White! Kung anu-ano 'yang iniisip mo. Siguro wala pa lang nagkakainteres sa mga poging katulad natin," at bahagya pa siyang natawa habang nagpatuloy. "Bakit, gusto mo na bang magkalayo tayo?" tanong niya na nakapagpabaling sa akin sa gawi niya.
"Hindi, kuya. Ayoko!" Malakas kong saad.
" 'yon naman pala ei."
"Pero kuya gusto ko na sanang lumabas dito. Gusto kong maranasan ang buhay sa labas." Saad ko na bahagyang ikinakunot ng noo niya.
"Bakit hindi ka ba masaya rito?"
"Masaya naman, pero--"
-
Masaya naman ako sa loob ng bahay-ampunan, ngunit hindi pa rin mawala sa akin ang kagustuhang mabuhay sa labas lalo't naranasan ko na iyon minsan sa buhay ko.
Kaya pinasya kong tumakas isang gabi at nakita ako ni kuya Jerome kaya sumama siya sa akin.
Sinubukan kong bumalik sa amin, nagbabakasakaling tanggapin akong muli ng aking ama. Ngunit sa kasamaang palad ay wala na pala sila roon ng kaniyang kerida. Kaya ang nangyari nagpalaboy-laboy kami sa lansangan. Naging taong kalye kaming dalawa ni kuya jerome. Wala na rin kaming balak bumalik sa bahay-ampunan na aming pinanggalingan dahil sa kahihiyan.
Hanggang sa umabot sa puntong nakagawa kami ng isang hakbang na labag sa batas. Nagnakaw kami ni kuya Jerome sa isang department store dahil sa tawag ng kumukulong sikmura. At dahil doon kami ay nakulong. Na labis-labis kong pinagsisihan.
Dahil sa may pagka-mestiso ako ay napagtripan ako ng aming mga kakusa. Balak sana nila aKong babuyin ngunit naipagtanggol ako ni kuya Jerome, na siyang naging dahilan ng kaniyang kamatayan.
" 'yan ang napapala ng mga taong nagpapaka-bayani! Pweee!"
At dahil sa nangyaring iyon, nagkaroon ng rayot sa loob ng kulungan na naging sanhi nang pagtakas ng mga preso, at isa na nga ako roon.
Nakapag-trabaho ako sa isang club, na naging tulay upang ako ay maging si Whitney.
Isa-isa kong hinanap ang mga taong lumapastangan at pumatay sa kuya Jerome ko.
Anim na ang naging biktima ko. At may anim pang natitira.
Panghuli ko muna iyon.. sapagkat lalasapin ko muna ang mga katas ng aking paghihiganti.
----------
Halos magkawarak-warak na ang parteng dibdib na iyon ng lalaki sa hindi mabilang ng natamong saksak nito.
Todo halakhak naman si Whitney habang pinagchop-chop ang anim na mga ari ng kaniyang mga biktima. Ginisa niya iyon at ginawang pansahog sa kaniyang paboritong adobo. At takam na takam niyang kinain iyon.
Ngayon ay nagugutom na naman si Whitney at oras na naman upang hanapin ang kaniyang mga magiging biktima. Mag-iingat ka, baka isA ka sa mga hinahanap niya.
.
.
.
WAKAS

URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon