ANG MGA NAGBABALAT KAYO
By #Cupid_wizard
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)Humahalik sa aking balat ang maginaw na ihip ng hangin. Naka-upo ako ngayon sa isang hintayan ng dyip. Matagal natapos ang aming klase kaya nahuli ako sa huling byahe nito. Wala akong matulugan. Wala akong mapagpahingahan. Wala akong masakyan upang makauwi. Nais kong tawagan ang aking ina pero hindi ko magawa. Maging mga tropa ko ay hindi ko alam kung paano matawagan. Dagdag pa ang paulit-ulit na pagtunog ng cellphone ko na nagpapahiwatig na gusto na nitong mamatay at nauubusan na ng baterya. Dahil sa inis ay naitapon ko ito sa hindi kalayuan.
Lintik na cellphone naman ito o. Kung kailan sobrang kailangan doon naman nawawalan ng halaga.
Biglang kumulog ng malakas kaya napatayo ako sa takot. "Parang awa mo na. Huwag kang bumuhos," sambit ko sa aking sarili. Nararamdaman ko na rin kasi ang unti-unting patak ng ulan. Nanginginig na ako sa ginaw. Wala pa naman akong dalang kahit dyaket na ipangtalukbong. Bumuhos ang nakakatakot na patak ng ulan. Napapatakip ako sa aking tainga dahil sa malalakas na tunog mula sa ibabaw ng aking sinisilungan. Nararamdaman ko na ang pagkabasa dahil sa pumapasok ng ulan. Napahawak ako sa aking kamay at doon ko nakita ang aking orasan. Tinangal ko ito at tiningnan.
11:11.
"Tuwing gabi ay nagpaparamdam ang babaeng ubod ng ganda sa hintayan ng dyip. Siya ang babaeng nagpakamatay dahil sa hindi siya sinipot ng lalaking kanyang pinakamamahal. Isinumpa niyang papatayin niya ang sinumang lalaking makikita niya sa oras ng alas 11:11 ng gabi,"
Biglang naglakihan ang aking mga mata ng biglang rumehistro sa akin ang mga balibalita tungkol dito sa lugar na sinisilungan ko ngayon.
"Diyos ko, ayaw ko pang mamatay," naibulalas ko na lamang sa aking sarili.
"Em, bakit ka narito?" Napapitlag ako ng marinig ang boses ng isang babae. Gusto ko mang tingnan siya pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw dahil sa kaba. Parang may kabayong tumatakbo sa aking dibdib. Kilala niya ako? Kilala ako ng babaeng pumapatay?
"Wah! Ayaw ko pang mamatay!" Napalayo ako bigla dahil sa takot. Ngunit laking pagkadismaya ko ng bigla itong tumawa.
"Wahaha, Mr. Em. Huwag mong sabihing natatakot ka sa multo?" sambit sa akin ni Erika. Oo, kilala ko siya. Siya ang pinaka-chix kong kaklase. Siya rin ang lihim kong hinahangaan. Ang kanyang talino, walang kapantay na ganda, hubog ng katawan, nang-aakit na mga labi at kabaitang dala ang mas nagpapalabong upang ibigin ko siya ng palihim.
Hindi ako makapagsalita.
"Hoy, napepe ka na niyan?" Sinuntok niya ako ng marahan sa aking batok kaya napa-upo ako.
"Sorry na," sambit ko.
"Teka nga, bakit ka nandito?" tanong niya.
"Naubusan kasi ng dyip. Wala akong masakyan. Tapos wala akong matuluyan," malungkot kong ani.
"Ah iyon lang ba? Doon ka na lang muna magpahinga sa bahay ko. Ako lang naman mag-isa roon e," suhistyon niya.
Napatitig ako sa kanyang kabuuan. Ang short niyang kay ikli, ang basa niyang damit, at ang nang-aakit niyang mga labi.
Ayaw ko nito. Huwag kang tumingin ng ganyan sa akin. Huwag mo akong gawing green.
"Sige," mistulang bala ng baril na kusang kumawala sa aking bibig ang katagang iyon.
"Pero maya-maya na muna. Kapag medyo humupa ang ulan," saad niya.
"Okey," sambit ko.
"Hindi ka pa kumakain. Tamang-tama sigurado akong matatakam ka sa niluto kong afritada. Haha." Napatawa na lang din ako dahil sa kanya. Bigla kasing tumunog ang aking tiyan kaya niya nalaman.
"Oo e. Teka lang. Saan ka ba galing?" tanong ko.
"Sa mga kabarkada ko diyan sa kabilang kanto. Nag-inuman kami." Napadikit ako bigla sa kanya. Tama nga siya. Amoy alak ang kanyang hininga. Marami pa kaming napag-usapan. Hindi ko lubos maisip na makakausap ko siya ng matagalan. Ni sa panaginip ay hindi ko ninais.
Ilang minuto pa ang nakakalipas ay unti-unti ng humuhupa ang patak ng ulan.
"Nandiyan na naman siya," napatingin ako kay Erika ng bigla niya itong naibigkas. Naibaling ko ang tingin sa kanyang tinitingnan.
Mahaba ang gulu-gulong buhok at marungis ang kasuotan. Ang kanyang mukha, mga braso, at
mga binti at paa ay nangingitim sa dumi. Kitang-kita kasi sa liwanag ng ilaw ang taong grasa sa hindi kalayuan sa amin.
"Ano?" tanong ko.
"Kailangan na nating umuwi," sambit niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Natatakot ako sa taong grasa na iyan. Palagi na lang akong sinusundan. Nakakakilabot siya kung tumingin," saad nito sa akin at hinawakan ang kamay ko. Ewan ko kung matatakot ako sa narinig o kikiligin ako sa kakaibang pakiramdam na dala ng paghawak niya sa aking kamay.
"Baka naman may gusto sa iyo ang taong grasa na iyan. Lalaki siya. At walang lalaking hindi kayang magkagusto sa iyo." Napahinto siya.
"Ano ang sabi mo?" tanong niya.
"Ang sabi ko. Ang sexy-sexy mo," usal ko.
"Huwag mo akong bulahin. Kailangan nating maiwasan ang taong grasa na iyan. Mukhang baliw pa naman iyan." Napangiti ako sa pamumula ng kanyang pisngi. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mga kamay at tumawid kami mula sa kabilang kalsada.
"Sumusunod pa rin siya," marahan kong sambit.
"Kailangan natin siyang ligawin. Magmadali tayo."
Tumatakbo na kami. Nakakaramdam na rin ako ng kaba. Sa kung paano kumilos si Erika ay napapasinghal ako.
"Stop!" saad ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Huwag ka ngang matakot sa kanya. Nandito naman ako e. Lalaki din ako. At kaya kitang protektahan!" sigaw ko.
"Awwwwwwwww!" Napayakap ako sa kanya dahil sa isang nakakatakot na tunog ng aso.
"Kita mo na. Saka ka na magyabang kapag hindi ka na takot sa ungol ng aso!" Tinulak niya ako at tuluyang naglakad.
"Oo na po," sambit ko sa kanya at hinawakan muli ang kanyang kamay. Sabay kaming naglakad sa mumunting ilaw dahil sa street lights.
"Wala na siya," wika ko.
"Mabuti naman kung ganoon," sambit niya, na binitawan ang paghawak sa akin.
"Binitawan mo pa, e alam ko namang nagugustuhan mong hawakan ang kamay ko," usal ko sa kanya.
"Ano?"
"Wala. Ang sabi ko, Malayo pa ba tayo sa bahay mo?"
"Diyan na. Papasok na lang tayo riyan sa kalyeng iyan. At ang tinutuluyan ko ay nasa huling bahay," wika niya.
Napahawak ako sa kanyang kamay dahil sa madilim na rin dahil lumubog na ang araw at ang buwan naman ay natatakpan ng makakapal na ulap.
"Nakakatakot pala rito sa dinadaanan mo. Mabuti at walang mapanghas na kumukuha sa iyo at gahasain ka. Haha," Patawa ko na lang na inindiyan ang takot na nararamdaman.
"Takot na lang nila sa akin," sambit niya at pahulmang susuntok sa akin.
Nakikita na namin ang maliwanag na bahay.
"Iyan na ba ang bahay mo?" pagtatanong ko.
"Gutom na gutom ka na talaga no. Atat na atat kumain e. Oo na. Iyan na nga. Kukunin ko muna ang susi," sambit niya habang kinukulikot ang bag.
"Saan mo siya dadalhin?" Napatingin kaming dalawa sa aming likuran. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang taong grasa.
"Ano ang kailangan mo?" sigaw ko. Kailangan kong maging matapang para sa kasama ko.
"Ikaw!" mapakla niyang sambit.
"Huh?" nalito ako.
"Anong ako?" pagtatanong ko.
Imbis na sumagot ay may kinuha siyang bagay sa gilid ng kanyang maruming dala-dalang sako.
Mahaba at may hawakan. Isang latigo.
"Huwag kang lalapit sa amin," sigaw ng aking kasama.
"Hindi ko hahayaang gawin mo ang binabalak mo!" sigaw ng taong grasa. Napa-isip ako sa aking narinig. Baliw talaga ito. Baka iniisip niyang may gagawin akong hindi maganda kay Erika. Iniisip ba niyang gagahasain ko si Erika? Baka ayaw niyang may tumabi kay Erika? Tama siguro ang hinala ko. May gusto ang taong grasa na ito sa kay Erika. Kaya siya sinusundan dahil ayaw niyang may mangyaring masama kay Erika.
"Em. Natatakot ako. Baka patayin tayo ng baliw na iyan!" sambit niya at lumapit sa akin.
"Erika, diyan ka lang sa aking likuran. Kaya ko na ito." Hinawakan ko siya at itinulak sa aking likuran.
Dahan-dahang winawagayway ng taong grasa ang hawak na latigo.
"Huwag kang lalapit sa amin. Sisigaw ako!" Habang papaatras sa kanya.
Sa isang iglap bigla akong naitulak ni Erika. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon.
Akala ko ay dadapo na sa aking balat ang latigo pero nagkamali ako. Naiiwas ng taong grasa ang latigo at tinulak niya ako sa lupa. Natumba ako at nahihirapan ng tumayo.
"Taong grasa. Tama na. Wala akong balak na masama kay Erika!" sigaw ko sa kanya. Ngunit tila hindi nagbago ang hitsura ng kanyang pagmumukha. Sa halip na maging malinaw ay mas lalong naging katakot-takot ito. Ang mata niyang mapupula at ang mukha niyang mararamdaman mo talaga ang galit.
Nabaling ang aking tingin kay Erika. Napapikit ako ng mapansing ngumisi siya ng kay pakla. Matatag at walang takot na mararamdaman sa kanyang mukha. Hinarap niya ang taong grasa."Ganoon pala. Isa ka pala sa kanila!" sambit nito. Naguluhan ako sa aking narinig. Anong pinagsasabi nito?
"Humanda ka sa akinnnnnn............." Isang walang katapusang sigaw ni Erika. Nabasag ang buong salamin sa bahay niya at natapon ang nakaparadang sasakyan sa kalsada. Napahawak ako sa aking tainga dahil sa nakakatakot na boses.
Hindi ako makapaniwala sa aking malinaw na nakikita. Nag-iba ang kulay ng balat ni Erika. Nagmistulang isang hayop na ano mang oras ay kaya kang kagatin at lamunin. Humaba ang kanyang buhok. Nagsitalinisan bigla ang kanyang mga kamay at kuko. Pati ang mga tainga niya ay biglang tumulis. Matatalas ang mga ngipin nito. Ang kanyang mga mata naman ay parang mga uling na nagbabaga.
Napapikit ako at hindi makapaniwala. Ilang ulit kong pinikit-sara ang aking mga mata subalit hindi na talaga bumalik sa dati ang kanyang katawan. Nagmistulan na siyang isang halimaw.
Parang hangin na mabilis na nasugatan ang taong grasa dahil sa paglapit ng halimaw. Gamit ang matulis na kuko.
"Hindi mo ako mapipigilan," animo'y nilalamon ng lupa ang nagsasalita. Nakakapanindig balahibo ang kanyang mga galaw. Gusto kong umalis at tumakbo subalit hindi ko magawa. Nanghihina ang aking tuhod.
Iwinagayway ng taong grasa ang hawak na latigo. Pinagtatapon-tapon niya ito kung saan-saan. Napapansin kong natatamaan din ang halimaw.
Patuloy na umiiwas ang halimaw subalit hindi niya makaya. Batid ko ay parang may kakaibang pinahid sa latigo upang kusang dumikit ang halimaw na aswang at agad itong masugatan.
"Hindi mo ako mapipigilang kainin ang aking paing. Mabuti na rin na nandito ka para dalawa kayo na lalamunin ko!"
Naninindig ang aking balahibo sa aking narinig.
Tumalon ng mataas ang aswang na si Erika. Pagbagsak nito ay sumalpok siya sa taong grasa. Bumagsak silang dalawa sa lupa, nagpagulong-gulong. Pagkatapos ay katahimikan.
Tumayo ako ng dahan-dahan upang tingnan silang dalawa. Nakita kong tumatayo din si Erika na unti-unting nagbabalik anyong tao. Naaninag ko ang isang kutsilyo na nakaturok sa lalamunan ni Erika. Pasuray-suray siya na naglakad papalapit sa akin. Nakangiti ito, nakalabas ang matatalas na ngipin.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng bigla na lang siyang natumba dahil sa paglatigo ng taong grasa. Isang maitim na usok ang kumawala sa katawan ni Erika.
"Ako ay magbabalik sa ibang katauhan. Sa taong walang pananampalataya sa Diyos at mahihinang tao. Kakain ng maramihan at lalamunin ang kakalaban. Humanda ka sa aking pagbabalik!" Nakakagimbal na bigkas ng usok at tuluyang tinangay ng hangin palayo sa amin.
Lumapit sa akin ang taong grasa. Hinawakan niya ako at pinatayo.
"Mabuti na lamang at may nakatago akong kutsilyo. Latigong may basbas ng agua bendita at kutsilyong may panalangin mula sa Diyos."
"Huh?" tanong ko.
"Hindi porket maganda o gwapo, sexy o hunk, mayaman o mahirap ay mapagkakatiwalaan. Huwag masyadong magtiwala. Dumarami na sila at mas magaling magpanggap. Hindi mo na alam kung sino ang totoo at kung sino ang hindi. Ako si Perrie Tulong, ang padala upang iligtas ang mga tao mula sa ibang masasamang elemento." Sa isang iglap ay naglakad papalayo ang taong grasa.
Dumating ang maraming tao. Lahat ay nagtatanong.
"Ano ba ang nangyari?"
"Sino ang may gawa nito?"
"Bakit mo siya pinatay?"
Nagulat ako sa kanilang mga tanong.
"Ako ang biktima rito. Muntik na akong patayin ng halimaw na si Erika. Isa siyang aswang na nangangain ng tao. Nang mamatay siya ay may usok na lumabas sa kanya. Lalamunin daw niya tayong lahat gamit ang ibang pagkatao. Mabuti na lamang at may dumating na taong grasa. Tinulungan niya akong hindi lapain ng halimaw na aswang na iyan. Mabuti na lang at may dalang latigo na may basbas na agua bendita at kutsilyo na may panalangin mula sa Diyos ang taong grasa kaya niya napatay ang aswang na iyan! Perrie Tulong. Perrie Tulong, ang pangalan ng tahimik na tagapagtangol natin mula sa masasamang elemento."
Sinabi ko lang ang katotohanan. Subalit bigla akong nagulat sa hatol ng maraming tao. Isa raw akong baliw. Pinatay ko raw si Erika. Ilang ulit daw nilang sinisid ang buong lugar subalit wala silang makitang baliw o taong grasa. Maging Perrie Tulong na pangalan ay wala rin. Dahil ako lang daw ang baliw.
Isa raw akong baliw. At isa akong kriminal. Narito ako ngayon sa isang mental hospital at patuloy na binibigkas ang katotohanan subalit lahat sila ay nagbibingi-bingihan.
"Hindi ako baliw. Darating na ang papatay sa mga tao. Darating na ang sugo ng Diyos upang ipagtangol ang mga tao. Mag-iingat ka. Darating na sila. Sila na akala mo ay mabuti, sila na kay dungis kung tingnan at Sila na kay lapit sa iyo. Mag-ingat sa nakakasalamuha dahil andiyan na sila. Ang mga nagbabalat kayo."WAKAS
BINABASA MO ANG
URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)
TerrorKaramihan sa atin ay pamilyar na sa ilang mga fictional horror character gaya nina Slender Man, Jeff the Killer, Ben Drowned, Slit Mouthed Woman, Sadako, Chucky, Freddy Krueger, Jason at marami pang iba. Kapag narinig natin ang mga pangalang iyan, a...