Mariposa

402 9 0
                                    

MARIPOSA
BY:GEMVILLA
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)

Eksaktong alas-dose ng hating-gabi nagising si Wendy dahil sa tawag ng kalikasan. Dali-dali siyang bumangon at nagtungo sa kumunal na palikuran ng apartment na tinitirhan. Apat na silid at iisang palikuran lang ang ginagamit nilang mga nangungupahan. Mag-isa lang siyang umuupa sa silid na inuukupa.

Pagkatapos magbanyo ay uminom muna siya ng tubig bago bumalik ng silid. Saktong papahiga na siya nang marinig ang malakas na alolong ng aso na alaga ng kanilang landlady.

"Nakakakilabot naman," aniya.

Balewalang humiga uli siya para matulog pero isang malakas na paglagabog ang kanyang narinig mula sa labas ng kanyang bintana. Tumayo siya at tiningnan kung anu ang gumawa ng ingay na iyon.

"Tss! Wala naman pa-" hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin nang makaramdam siya ng kaunting hapdi sa batok kasabay ng pagdilim ng kanyang paningin.

Sa kabilang bahagi naman ng kalakhang Maynila ay may aninong kanina pa nagtatago sa dilim. Nasa loob siya ng simbahan. Waring may inaabangan na kung anu o sinu.

"Easy lang buddy!" bulong niya sa kasamang nasa loob ng isang hawla. Nagsisimula na kasi itong gumawa ng ingay.

Napangisi siya nang mamataan ang inaabangang tao na lumabas dis oras ng gabi. Isang pari!

"There you go buddy," nakangising aniya at pinakawalan ang laman ng hawla.

Agad naman itong lumapit sa taong sinubaybayan ng anino. Makalipas ang ilang segundo ay lumikha ng malakas na kalabog ang pagbagsak ng paring tinutukoy niya. Tahimik kasi ang loob ng simbahan. Bumagsak ito malapit sa may altar. Mabilis pero walang ingay siyang lumapit dito. Agad niyang binuksan ang dalang bag. Inilabas ang mga laman niyon. At agad na sinimulan ang maitim na balak sa paring kanyang napagtripang biktimahin.

Kinabukasan ay nagulantang ang buong simbahan ng Sta. Cruz sa sigaw ng tagapangalaga ng simabahan. Dali-daling nagsilabasan ang ibang kasamahan nito para usisain ang dahilan ng pagsigaw ng kasama.

"Diyos na mahabagin!" bulalas ng marami nang makita ang paring nakadipa sa krus na nasa may altar. Dilat ang mga mata nito. Tanging puting salawal ang suot nito na ngayon ay pula na dahil sa dugo. Duguan ang katawan. Wasak ang pusod nito kung saan nanggagaling ang dugo. May nakita silang Mariposang sing pula ng dugo sa bandang dibdib nito.

"M-may tao pa dito," nahintakutang saad ng isa sa mga usyusero. Nakaturo ang hintuturo nito sa paanan ng krus kung nasaan ang pari.

Nakita nilang may isang babae na nakaluhod sa likurang bahagi ng upuan. Nakatungo ito pero nakaharap sa direksyon ng altar ang katawan nito, na wari ba ay nagdarasal.

May butas ang likod nito sa bandang kaliwa kung saan nakalagay ang puso. Nakadamit pantulog ang babae. Walang sinuman ang naglakas loob na lumapit dito para mabistahang mabuti ang mukha nito.

"Hintayin natin ang mga pulis at sila na ang bahala diyan," wika ng isang pari.

Naghatid ng kilabot sa buong lugar ang nangyari sa pari at sa babaeng natagpuan sa loob ng simabahan. Walang sinuman ang nakakaalam kung sinu ang gumawa ng malademonyong kremin na iyon. Kahit sa CCTV na nakalabit sa loob ng simabahan ay wala silang nakuha ay napagalamang sinadyang sirain ang lahat ng camera sa buong paligid. Kahit na ang CCTV na nasa street light sa labas ay hindi nakaligtas.

Napag-alamang nagngangalang Wendy ang babae. Nangungupahan sa Sta. Ana Maynila. Walang makagpaliwanag kung paanu nakarating duon ang babae dahil ayon sa mga kasama nito sa apartment ay hindi na lumalabas ng apartment si Wendy dis oras ng gabi.

URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon