GIANT UNDER THE WATER
By Samboy Mendoza
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 1,614Madali lang sana makakauwi sina Esperanza mula Maynila hanggang Cebu kung nag-eroplano lang sila. Pero ang asawa niyang si Daniel ay nag request na kung pwede mag barko nalang sila dahil never pa daw nakasakay ng barko si Daniel at gusto nya ito ma experience. Tatlong beses na kasi nakasakay sa eroplano si Daniel dati. Si Esperanza naman ay dalawang beses nakasakay ng barko at limang beses na nakasakay ng eroplano. Kaya sa huli ay pumayag siya sa gusto ng asawa na mag barko na lang. Okay lang daw kahit matagal biyahe para mas ma enjoy daw ni Daniel kung gaanu kasarap sumakay sa barko.
Nang makasakay na lahat ng pasahero ay nagsimula na umalis ang barko. Halos pumalakpak si Daniel sa sobrang saya dahil first time niya makasakay ng barko.
"Ano ka ba para kang bata. Wag ka nga pumalakpak at tumalon talon dyan. Marami tao oh! Pasok na tayo sa room natin!" Sabi ni Esperanza. Sumunod na si Daniel sa room nila.
Napahiga si Daniel sa kama habang ninanamnam ang sarap na nararamdaman dahil sa pagsakay sa barko. Pakiramdam niya lumulutang siya sa langit.
"Wow! Ganito pala kasarap dito! Para tayong lumulutang sa langit!" Sabi ni Daniel.
Hindi na sumagot si Esperanza. Naupo na lang siya at uminom ng tubig.
Pupunta sila sa probinsya dahil binalita sakanya na nahulog daw sa hagdan ang nanay niya na nasa edad 85 na. Mula daw nang mahulog ito ay hindi na makalakad. Kaya kahit walang pera ay napilitan sila bumiyahe para lang mabisita ang nanay. Nangutang lang sila ng pamasahe sa bumbay.
Sumapit na ang gabi. Magkatabi na sa kama sina Esperanza at Daniel. Kasalukuyang hinahalikan, hinahaplos at nilalambing ni Daniel ang asawa nang bigla sila makarinig ng kakaibang ungol na parang nagmula sa ilalim ng dagat. Sa ungol na yun ay halatang napakalaki nito. Parang dambuhala. Hindi lang sila nakarinig nun nang gabing iyon. Dahil sa gabing iyon ay narinig ng lahat ng pasahero sa barko ang kakaibang ungol na nagbigay ng takot at pangamba sa kanila. Lalo na nasa gitna na sila ng dagat. Sa pinaka malalim na parte ng dagat!
"Anu kaya yun?" Sabi ni Daniel.
"Naku! Wag naman sana!" Sabi ni Esperanza. Kinakabahan. Kung kelan sumapit ang gabi doon pa nagparinig ang ungol na yun. Mas lalo tuloy nakakatakot.
Makalipas ng ilang minuto, naramdaman ng lahat ng pasahero nang gabing iyon na huminto ang barko sa kalagitnaan ng dagat. Maging ang tagamaneho ng barko ay nagtaka kung bakit huminto ang barko. Kahit ano gawin nila ay ayaw nito umandar.
At kung kelan huminto ang barko, doon unti-unti lumakas ang alon at bigla rin kumulog na sinabayan pa ng matatalim na kidlat.
"Maghimaya ka Maria
Napuno ka sa grasya
Ang Ginoong Dios anaa kanimo
Bulahan ikaw sa babaye nga tanan
Bulahan usab ang mahal na bunga sa tiyan mo nga si HesusSanta maria inahan ka sa Dios
Ig ampo mo kaming makasasala
Karon ug sa oras ang among ikamatay. Amen."Napadasal si Esperanza nang hindi oras dahil sa labis na takot na naramdaman.
"Ano ka ba! Di kita maintindihan! Magtagalog ka nga!" Sabi ni Daniel habang pinapakinggan ang asawa na nagdadasal.
"Wag muko istorbohin! Manahimik kana lang dyan!" Sabi ni Esperanza at pinagpatuloy ang pagrosaryo.
Nahinto si Esperanza sa pagrorosayo nang gabing iyon dahil naramdaman nilang unti unti tumataob ang barko! Lalo sila kinabahan nang marinig ang iba pang pasahero na nagsisigawan na.
Sabay na lumabas sina Daniel at Esperanza sa room at nakisabay sa mga tao sa pagkuha ng salbabida at damit na pampalutang.
May mga tao na nag iyakan na. May iba naman na napadasal.
BINABASA MO ANG
URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)
HorrorKaramihan sa atin ay pamilyar na sa ilang mga fictional horror character gaya nina Slender Man, Jeff the Killer, Ben Drowned, Slit Mouthed Woman, Sadako, Chucky, Freddy Krueger, Jason at marami pang iba. Kapag narinig natin ang mga pangalang iyan, a...