The Painting

490 8 0
                                    

THE PAINTING
by Rg Joseff Sibugon
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)

Ako nga pala si Josh, eighteen years old na ako at kasalukuyang nasa 4th year high school. Bakasyon ngayon kaya nagroad trip ako papunta ng cavite na ako lang mag isa. Wala na akong magulang at simula nung bata pa ako, ako na ang bumubuhay sa sarili ko.
"Hijo! nandito ka na pala" masayang bungad sa akin ni Tita Corazon, tumutulong sa akin makapag tapos ng pag-aaral.

"opo, medyo napagod ako pero sulit naman." nakangiti ko naman sagot.

"Pupuntahan mo ba ang bahay ng Lolo mo?" tanong niya.

"As usuall" sagot ko na lang.

Tinapos ko na ang pagkain ko at pagpatak ng alas tres ng hapon nagtungo kami ni Tita Corazon sa lumang bahay na masyado ng vintage ang itsura. Marurupok na ang mga poste at pader pero kung hahawakan mo napakatibay pa nito na tila bago.

Pumasok kami para libutin ang malaking bahay. Meron itong dalawang palapag at pagpasok mo ng bahay agad mo makikita ang pintuan ng bakuran nito.

Paakyat kami ng hagdan at nakita ko muli ang painting ni Lolo. Nakangiti at parang may dumi ang labi. Kaya pinunasan ko ito gamit ang daliri ko. Kulay pulang tinta?

Malaking ang painting na ito at parang sintangkad ko lang si Lolo.

"Lolo, Joseff ok lang ba kayo jan sa loob ng painting?" biro ko.

Natawa si Tita Corazon. "Alam mo ba yang si Lolo Rg Joseff Sibugon mo, nung buhay pa siya napaka babaero niyan. Mahilig siya manigarlyo kaya galit na galit ang Lola mo sa kanya at nung nagkasakit siya sa baga at wala pang gamot noon hindi napigilan ng Lola mo ang maiyak. Namatay siya sa edad na bente syete at walang araw na hindi umiyak ang Lola mo." kwento niya.

"Asan po ang Lola ko? Wala bang mga litrato niya?" tanong ko.

Natahimik si Tita Corazon pero halata sa wangis niya ang kalungkutan."Gusto mo pa maglibot? para makita mo ang ilang obra ni Lolo Joseff mo." pagiiba niya ng usapan.

Hindi ko na lamang pinansin, pinasok namin ang isang kwarto. Naka display ang mga paintings at sculptures na gawa ni Lolo Joseff.

Nakaramdam ako ng kulo ng tiyan kaya niyaya ko na si Tita na umuwi na at magdidilim na rin kasi.

Kumakain kami ng hapunan nang makarinig kami ni Tita na tinatawag siya mula sa labas. "Ate Coraaa! Ate Coraaa" boses ng isang ale.

Pinagbuksan niya ito."Anong maipaglilingkod ko?"

"Kanina po, sa karinderya ko, habang kumakain yung mga costumer ko bigla sila naglaho na parang bula. Nakita mismo ng dalawang mata ko at ganun din ang ilang nasa paligid." kwento ng ale na hinihingal at batid sa mukha niya ang takot.

Umalis sila at nagpaiwan ako dito sa bahay. Tumingala ako at nakita ko ang bilog na bilog at napakaliwanag na buwan. Umupo ako sa Terace at uminom ako ng kape para maibsan ang lamig ng gabi. Napayossi na rin.

Hindi ko napansin umaga na, at si Tita cora ay nagluluto na ng almusal sa baba, kaya pumunta na ako ng kusina.

"So? Tita? What happen po kagabi?" tanong ko bilang pambungad.

Napakas ko sa mukha niya ang takot."Every month, nangyayari ito. Nababahala na silang mga naninirahan dito."

"Tita? Magkwento kayo." ngumiti ako sa kanya.

Tinignan niya ako, kinilatis pero nagbabadya pa rin ang mukha niya ng kalungkutan, pagtataka at takot.

"Don't worry Tita, magkwento lang po kayo." nakangiti kong sabi ulit.

URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon