TIME OF DEATH
by EJ Adanido
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 2,911"Nurse!!!, Doctor!!!, tulungan nyo kami!!!" Sigaw ni Charry nang makitang nahihirapang huminga ang kinse anyos n'yang anak na babae. Nanginginig ang buong katawan nito at mahigpit ang pagkakahawak sa kumot ng higaan sa ospital na parang doon makakakuha ng sapat na hangin para mahabol ang napupugto ng hininga.
Agad namang pagpasok ng mga nurses at doktor para saklolohan ang pasyente.
Ngunit ilang segundo pa ay binawian rin ito ng buhay kahit anong pangrerevive kanilang ginawa."Time of death: 2 o'clock A.M." Announce ng doktor na sinundan naman ng hagulgol ni Charry na hindi makapaniwala na wala ng buhay ang kanyang anak.
Isa lamang ito sa mga eksenang halos araw-araw at nasasaksihan ni Glenda sa isang ospital kung saan sya nagtatrabaho bilang nurse.
" Alam n'yo guys, nakakatakot na talaga sa ospital natin. Halos araw-araw may namamatay. Abah eh mula no'ng pumasok ako dito 5 years ago eh walang araw na walang namamatay ah." Ani Melba na s'yang pinakamatagal ng nagtatrabaho doon sa ospital bilang nurse. Nasa Nurse Station sila ng mga kasamahang sina Lily at Leah at kasalukuyang pinag-uusapan ang mga nangyayari sa ospital.
"Oo nga eh. Ako nga 3 years na dito. At ang ipinagtataka ko pa eh kung bakit lagi nalang may namamatay? Magagaling naman ang mga doktor dito." Dagdag ni Leah.
"Husto na nga kayo dyan sa topic na 'yan. Ano ba kasing magagawa natin kung talagang oras na nila mamatay? 'Di naman natin hawak ang mga buhay natin noh." Pa pilosopong awat ni Lily sa mga kasama.
Pati si Glenda na nakikinig lamang at naghahanda ng mga gamot na ipapainom sa kanyang mga pasyente ay napaisip rin dahil sa mga narinig.
"At ito pa pala guys, kilala nyo ba si Shirly? 'Yong girlfriend ng kuya ko na na-assign sa Records? S'ya daw kasi ang taga release ng mga death certificates at halos lahat daw ng mga namamatay dito sa ospital natin ay alas dos ng madaling araw. May mga pagkakaiba rin sa mga minutes pero 2:00 A.M parin." Mahabang kwento ni Melba na kahit mahina lang ang boses ay napapamulagat naman ang mga mata nito habang nagsasalita.
Kunot ang mga noo at malalim na napaisip ang mga kausap. Pati narin si Glenda. Bigla rin s'yang nakaramdam ng kaba.
"Nagkataon lang kaya ito o may misteryong bumabalot sa pagkamatay ng mga pasyente dito sa ospital?" Biglang tanong ni Glenda na ikinagulat ng mga kasamahan sa Nurse Station.
Ipagpapatuloy pa sana nila ang kwentuhan ngunit nakita nilang padating ang kanilang Supervisor.
Kinabukasan ay may ganoong eksena na naman. Isang 45 anyos na lalaki ang namatay dahil sa atake sa puso. Time of death: 2:10 A.M.
Hindi makapaniwala ang kaanak ng pasyente na mamamatay ito dahil sinabihan na sila ng doktor na pwede ng lumabas ang pasyente. Hinihintay na lamang nila ang umaga para ma settle ang bill.Nang sumunod na araw ay isang lalaki naman ang pumanaw. Kakatapos lang nitong operahan dahil sa prostate cancer at kasalukuyang nasa recovery room at stable naman ang lagay. Kaya pati mga doktor ay hindi makapaniwala sa bigla nitong pagkamatay. Time of death: 2:30 A.M.
"AYON SYA!!! SYA ANG PUMAPATAY!!! HABULIN NYO SYA!!!" Sigaw ng isang babaeng bulag na ikagulantang ng lahat ng taong naroroon sa hallway ng ospital.
Ngunit nang tingnan nila ang itinuturo nito ay wala naman silang nakikitang tao. Pero walang tigil sa pagsigaw ang babae. Dinaluhan na lamang ito at pinatahimik ng kasama nitong matanda. Wala itong tigil sa pagsigaw at itinuturo ang bakanteng hallway.
Tiningnan ni Glenda ang tinuturo ng babae bulag at napasigaw sya ng biglang may lumitaw na babaeng nakaputi sa kanyang harapan. Sunog ang mukha nito nakalugay ang mahaba nitong buhok. At sa isang iglap ay bigla nalang itong nawala.
BINABASA MO ANG
URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)
HorrorKaramihan sa atin ay pamilyar na sa ilang mga fictional horror character gaya nina Slender Man, Jeff the Killer, Ben Drowned, Slit Mouthed Woman, Sadako, Chucky, Freddy Krueger, Jason at marami pang iba. Kapag narinig natin ang mga pangalang iyan, a...