Naging maingat ako sa mga dumaang mga araw. Ngayong nandito na ulit si Brett sa Pilipinas ay hindi impossible ang magkita kami ulit.I'm busy preparing sa pag pull out ko ng contract sa Walters. Ayoko ng kahit na anong connection sa kanila, hindi ko sila kailangan.
Nakahanap na rin naman ako bagong pwedeng magsupply ng mga tela sa amin. Pareho lang naman ang mga terms nila kaya pwede na.
"Shiela, I want you to send this Letter sa Walters as soon as possible." Sabi ko sa akong sekretarya.
"Yes Miss Anne." Sagot nito.
Walang alam ang mga kaibigan ko dito, siguro saka ko na sasabihin kapag naayos ko na ang paglipat ng account.
"Miss Anne, pinapatawag ka ng mga kaibigan mo sa conference room." Sabi nito.
Nagtaka ako, wala naman kaming meeting ah.
"Anong oras?"
"Ngayon na po Miss, mukhang may bisita po."
"Ganoon ba."
Nagligpit ako upang makapunta na ng conference room, lunch narin naman siguro sabay na kami.
Andito kaya si Amber? Ang babaeng yun minsan nalang kung papasok, masyadong kinarer ang pagiging mommy sa kanyang kambal.
I'm happy seeing my friends na masaya sa marriage nila, siguro nga ay iba ang kapalaran nila keysa sa akin. Well, walang problema kung kami lang ni Jared. He's my life anyway.
Nang malapit na ako sa conference room ay naririnig ko ang tawa ni Toni. She seem happy, sino kaya ang bisita namin.
When I open the half open door of the conference room ay nakita ko ang taong kailanman ay hindi ko ninais na makita.
"Sissy!" Toni exclaimed.
Nandoon din si Lian at Amber.
At ang reaksyon ko? Nganga.
"Look who's here? Brett Walter!"
Masaya nitong sabi at iginiya ako doon malapit sa gagong yun.I saw amusement in his face.
Pinagtatawanan ba niya ako? I glared at him.
"Bakit kilala mo ba siya?" I asked Toni. Mukha kasing magkakilala sila.
"Oh yeah, siya iyung nakilala ko sa bora three years ago." Sabi nito.
Nagkita na sila? Sa bora? Bakit di ko alam?
"Oops...nakalimutan ko yatang ekwento sayo, I think si Lian lang yata ang nasabihan ko." Sabi nito ng mapagtanto niyang nagtataka ako.
"Kasi ako lang ang nandito noong dumating ka Toni." Lian said and laugh smoothly.
"Oh, by the way Brett si Osang...sissy Brett Walters." Pagpapakilala ni Toni sa amin.
"Osang?" Brett asked in confused.
O well, only my friends called me Osang. Ewan ko ba sa mga yun.
"I mean Rose Anne." Toni corrected.
"Okay...so anong meron?"
I asked in annoyance."Siya pala ang bagong may ari ng Montinola Corp."
Masayang sabi ni Amber.Patay!
I bit my lower lip. Paano ba ito? E naipadala ko ang sulat sa compaya nila na mag pu-pull out ako ng account.
"At isa pa, he gave us more favor! Is it amazing?" Toni added.
Amazing ka diyan.
"Ganoon ba?okay. Sige una na ako, susunduin ko pa kasi si-" I bit my tongue.
"Oh, sabay kayu maglunch?"
Kinabahan ako sa turan ni Lian. Wag niya sanang ma mention si Jared."Oo, I have to go." Agad akong tumalikod sa kanila at tumungo sa elevator. Sana lang hindi maging topic nila ang pag alis ko.
"Wait!" Pasara na ang pinto ng elevator ng may humarang na kamay.
At nang bumukas uli ito ay si Brett ang nakita ko.
Matalim ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Umusog ako upang bigyan ito ng napakaluwag na space.
"Anne..." Tawag nito ng makapasok sa elevator.
Hindi ko siya pinansin.
"Anne, can we talk?"
May pagsusumamo sa tinig nito.Hindi ko parin siya pinansin. The last time I checked wala kaming dapat pag usapan dahil wala naman kaming ugnayan.
"Anne, please. Just five minutes."
Pakiusap nito na hinarap na talaga ako."No! I don't have time for your bullshits."
Bumukas ang pinto ng elevator hudyat na nasa ground na kami.Malalaki ang hakbang ko lumayo sa kanya ngunit nahawakan niya ako.
"Let me explain Anne."
Naiinis na ang kanyang mukhang nakatingin sa akin."You don't have to explain Mr.Walters, we don't have unfinished issues...so excuse me, someone is waiting for me." Tuluyan na akong lumabas ng building at pumara ng taxi.
I went to Jared's school. Sabay kasi kami palage naglunch at ibabalik ko din after at susunduin pag uwian na.
"Mama!" Tumatakbo ito patungo sa akin na may hawak na papel at iniwagayway. I'm sure perfect score na naman ito. Nakaka proud ang batang ito, very independent.
I watch him as he ran to me, he really looks like his father. Bakit ba kasi kamukhang kamukha niya ito, pwede namang sa akin diba?
"Mama,look! I got perfect a score in math." Masaya nitong balita sa akin.
"What's new young man? I'm so proud of you." Nakangiti kong sabi.
Kamakailan lang ay muntik na akong mamatay sa panganganak dito at ngayon ay marunong na sa eskwela. Ang bilis ng panahong, darating ang araw iiwan din ako nito at magpapamilya.
"Anong gusto mong reward?" I asked him. I always give him rewards sa mga achievements niya.
"Kuya J's mama, masarap kasi ang halohalo nila." Excited nitong sabi.
"Okay,"
Pumunta kaming kuya j's at doon na nananghalian.
Mula ng dumating sa buhay ko si Jared saka ko pa naramdaman ang magkaroon ng sariling pamilya. My friends are like a family to me pero iba pa rin ang kadugo ko talaga.
Ever since I don't feel like I belong to our family. Hindi ako kinikilala ng nanay ko at kung kanikanino akong kamag anak tumutuloy mula noong pumanaw ang aking Lola at Lolo. Ang tatay ko? nasa kulungan.
My father is a British National who came to Philippines for a vacation ngunit na tipuhan ang nanay kong pakipot kaya na rape ito.
Kasalanan ang tingin nilang lahat sa akin, mula pagkabata ay tanging si Tita Tamil lamang ang naniwala sa kakayahan ko, pinsan ito ni nanay. Sa kanila din ako nagtagal tumuloy,mabait ito at ang pamilya niya. Siya lang ang nakakaintindi sa sitwasyon ko. Sobrang sama ng loob ko sa mga magulang ko.
Kailanman ay hindi ko Nakita ang aking ama, na deport ito nang makasuhan. Ang alam lang ng lolo ko ay nakulong ito sa kanilang bansa.
Matapos kumain ay inihatid ko uli si Jared sa school nila at bumalik na akong trabaho.
❤5.08.2017
BINABASA MO ANG
Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]
General FictionSister's by heart series #4 Sabi nga nila kapag may nararamdaman ka pa sa taong nanakit sayo ay bitter ang tawag sa mga pambabara mo. Anong magagawa ni Anne kung minsan na nga lang siyang magtiwala at magmahal ay mabukya pa. Ang masakit noon ay iniw...