Cry Baby

255 5 0
                                    

CRY BABY
By Mark Gacilo
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 2,773

Melanie's pov

Naranasan niyo na ba yung maging mag-isa?.Yung walang naghahanap sayo.Yung walang magsasayang ng oras para mag-alala na nawawala ka.Ganyan ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko alam kung umaga ba ngayon o gabi basta ang nasa isip ko lang ay makatakas dito.Pero kung makatakas man ako ay asan ako pupunta?.Sirang-sira­ na ang buhay ko at wala akong pupuntahan kung makawala man ako.

It's been a week nang dalhin niya kaming tatlo dito at gawin kaming parang mga baboy na kahit anong oras ay pwede niyang katayin.Masaya kaming tatlo nina Jenny at Anna noon pero ng kunin niya kami ay instant impyerno ang buhay namin.

Sana kung nakinig sa akin sina Jenny at hindi kami pumunta sa club na iyon ay siguro natutulog kami ngayon ng mahimbing.Kung naniwala lang talaga sila sa akin edi sana ay hindi namin nararanasan ang impyerno na ito.

"Pumunta na kasi tayo sa club ni Mama G.Mataas daw magbigay yun girl"naalala kong pagpupumilit sa akin ni Jenny.

" Ang kulit mo naman.Pagtitiisian ko na lang yung bar ni Ate Yen kaysa diyan.Mataas nga magbigay pero baka pag labas ko eh buntis nako"pagbibiro ko sa kanilang dalawa.

"Diba Melanie papadalhan mo pamilya mo sa susunod na linggo.Sumama ka na kase samin para dumagdag yang ipapadala mo"pagpumilit na sabi sa akin ni Anna ng oras na iyon.

" Mamaya hindi pala safe diyan.Huwag kayo magpabulag sa pera.Puro pera ka nga hangal naman kaluluwa mo.Huwag na kase rayo pumunta ang sama ng feeling ko sa club na yan eh"muli kong pagtanggi.

"Chill beh.Kapag wala na sa control ang nangyayari sa loob ay aalis na tayo okay at tsaka tignan mo yang naiipon mong pera na ipapadala mo.500 pesos pa lang"pigil na tawa ni Jenny nang sabihin niya iyon.

Tiningnan ko ang pera na nasa box at 500 nga lang ang laman.Wala namang nawawala kung sasama ako diba.Pero nagkamali ako sa desisyon ko na iyon.

Ngayon ay nakatali ako sa higaan dahil sa desisyon ko na iyon.Puro sugat ang braso ko at binti dahil sa pagsama ko sa kanila.Tanggal ang mga kuko ko sa daliri dahil sa buwisit na club na iyon.

Nabulabog ang katahimikan ng biglang bumukas ang pinyo.Hindi ko na tinignan pa kung sino ang papasok dahil alam kong siya iyon.Lumapit ang mga yapak hanggang sa may bigla na lang humila sa buhok ko at iniangat ang aking ulo.

Doon ay tumambad ang mukha niya.Parehas lang kami ng tangkad pero sa kalagayn ko ngayon ay siya ang nakalalamang.Suot niya ulit ang paborito niyang maskara na mukha ng isang bata at umiiyak.Gawa ito sa wax kaya medyo distorted ang mga mata nito at bibig.

" Handa ka na ba?Alam mo ba kung anong oras na?"wika niya sa akin.

Malaki ang boses niya at nakakatakot pero may isa akong napansin sa kanya.Gumagamit siya ng isang voice changer para maikubli ang totoo niyang bese.Isa ito sa naging clue ko na baka kakilala namin siya kaya takot siyang ipakita ang totoo niyang boses.

I-it's play time" mahina kong sambit sa kanya.

"Very Good!" iyon lang ang tangi niyang nasabi at marahas na tinanggal ang tali sa aking mga kamay.Hinawakan niya ang buhok ko at kinaldkad ako palabas ng kuwarto.Pinipilit kong tiisin ang sakit kase alam ko na kapag pumalag ako ay baka patayin na niya ako.

Tumigil kami sa isang kuwarto at hawak-hawak niya pa rin ang buhok ko.Kinuha niya ang isang susi at binuksan ang kuwarto.

Binuksan niya ang pinto at kinaladkad ako papasok.Doon sa akin ang nakakaawa na itsura ni Jenny at Anna.Si Jenny ay may kung ano-anong guhit sa katawan na dumudugo.Si Anna naman ay kulang ang ilang mga daliri sa paa at tanggal ang kilay niya.

URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon