Mainit at mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Parang gripo namang umaagos ang luha ko dahil sa sobrang emosyon.I rarely heard her called me ate back then dahil pinaiiwas sila ni nanay sa akin dati na para bang may sakit akong nakakahawa. Dati kapag may pagkakataon akong makita sila ay kahit kahulihulihang perang pambaon ko yun ay inilibre ko sa kanila para lang lalapit sila sa akin. Para akong magnanakaw kung makapuslit sa silid nila upang turuan ng assignments minsan. At kahit ganoon ay nakontento ako ng konte dahil kinilala naman nila ako.
"Ate miss na miss kana namin ni Boyet."
Umiiyak nitong sabi habang magkayakap parin kami. Si Boyet ay ang bunso namin.Mas lalo akong naiyak ng maalala ko ang sweet na makulit na batang iyun.
"Miss na miss ko na din kayo, sobra."I pulled off and wipe her her tears in her face.
"Dalagang dalaga kana!"Nagpalipat lipat ito ng tingin sa magkabila kong mata bago nagsalita.
"May anak na ako,ate." Parang nahihiya nitong sabi at ang kaninang nangungulila nitong mga mata ay natabunan ng kalungkutan.Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Sa pagkakatanda ko ay anim na taon ang pagitan namin. At 26 na ako ngayon.
"Ang aga mong nag asawa..." Bahagya akong tumawa kahit naiiyak pa din.Umiling iling ito.
"Wala po akong asawa." Humagolgol ito lalo at muling yumakap sa akin. Jusko, naalala ko dati,kasing edad ko siya noong pinagbuntis ko si Jared."Ssshhh..." Pagpapatahan ko dito. Alam ko Kung ano ang pinagdadaanan niya dahil minsan ko din iyung naranasan. Ang hirap maging single mother.
Dahil nasa harap ko naman si Brett ay nagkatinginan kami. I saw a concerned in his eyes.
"Sshhh..tama na, may anak na din ako. Anim na taon na siya, lalaki." Pag aalo ko dito upang hindi ito mahiya sa akin. Dati kasi ay nangangaral ako sa kanila ni Boyet na magtatapos kaming tatlo. Natapos nga ako pero nauna nga yung tropeyo at si Jared iyun.
Pinaharap ko siya sa akin upang ipakita na hindi ako galit dito. May kanya kanya kaming rason at hindi ko naman alam ang pinagdaanan niya. Ngunit isa lang ang sigurado ako, nahihirapan ito.
"Hindi ako nakapag tapos,ate..naghiwalay si nanay at tatay, napabayaan kami dahil nagluluksa siya. Nagrebelde ako at nabuntis nga ng maaga, itinakwil niya ako ate. Nang manganak ako ay bigla nalang din kaming iniwan ng boyfriend ko, si Boyet ang sumagip sa akin ate. Working student siya at tinustusan niya kami ng baby ko. Three years old na siya ngayon,babae." Umiingos nyang paliwanag.
Inimwestra sa amin ni Brett ang pinakamalapit na bench doon sa labas ng ICU.
"Nang maghiwalay si nanay at si tatay ay hinanap ka namin ate. Ang sabi sa amin ni tiya Tamil ay nasa maynila ka, ngunit ang laki ng maynila ate kaya hindi ka namin nahanap dahil wala naman kaming pera. Hinanap ka namin ni ate Jennie sa Facebook pero mga kapangalan mo lang." Dahil wala naman akong Facebook account, I'm busy working for my son. Sana pala ay gumawa ako upang nahanap nila ako.
"Akala namin hindi kana namin makikita, ate. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang may naghahanap sa amin at alam kung nasaan ka at siya nga iyun." Turo niya Kay Brett.
Napalingon ako sa kinatatayuan ni Brett, bahagya lang itong ngumiti.
"May cancer si nanay,ate. At kamakailan lang namin nalaman na stage four na pala ito. Ovarian cyst na naging cancerous dahil hindi nagamot kahit kailan. Kaya pala madalas sumasakit ang tiyan niya dati."
Nangilabot ako sa narinig, kamakailan lang din akong nagpa opera dahil sa ovarian cyst. Mabuti nalang pala at magpacheck up ako ng mas maaga.
"Nasa school pa si Boyet ate, graduating na siya next year sa kursong engineering. Hindi narin ako umaasa sa kanya dahil alam kong marami siyang bayarin. Dealer ako ngayon ng Avon, Natasha at MSE. Kahit papaano ay nakakaraos naman at nakakatulong din ako kay Boyet."
Humanga ako sa katatagan ng mga kapatid ko, sinandalan nila ang isa't isa.
"Ang baby mo?" Tanong ko dito.
"Nandoon kay tiya Tamil,may anak narin kasi si Jennie kaya naiiwan ko sandali, nalilibang kasi siya sa dalawang bata... Naku ate excited na iyung makita ka,matanda na si tiya Tamil." Parang hinaplos naman yung puso ko ng maalala ang tanging tiyahin kong naniwala sa akin at tinuring akong parang sa kanya na rin.
May nurse na lumapit sa aking kapatid at may ibinigay na resita ng gamot. Habang kausap siya ng nurse ay napagmasdan ko si nanay na walang malay na nakahiga sa hospital bed at may mga tubong nakasaksak. Gusto kong maawa sa kanya pero ang tigas ng puso ko para umiyak dito.
Naramdaman ko ang paghaplos ng palad ni Brett sa likod ko. Unti unti ay para na akong maiiyak sa ginawa niya.
"Let go Anne, she is already suffering..." Halos bulong nitong sabi.
Let go...oo yun ang kailangan ko upang magtiwala uli. Nagdusa din siya ngayon,hindi ko hiniling na magkaganito siya. Ang gusto ko lang naman ay e acknowledge niya rin ako bilang anak niya na kahit isang beses ay hindi ko narinig. Hindi ko hiniling na magkandalecheleche ang buhay niya para lang makabawi sa ego ko kunde ang tawagin lang niya akong anak. Pagkakamali man ako ngunit hindi ko kasalanan yun.
"Hinanap ka niya, ate." Malungkot itong ngumiti na nakatingin din Kay nanay. Biglang kumibot ang puso nang sabihin niyang hinanap ako ni nanay.
"Talaga?" Naluluha Kong sabi.
Tumango ito. "Bago pa siya namin nadala dito ay nabanggit ka niya."
Hinanap niya ako, anong ibig niyang sabihin?
"Kailan yun?" Kinakabahan kong tanong.
"Dalawang linggo na ang lumipas ate, nang malaman na namin ang karamdaman niya ay hindi na siya nagising pa. Tinaningan na siya ngayon doctor, kalat na kasi ang kanser sa katawan niya."
Nanlumo ako, kung kailan ay hinanap niya ako saka pa naman magiging huli sa amin ang lahat. Parang gusto kong magsisi sa mga panahong namumuhi ako dito, sana pala ay umuwi ako at nagbakasakali uli, siguro matagal na naming napatawad ang isa't Isa. Ngunit ng mga panahong iyun ay natakot din ako na mas lalo niya akong itakwil dahil isa akong disgrasyada.
"Ate, lapitan mo siya...kahit anong sama pa niya sa atin ay nanay parin natin siya. Siya parin ang nagluwal sa atin. At hindi madali ang magbuntis ng siyam na buwan, alam mo yan."
Tumitig ako sa mga nakikiusap nitong mga mata at lumingon Kay Brett sa aking gilid.
"Before it's too late, forgive her."
Mahina nitong sabi bago ako hinalikan sa noo.❤6.24.17
BINABASA MO ANG
Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]
General FictionSister's by heart series #4 Sabi nga nila kapag may nararamdaman ka pa sa taong nanakit sayo ay bitter ang tawag sa mga pambabara mo. Anong magagawa ni Anne kung minsan na nga lang siyang magtiwala at magmahal ay mabukya pa. Ang masakit noon ay iniw...