"Loida, may sakit ang anak mo hindi mo man lang ba sisilipin?" Dinig kong boses ni Tiya Tamil. Siguro si nanay iyun at bumili ng kung ano sa tindahan ni Tiya Tamil. Nasa kabilang bahay lang naman nakatira ang pamilya ni nanay."Hindi ako doctor Tamil. Ikaw na ang bahala sa kanya." Boses iyun ni nanay.
"Anong klasi ka bang Ina? Hindi kasalanan nang anak mo ang kasalanan ng ama niya!" Galit na sigaw ni tiya Tamil.
"Hindi ikaw ang biktima kung kaya hindi mo ako naintindihan." Naririnig ko ang yabag nito paalis.
Nilalagnat ako dahil sa naulanan ako kahapon pauwi galing sa paaralan,wala kasi akong payong.
Nakita kung pumasok ang aking tiyahin sa silid namin ng aking pinsan at anak niya.
"Uminom ka na ng gamot Anne, Wala pa din amore ang nanay mo sayo. Pasensya kana." Inilahad nito sa akin ang gamot at tubig. Magpinsan sila ng nanay.
"Sanay na ako tiya, maraming salamat po." Sabi ko habang inabot ang gamot at tubig. Hindi naman malala ang lagnat ko, nilalamig lang talaga ako.
"Anne! Valedictorian ka pala,pupunta ba ang nanay mo sa graduation natin?"
Masayang sabi sa akin ng pinsan kong si Jennie, anak ito ni tiya Tamil.Ipi-nost na kasi kanina ang results ng mga honors para sa graduation sa katapusan ng buwan. Alam ko naman na ako ang valedictorian pero hindi ako excited dito,nasabi ko na kasi yun Kay nanay kahapon pero hindi ito pupunta dahil graduation din ng kapatid ko sa kindergarten. Kahit anong pagsisikap ko sa eskwela ay hindi talaga iyun napapansin ni nanay, ang nakikita lang nito ay isa akong kasalanan.
BINABASA MO ANG
Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]
General FictionSister's by heart series #4 Sabi nga nila kapag may nararamdaman ka pa sa taong nanakit sayo ay bitter ang tawag sa mga pambabara mo. Anong magagawa ni Anne kung minsan na nga lang siyang magtiwala at magmahal ay mabukya pa. Ang masakit noon ay iniw...