"Mama!"Nagulat ako sa pagpukaw ni Jared sa akin.
God! I'm spacing out again. Bakit ba hindi matanggal sa isip ko ang pagkikita naming muli ni Brett? Ang daming naglalarong eksena sa isip ko na ayokong isipin pero pilit papasok.
Hello, its been a week!! Ahg.
"What is it?" I asked.
"Your spacing out lately. May problema ka ba mama?"
Nakasimangot nitong sabi at kumandong sa akin. Nandito kami sa sala at nagkukwento ito tungkol sa mga nangyari dito sa school.Ganito kami palage after dinner. I'm giving him a time to share what's going on his life while we're away.
My Jared is responsible one, napaka independent niya. Sa murang edad para na itong matanda kong mag talaga sa akin at sa sarili niya. He's very smart, accelerated ito kaya at the age of six ay grade one na ito na dapat sana ay next year pa."May iniisip lang,bakit?"
"Sabi ni Chiky ay pupunta silang Laguna this weekend, kina Josiah...sama tayo." Paglalambing nito.
Kilala niya ang pamangkin ng kaibigan kong si Lian dahil paminsan ay sumasama kami dito kapag umuuwi itong Laguna. Si Chiky naman ay ang kanyang anak anakan.
"Bakit, wala ka bang activities sa school ngayon sabado?" Minsan kasi ay may tutorial ito para ilaban sa ibang school.
Naawa ng ako sa kanya dahil parang ang bigat na ng pasanin niya sa school,puro pag aaral nalang. Gusto ko siyang magkaroon ng normal na kabataan,dahil hindi ko iyun naranasan.
Kahit pa ang dami ko ng biniling mga laruan sa kanya, mas gusto parin nito ang mga educational CD at books.
Napaka curious din nito sa mga bagay bagay pero syempre hindi lahat ng impormasyong gusto niyang malaman ay sinasagot ko. Mas gusto kong matutunan niya ang lahat ayun sa edad niya. Ayoko siyang madaliin.
''Wala po mama...so sasama tayo? Miss ko na si nanay Diday." Nanay iyun ni Lian.
"Okay,sasama tayo."
Jared is so sweet kahit kailan ay hindi niya ako sinumbatan kung bakit wala siyang ama. Noong una ay nagtaka ito kung bakit ang iba niyang kaklasi ay may tinatawag na papa o daddy.
"May pamilya talagang sadyang kompleto, if there's a mother there's also a father and the children. That is complete family, but like ours is incomplete. You may have a father but he is not with us because of some reasons. But we are still family, you and me. May classmates ka naman na walang daddy o papa, o kaya ay walang mama at mommy diba?" Sana lang ay tanggapin niya ang paliwanag ko. Wag lang niyang itanong kung nasaan ang tatay niya dahil ang isasagot ko ay nasa empiyerno.
"Meron naman po mama at happy din sila tulad natin." Sagot naman nito.
He were only four years old then at confused pa marahil ang kanyang utak. Sana lang kapag tinanong na niya ako balang araw sa tatay niya ay masagot ko ng matino.
Sumapit ang araw ng sabado ngunit napakasama ng pakiramdam ko. Nilalamig ako at may ubo. Plano kong wag ng sumama Kay Lian sa probensya nila dahil walang magbabantay Kay Jared but seeing his disappointed face makes me wanna cry. Ayokong nakikita itong malungkot at nasasaktan, alam ko naman na sensitive ang mga bata sa mga promises.
But Lian promise to take care of him while I'm resting.Alam kung mapagkatiwalaan si Lian dahil madalas naman na siya ang nagbabantay Kay Jared dati ngunit nag alala ako dahil dalawang bata ang kasama niya. Paano kung maulit yung pagka stranded nila ni Chiky dati, mamatay ako sa takot hindi pa naman mahilig mag charge ng cellphone ang babaeng yun. Paano kung hindi ko sila makontak hay naku mapapraning ako.
But then Rick volunteer to go with them, Chiky's father. Kaya pumayag na rin ako dahil hindi ko rin naman matagalan ang gusot nitong mukha.
It is our first time na magkawalay kami ng ganoon ka layo. Ultimo skwelahan nito ay malapit lang sa trabaho ko. Wala narin kasi itong yaya dahil nag asawa na at dahil kaya ko naman na kami lang ay hindi na ako kumuha ng bago. Hindi kasi hassle si Jared, in fact he do the light chores at home. That's why I'm so proud of him.
"Sissy, update me from time to time. Alam mo naman na mababaliw ako kapag hindi ko kasama ang anak ko."
Sabi ko sa kanya kahit umubo ubo na."Don't worry, full charge ang cp ko at andito naman si Rick, ibibigay ko ang number niya sayo." Sagot naman ng kaibigan ko.
Tumango nalang ako at bumaling sa anak ko. "Be a good boy,OK? Wala si mama kaya wag ka maglikot baka maiwala ka ni Lian mo."
"Mama, hindi po ako gagawa ng bagay na ikaiiyak mo. Two days lang mama at makikita din tayo."
Gusto kong umiyak dahil ayoko itong umalis ngunit hindi rin naman siya pwede na kasama ko baka mahawa sa sakit ko. Kaya tinatagan ko ang loob ko upang labanan ang lungkot. Dalawang araw lang,wag kang madamot Anne.
" I love you, honey." Humalik ako sa kanyang kamay, baka kasi mahawa sa akin ang tagal pa naman nitong makakarecover kapag nagkakasakit.
"I love you mama, salamat at pumayag ka. Magpapahinga ka mama at uminom ng gamot." Napaka concern talaga nito.
Hinatid ko sila ng tanaw noong umalis na at napag desisyonang bibili muna ng gamot bago bumalik sa condo, maaga kasi kaming pumunta kina Lian.
Naghanap ako ng Watson at pumasok doon ngunit ng manoot ang lamig ng aircon nila ay nanginig ako. Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Pinilit kong labanan ang lamig pero umiikot na yung paningin ko,naku makakaabot pa kaya ako sa bahay.
Kumuha ako cool fever, miniral water at nag order ng gamot sa pharmacy nila.
"Miss pakibilisan, ang sama na ng pakiramdam ko." Sabi ko sa pharmacist at sa Malas ko ay ang daming tao e maaga pa naman.
Umiikot na talaga ang paningin ko kaya napahawak ako sa doon sa may stante.
"Ma'am ito na po yung gamot!" Rinig kong sabi ng pharmacist ngunit ng umikot ako upang harapin ito ay nagdilim na ang paningin ko at tuluyang mabuwal.
"Ma'am!!!"
Imbis na sa sahig ang bagsak ko ay may kamay na humawak sa aking bewang at ulo.
"Ma'am!" Anang boses lalaki.
Parang security guard ito dahil nakapa akong baril sa gilid niya.
Gusto kong dumilat ngunit may umagaw yata sa akin dahil may ibang pabango akong naamoy.
"Kasama ko siya,ako na ang bahala.''
At binuhat na ako, tuluyan na man akong tinakasan ng ulirat.❤ 4.27.17
BINABASA MO ANG
Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]
General FictionSister's by heart series #4 Sabi nga nila kapag may nararamdaman ka pa sa taong nanakit sayo ay bitter ang tawag sa mga pambabara mo. Anong magagawa ni Anne kung minsan na nga lang siyang magtiwala at magmahal ay mabukya pa. Ang masakit noon ay iniw...