Meido: The Fearless Freak

270 4 0
                                    

MEIDO: THE FEARLESS FREAK
Written by SCANDALous_Titan
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 782

PSYCHO KILLER, CANNIBAL at VENGEFUL GHOST, ito ang madalas nating maisip na killer sa tuwing tayo ay manunuod ng mga palabas mula sa Hollywood, Japan at Thailand. Hindi lingid sa ating kaalaman na isa ang Mystery/Thriller, Paranormal at Horror sa pinaka-patok at mas pinapanuod ng mga tao sa takilya. Tiyak din akong mhilig ka magbasa ng tungkol sa katatakutan, kaya ka nga nandito, ngunit paano kung ang mga kilala mong serial killer sa mga palabas at babasahin ay magkatotoo?
Bago mo ipagpatuloy ang pagbabasa nito, tiyak mo bang hindi ka nag-iisa? Pakiramdaman mo muna ang paligid, tiyak mo bang wala kang ibang kasamang nilalang bukod sa nakaputing dalaga sa ilalim ng iyong kama? O hindi naman kaya ay 'yang pugot na ulo sa iyong paanan? Kung wala, sige, ipagpatuloy mo ang pagbabasa, tiyakin mo lamang na wala kang katabi na nakikibasa sa'yo.

'Wag kang mabahala. I-pokus mo lamang ang iyong sarili sa aking ike-kwento. Hayaan mo akong simulan ang aking istorya na halaw sa tunay na pangyayari ukol sa kilalang serial killer sa aming bayan.
Tandang-tanda ko pa ang mga araw na 'yon, ang mga araw na sunod-sunod ang naging patayan sa aming bayan. Hindi ko na maalala kung ano ang tawag sa bayan namin ngunit isa lang ang tiyak ko, may isang doong paaralan na kung tawagin ay Jigoku High School. Doon naitala ang huling kaso ng krimen sa aming bayan. Ngunit bago pa mangyari ang lahat ng 'yon, sunod-sunod ang naging kaso ng patayan sa aming lugar. Madalas nilang matagpuan ang mga biktima ng nasabing krimen na nawawala ang mga puso. Brutal din ang pagkamatay nila, yung mala- Saw ang dating. Kakaiba rin ang paraan ng pagpatay nung killer dahil napakalinis ng crime scene sa tuwing dadatnan ng pulis, wala silang makuhang ebidensya kahit isa.
Pero ito, may sikreto tayo, 'wag mong ipagsasabi dahil baka patayin ka rin niya at isama sa kanyang kwento. 'wag na 'wag mong sasabihin sa iba kun'di ay baka matagpuan ka na lang kinabukasan na isa ng malamig na bangkay na nakabitin sa kisame ng iyong k'warto.
Isang araw, nasaksihan ko mismo ang krimen na kinasasangkutan niya. Tiyak ngang hindi sindikato o kahit ano pa mang lamang-lupa ang sangkot sa nasabing krimen. Tao siya, normal na tao. Kaya niyang kontrolin ang ibang tao na gumawa ng krimen. Nakakatakot siya, normal siyang tignan ngunit kakaiba ang awrang bumabalot sa kanya. Hindi ko mabatid kung sino siya ngunit tiyak akong lalaki siya.
Alam mo ba kung bakit ko sa'yo 'to kine-kwento? Dahil alam kong malapit lang siya sa'yo.
Hindi siya yung tipo ng killer na mapapanuod mo sa mga palabas, walang-wala yung mga 'yon sa killer na 'to. Wala siyang pinipili, kahit ikaw ay kaya niyang patayin ano mang oras. Pwede siyang maging Cannibal kung nanaisin niya, naalala ko yung nakita ko noon na pagkain niya sa tumitibok pang puso ng dalaga sa rooftop ng Jigoku High School. Pwede rin siyang maging Psycho Killer na papatay sa sino mang tao na nanaisin niyang patayin, hahatawin niya ng paulit-ulit ang biktima niya sa ulo hanggang magkalat ang pira-pirasong utak sa sahig pwede rin namang chop-chopin niya na lang ang kanyang biktima. Pero ang pinaka-matinding kaya niyang gawin, magaling siyang magtago.
Hindi 'to ang story na inaasahan niyong mananalo sa Contest na 'to. Walang killer na kasing lupit ng mga serial killer sa Hollywood, walang Psycho Killer at mas lalong walang Vengeful Ghost na gaya nila Sadako. Kung tutuusin, wala namang kwneta itong story na 'to pero sandali...
Sandali dahil hindi pa 'ko tapos, nagsisimula pa lang akong mag-kwento eh! Bumalik sa pagkakaupo at ipagpatuloy mo ang binabasa.
Hindi ka sumusunod sa rules natin kanina, sabi ko naman sa'yo, 'wag na 'wag mong hahayaan na makibasa siya sa'yo. Alam na tuloy niya ang sikreto natin.
Ngunit bago matapos ang lahat, nais ko sanang ipakilala ang sarili ko. Ako ang kumokontrol ngayon sa'yo, 'yang nararamdaman mong takot at naiisip mo sa iyong imahinasyon. Ang lahat ng 'yan ay totoo sapagkat binigyan mo 'ko ng buhay, buhay na ipinagkaloob mo sa akin ng una kang makaramdam ng takot. Ang buhay na binuhay ng taong puno ng kuryosidad na sasakop sa sino mang makabasa nito. Ako nga pala si siya, Ikoma the Control Fear, ang takot na bumabalot ngayon sa iyong pagkatao.
Sa wakas, isa na namang akda ang aking maipalilimbag bago matapos ang buwang ito. Binalaan na kita kanina, 'wag kang magpapadala sa kuryosidad dahil nagbibigay ka ng daan sa akin upang ikaw ay aking masakop.
Naaalala mo na

Wakas

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon