HIGANTENG ALUPIHAN
ni John Carlo Sy
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)Tumindi ang taggutom sa Baryo Yawa kung kaya't pati mga ligaw na hayop sa gubat ay hinuli na ng mga tao para kainin. Hindi naman sila nagkakasakit dahil sanay na ang mga tagaroon sa pagkain ng kung anu-ano. At isa pa, sa panahon ng matinding kahirapan, wala na silang dahilan para magselan pa.
Isang mabangis na hayop ang tinamaan ng pana ni Mang Epyong. Nangisay ito at agad nawalan ng hininga. Bibuhat ng lalaki ang hayop at iniuwi sa kanila para katayin.
Ang sumunod na nagpunta sa gubat ay ang magkaibigang Ernest at Kardo na may dala-dalang mga sibat at ilang panghuli ng mga hayop. Habang sila'y naglalakad ay umagaw sa atensyon nila ang isang malaking butas sa lupa sa tabi ng isang malaking puno.
Katunayan, ilang beses na nilang nadadaanan iyon pero hindi pa rin nila alam kung ano ang mayroon sa loob.
"Sa tingin mo may mahuhuli rin kaya tayo rito?" Sabi ni Kardo.
"Tiyak na dito nagtatago ang ibang mga hayop dahil sa dami ba naman ng mga tao na nagpupunta rito para manghuli ay siguradong natakot na ang iba na gumala pa sa gubat." Sagot ni Ernest.
"Natatakot pa rin ako." Si Kardo.
"Bahala ka nga! Ako na ang papasok!" Lumapit si Ernest sa butas at unang ipinasok sa loob ang mga gamit niya sa panghuhuli.
Si Kardo naman ay nakatingin lang sa kaibigan habang bumababa papasok sa loob ng butas ng lupa.
Kinakapa-kapa ni Ernest ang loob para makahanap ng tatapakan. Mayamaya, tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng butas.
May ilang minuto ang lumipas bago nainip si Kardo sa kakahintay sa pagbabalik ng kaibigan.
Wala siyang dalang orasan pero nakatitiyak siyang mahigit 30 minuto na ang nagdaan at hindi pa rin bumabalik ang lalaki.
Nasa isip na sana niya ang sumunod sa loob, pero laking gulat niya nang biglang tumilapon palabas ang ulo ni Ernest! Pagbagsak nito sa lupa, wala na itong mga mata! Wasak ang bibig, basag ang panga at durog ang gilagid at mga ngipin! Halos mapisa rin ang ilong nito at mapunit ang tainga!
Nagsisigaw sa takot si Kardo. Nabitawan niya ang mga hawak na panghuli at kumaripas ng takbo. Kulang na lang ay lumutang sa hangin ang mga paa niya sa bilis ng pagtakbo.
Matagumpay siyang nakalabas ng gubat. Pag-uwi sa kanila ay hingal na hingal at pawis na pawis siya.
Nagtaka ang asawa niya sa kanyang ikinilos. Tinanong siya nito kung ayos lang ba siya. Kinuwento naman niya ang nangyari kanina sa gubat. Dahil doon ay wala silang huling hayop na makakain kung kaya't nangutang na lamang ng asin para may sahog sa kanin.
Pagsapit ng gabi, tulog na ang mga tao. Litaw na ang buwan. Tahimik na ang buong paligid at wala nang mga tambay sa labas.
Nabasag ang katahimikan ng gabi sa isang parte ng gubat nang dahan-dahang lumabas mula sa butas ng lupa ang isang dambuhalang alupihan. Bawat paggalaw ng mga galamay nito sa lupa ay lumilikha ng nakaririnding ingay.
Galit na galit ang alupihan. Para itong nagambala mula sa matagal na pagkakapahinga. Kaya naman nang gabing iyon ay lumikha ito ng lagim.
Napakabilis gumapang ng alupihan. Halos lumindol ang gubat habang gumagapang ito. Nang makarating ito sa kalsada, lalong lumitaw ang pagiging higante nito. Halos kasing laki at kasing haba ito ng isang tren. Kasya ang daan-daang katao sa katawan nito.
Sa gitna ng daan ay may dalawang lasing na naglalakad. Pasuray-suray ang mga ito habang malakas ang boses na nagkukuwentuhan. Mura pa nang mura ang dalawa at tawa nang tawa.
BINABASA MO ANG
URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)
HorrorKaramihan sa atin ay pamilyar na sa ilang mga fictional horror character gaya nina Slender Man, Jeff the Killer, Ben Drowned, Slit Mouthed Woman, Sadako, Chucky, Freddy Krueger, Jason at marami pang iba. Kapag narinig natin ang mga pangalang iyan, a...