Riders of the Storm

264 6 0
                                    

RIDERS OF THE STORM
by: Mhar Gjiedeo Garcia (Kuyang Labo)
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 2,820

MIYERKULES. Nasa loob ng silid niya si Centimeter Cervantes o mas kilala sa tawag na 'Zen' sa mga kaibigan at 'Tim' naman sa mga kamag-anak niya. Nakahiga siya sa kama. Nagpapahinga. Nakikinig sa mga kanta ng paborito niyang American singer na si David Archuleta. Ang kanang kamay niya ay nasa ibabaw ng tiyan habang nasa ilalim naman ng batok ang kaliwang kamay. Tipikal na araw iyon para sa kanya.

Katatapos lang niyang gumamit ng computer. Nag-check siya ng social media accounts niya kung may nag-message sa kanya. Tiningnan kung may bagong update sa online game na nilalaro niya. Inabot yata siya ng mahigit isang oras sa harap ng computer kaya't napagod ng husto ang mga mata niya.

Wala siyang kaproble-problema sa kanyang buhay. Tahimik siyang naninirahan mag-isa sa apartment niya. May bago ng sari-sariling pamilya ang mga magulang niya na hindi natagalan ang isa't-isa noong nagsasama pa na humatong sa hiwalayan. Wala rin naman siyang inaalalang nobya sapagkat wala naman siya noon.

Bente-uno na siya. Kahit minsan, hindi sumagi sa kanya ang maghanap ng nobya. May mataas na pangarap pa kasi siya na gusto muna niyang maabot sa kanyang sarili. Ang magkaroon ng sariling negosyo at maging isang Architech. Malapit na niyang matupad ang huli sapagkat nasa huling taon na siya ng pag-aaral.

Nag-vibrate ang cellphone niyang nakapatong sa maliit na mesang katabi ng kama niya. Nilingon niya iyon. Hinintay muna niyang matapos ang vibration bago kuhanin. May notification siya mula sa kanyang facebook.

Myxovirus updated his status.

Napa-iling siya. Galing lang pala iyon sa kaibigan niyang si Mix. Ano naman kayang kalokohan ang p-in-ost nito? Sa isip-isip niya bago muling iturn-off ang screen ng cellphone. Mamaya na lang niya iyon aalamin. Kailangan muna niyang ipahinga ang mga mata upang makaligo na siya.

PASADO alas-diyes na ng gabi ang oras. Gising na gising pa rin ang diwa ni Zen. Hindi siya makatulog dahil naiingayan siya sa malakas na buhos ng ulan. Idagdag pa ang paminsan-minsang pagkulog at pagkidlat.

Binuksan niya ang nightstand at kinuha ang cellphone. Naisipan niya munang mag-Facebook bilang pampaantok. Pagkabukas pa lang niya ay lumabas na kaagad sa wall niya ang post kanina ng kaibigan niyang si Mix. Binasa niya ang nakasaad doon.

Sa gabing maulan, ikaw ba'y lalaban?
Sa mga nilalang na walang hangganan.
Ang bilis ng kilos, kanyang kakayahan.
Tanging gamit nito'y isang kawayan.

May taas na anim, sandata'y matalim.
Bilugan ang mata't nakatago sa dilim.
Ngipi'y nabubulok, sa kulay na itim.
Ito'y nagmula sa hukay na malalim.

Tatlong malalaking bukol, nasa mukha.
'Wag ipagkamali sa totoong dukha.
Matinis ang tinig, baba ay mahaba.
Tungkod na gamit, sa kawayan nakuha.

Matanda ang anyo, katawan ay kuba.
Mga kilos nito'y daig pa ang bata.
Hilig ay pagpatay, ikaw ay mag-ingat
Ika'y maniwala, ito'y 'di alamat.

Tindi ng lakas ay kay hirap pantayan,
May 'di karaniwan itong kakayahan.
Bago humantong sa madugong patayan,
Tumakbong mabilis at iyong iwasan.

Hindi mapigilang kumawala ng tahimik na tawa sa bibig niya. Naiiling na pinindot niya ang 'like' button at nag-comment siya doon.

'Saludo ako sa 'yo, kaibigang makata!'

Subalit sa halip na reply ang isagot nito sa comment niya, nag-chat ito sa kanya.

Mix: 'Zen, may pakiusap sana ako sa 'yo.'

Zen: 'Pakiusap? Para saan?'

Mix: 'Huwag mong hahayaan na makalimutan ako ng mahahalagang tao sa buhay ko.'

URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon