I didn't get the chance to talk to him again. Sinadya niya talagang kinakausap palage ang anak ko upang hindi ako makakuha ng pagkakataon upang sumbatan na naman ito.Ni test drive nila ang kotse at nagmukha akong yaya nila na taga sunod. Pinagdrive din nila ako to test Kung marunong ba daw talaga ako,ang walangya.
"Ipapahatid nalang natin yang kotse niyo, sa kotse ko kayo sasabay." Maawtoridad nitong sabi at hindi ako binigyan ng pagkakataong magsalita.
Your getting into my nerves Walters!!
Dahil lunch naman ay dinala niya kami sa isang seafood restaurant. Napapanis na ang laway ko dahil kanina pa ako hindi makasabay sa chikahan ng mag ama, naiinis na talaga ako.
Kaya sa pag order ng pagkain ay hindi ko rin siya pinagbigyang makapag order.
"Lemon pepper salmon, sesame seared tuna and Thai crispy shrimp...that's for him, buttery tanigue for Jared and Grilled fish steak for me...fresh watermelon for drinks... thank you."
Agaw ko agad sa waiter na lumapit sa amin. Sinadya ko talaga ang mga putaheng ganoon dahil may ayaw siya sa nakalagay ng bawat pagkain.
Ayaw niya ng pepper, may allergy ito. Ayaw niya sa lasa ng sesame. At ayaw niya sa mga crispy dahil masakit daw sa panga.
Napanganga itong nakatingin sa akin.
"Anne..." Nag alala nitong sabi.Tinaasan mo siya ng kila at umiwas ng tingin dito.
"Thanks mama... Sana kasing sarap yun ng luto mo." Mahina nitong sabi. Paborito niya kasi ang buttery tanigue kapag isda ang ulam.
"Oh I'm sure mas masarap ang luto ko no."
Sagot ko naman dito. Naghagikhikan kaming dalawa.Napansin Kong tumayo si Brett at pumunta doon sa may counter at may sinabi doon.
Nang makabalik na ito ay nakangisi na. Ano na naman kaya ang ginawa nito.
"Mama,halika..." Hinatak ako ni Jared at dinala doon sa may aquarium na may iba't ibang klasi ng mga isda.
"Mama, ang ganda. Pwede ba ang ganito sa bahay?"
"Pwe-"
"Pwedeng pwede, gusto mo ngayon na?"
Singit ni Brett Kung kaya ay naputol ang sasabihin ko sana."Talaga Papa? Wow excited na ako."
Sa tuwa niya ay pumalakpak pa ito. Napailing nalang ako."Wait a minute may tatawagan lang ako." Sabi nito at dumistansya ng konte sa amin.
"Mama, ayaw mo ba Kay Papa? Mula kasi nang dumating si Papa sa atin hindi ka kailanman ngumiti sa kanya.Ayaw mo ba na kasama natin siya? Hindi Kita pipilitin Kung malungkot ka naman palage kapag nandito siya...mama masaya ako ng dumating si Papa pero Kung hindi kanaman masaya ay huwag nalang po, gusto ko yung masaya ka mama." Dahan dahan nitong sabi na halos pumiyok na.
Sumikip ang puso ko sa sinabi niya, napansin niya pala iyun. Buong akala ko ay naaliw na ito sa ama yun pala hindi ako naging maingat. I can see how he's hurt in his eyes at it cuts me deeply.
Naawa ako sa kanya at the same time nagagalit ako sa aking sarili. Bakit ba hindi ko mapigil ang muhi ko dito.
"Of course not anak, mas masaya ako Kung masaya ka. Wag mo nalang akong pansinin anak, may mga bagay pa kasing kailangan ayusin sa pagitan namin ng Papa mo na labas ka naman... Anak Kung masaya ka sa Papa mo masaya narin ako pero wag mo munang hilingin Kay mama na maging mabuti ako sa Papa mo,dahil hindi ko pa maibibigay yun. Kasi nasaktan si mama noon e. Sana anak naintindihan mo....hindi Kita pipigilan na makasama ang Papa mo pero anak wag mo sana akong iwan pagdating ng pnahon." Mahaba Kong paliwanag dito.
"Hindi Kita iiwan mama, hindi Kita ipagpapalit kahit kanino...kahit Kay Papa,panagko yan."
Tuluyan na itong lumuha kaya niyakap ko na. Hindi ko rin mapigilan ang maluha sa sagot niya.Hinimas himas ko ang likod niya upang kumalma naman.
"Sshhh,Tama na. Hindi tayo maghihiwalay kahit anong anong mangyari." Pag a assure ko sa kanya.
I saw a pair of shoes infont of me kaya napatingala ako sa may ari nito. At si Brett pala, mapupungay ang kanyang mga mata at mukhang gustong magtanong.
"What happened?" He mouthed.
Umiling ako para wala ng paliwanagan pa at kumalas Kay Jared upang palisin ang mga luha niya.
"The food is ready,let's go?" Pinasiglang boses nito upang makuha ang atensyon ng anak.
Nagkatinginan kami ni Jared at tumango ako sa kanya upang sabihing okay na kami.
We had a wonderful lunch together, ang damuhong Brett ay sinabutahe ang order ko para sa kanya. Ang lemon pepper salmon ay walang pepper,nagawan talaga ng paraan ha. Ang sesame seared tuna ay walang sesame, Thai crispy shrimp lang ang tama. Kaya tiningnan ko siya ng matalim at nginisihan lang ako.
Nakikita Kong masaya talaga si Jared na kasama siya,ang sama ko talaga upang hadlangan iyun pero at least ako parin ang pipiliin niya at napanatag ako doon.
Hindi pa kami umuwi matapos maglunch pumunta kaming pet shop at namili doon ng mga isdang gusto ni Jared.
"Wala naman tayong aquarium ah, saan mo ilalagay yan? Sa tub?" Natatawa Kong tanong dito.
"No worries, nag order na ako at nandoon na ito sa building niyo." Pagmamayabang nito.
"Talaga Papa? Malaki ba?"
Nagniningning ang mga mata nito sa galak."Three feet wide, maliit muna baka kasi pagbinigla natin ay hindi pala natin kayang alagaan diba. But if you want big, I can call my friend and replace it. What do you think?"
He said."It's okay Papa, that would fine."
Nakangiting nitong sabi.He is really trying for Jared. Natutuwa naman ako, at least nag effort talaga siya. Bumawi talaga ng bongga. Siguro hindi ko siya pipigilan sa ano man ang gusto niya para sa anak niya, after all obligasyon niya ang provide Kay Jared ang mga kailangan nito,basta ba hindi ako hihingi kundi hayaan siyang kusa nitong ibigay sa anak namin Kung anoman ang gusto nito. Wag lang magsalita ng hindi ka nais nais ng nanay niya kundi makikita niya Kung sino ang kinakanti niya.
Nanahimik lang ako dati dahil totoo naman talagang wala akong panama sa pamilya nila, even now pero wala silang karapatan upang tapakan ako dahil ni katiting ay wala silang alam sa pinagdadaanan ko.
"Mama,saan po ba natin ilalagay ang aquarium?" Tanong niya ng nakaskay na kami ng elevator patungo sa palapag namin.
Napa isip ako, oo nga saan namin ilulugar ito.
"Ahm titingnan natin." Yun nalang ang sagot ko.
Sa dami na ng gamit doon ay wala na akong maisip na paglagyan ng aquarium. Hindi na kasi kinuha ni Toni ang mga gamit niya sa condo Kaya ng lumipat kami doon ay nagpang abot ang mga gamit namin.Daladala naman ni Brett ang balde na may laman na iba't ibang klasi ng mga isda.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami Kaya ay lumabas na kami.
Nakita ko ang aquarium s labas ng pintuan. May mga accessories narin ito.
"Wow aquarium set!" Jared exclaimed.
Dumeritso ako sa loob ng condo upang maghanap ng lugar para sa aquarium,ngunit wala talagang mapaglagyan. Hindi rin naman kasi kalakihan itong condo ni Toni.
"I can put this into my place, mukhang wala na yatang space." Brett intrude.
"E hindi na maaalagaan yan ni Jared." Sagot ko naman dito.
"Of course not. I'm just in the next door..."
"Ano?"
"I told you,bumukod na ako... sa pinakamalapit sa inyo..." And he winked before leaving me dumbfounded.
❤6.11.7
BINABASA MO ANG
Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]
General FictionSister's by heart series #4 Sabi nga nila kapag may nararamdaman ka pa sa taong nanakit sayo ay bitter ang tawag sa mga pambabara mo. Anong magagawa ni Anne kung minsan na nga lang siyang magtiwala at magmahal ay mabukya pa. Ang masakit noon ay iniw...