chapter 24

33.7K 954 26
                                    


"Our stay in London revolves only on her therapies and medication. Lahat ginawa namin just to save her. Pero hindi na kinayanan ng katawan niya ang mga medisina at life support. She gave in..." He continued.

I feel really sorry for Carrie, all this time namuhi ako sa kanya dahil feeling ko kinuha niya sa akin si Brett. Ang assuming ko naman kasi, ni hindi nga kami pero kung masaktan ako ay wagas.

I'm sorry Carrie kung napag isipan Kita ng masama.

"We don't live as husband and wife there,but as friends. We don't share a room, Isa yun sa una kong nilinaw sa kanya. I didn't marry her for love, I just wanna help her.-"

"Tama na..." I stop him. Ano man ang namagitan sa kanila ni Carrie ay sa kanila na yun. I don't need every single details, tama na sa akin ang mga rason niya. Respeto na rin sa alala ni Carrie, may she rest in peace.

"But Anne-"

"Respeto naman Kay Carrie, Brett."

"But I want you to understand-"

"I understand Brett, I really do."
Pilit ko sa kanya. Alam ko ang feeling na hindi ka matanggap kaya ayokong e elaborate niya iyon, naaawa ako kay Carrie, masakit yun. Yung pinamukha talaga sayo na hindi ka nila kayang mahalin kahit ginawa mo naman lahat.

I've been through it, and its really hurts like hell that until now I'm carrying it inside me.

"Anne..." He is begging. I can see how down he is ng pahintuin ko siya, but that is not how he thinks it is.

"Brett, let's call it a night. I wanna rest."
Tumayo na ako dahilan upang mabitawan niya ang kamay ko,ngunit hinabol niya ako at niyakap mula sa likod.

Napapikit ako,parang hinaplos ng mainit na palad ang aking puso​. I really miss this man. Ang bilis ng pintig ng puso ko. All I wanted is to answer his love but something is holding me back. Parang ang hirap ng magtiwala. Natatakot akong kung kailan bibigay na ako ay may mangyari na naman at mauuwi na naman ang lahat sa sakitan.

Nakakatakot na.

"I love you, please believe me. I'm sorry for leaving you, that won't happened again. I swear!" His chin rested in my shoulder. Naramdaman kong nababasa na yung roba ko, so I assume that his crying.

Hinawakan ko ang kanyang braso na nakapalibot sa akin at niluwagan iyun upang makaikot ako at maharap siya.

He really cries at sumikip yung puso ko seeing those tears. Hinawakan ko ang kanyang mukha sa dalawa kong palad at pinagtagpo ang aming mga noo.

Napapikit uli ako.

"I believe you, and thank you telling me. Just give me time Brett. Nasaktan kasi ako...sobra."
Pumiyok yung boses ko dahil naiyak na ako. Gustong gusto ko nang sabihin sa kanya ngunit natatakot ako ang bukas pag gising ko wala na naman siya sa amin, Kaya kailangan ko ng panahon para magtiwala uli.

"Maghihintay ulit ako Anne, kahit gaano pa yan katagal. Nandito lang ako, ano man ang mangyari hindi na kita iiwan pa." Pinunasan niya ang mga luha ko at niyakap ng mahigpit.

I hug him back, gusto kong iparating sa kanya
na aasahan ko yun.

We stayed like that for minute before pulling off. Hinatid niya ako sa kwarto at pinahiga.

"Magpahinga kana, I'm just outside. Don't hesitate call me if you need something...okay?"
He kiss my forehead before standing.

"Matulog kana rin, ilang gabi ka ng puyat."
Sabi ko dito.

"I reserved my whole day to you tomorrow Kaya may tatapusin lang ako." Giit nito.

"Tutulungan kita bukas pagkakatapos ng check up. Kaya matulog kana." Giit ko din.

"Anne... Just sleep, I can handle this."

"Brett, kung gusto mong kausapin pa kita bukas ay mas mabuting matulog kana..." Pagbabanta ko dito. Nakita Kong nagulat ito.

"Ahm...yeah, sabi ko nga e matutulog na ako...ahm, okay. Goodnight." Napakamot ito sa kanyang batok.

Tumalikod ako dito dahil hindi mapigilan ang ngiti ko. I heard the door closed and his footsteps away.

Ang gaan ng gising ko, super light. Yun bang wala na yung kinikimkim mo sa mahabang panahon. Wala na yung nabibigat na bagay na wala namang katuturan. I wake up early than the usual. Naligo at nagluto ako ng breakfast namin. The whole place looks so light, imagination ko lang pala ang madilim at masikip naming bahay. Every little things ay naaapreciate ko. Ganito ang nagawa ng pag uusap namin ni Brett kagabi.

Pinatugtug ko yung DVD player sa mas jolly na mga kanta. Kaya nagising si Jared.

"Good morning baby!" Masigla kong bati ito.

"Good morning mama," pupungaspungas pa ito, siguro inaantok. "Mama slow it down, baka magising si Papa."

Napahinto ako sa paglalakad palapit sa kanya upang halikan sa sinabi niya.

"Bakit,saan natutulog ang Papa mo?" Gulat kong sabi.

"His in my room...and he is sleeping soundly."
Nakangiting sabi ni Jared.

"Oh."

Dahan dahan Kong binuksan ang pinto ng silid ni Jared only to found Brett sleeping and snoring. Natawa ako, naghihilik pala ang isang Walters. Nakadapa ito, naka sando at pajama.Buti nalang at malaki ang kama ni Jared Kaya nagkasya sila.Pagod na pagod siguro ito,ilang gabi ba naman itong puyat.

Hininaan ko ang volume ng DVD player at pinagpatuloy ko ang pagluluto. Matatawa parin talaga ako sa ideyang naghihilik ito sa pagtulog.

"Mama, can I use bathroom? Baka kasi maisturbo si Papa sa pagligo ko." Sabi nito pagkatapos niyang ubusin ang kanyang gatas.

"Of course, I'll get your clothes in your room."
I carefully entered Jared's​ room so that I won't disturb him.

Kumuha ako ng unipormi, underwear,medyas at sapatos. Ngunit hindi ko sadyang mabitawan ang sapatos nito dahilan upang mag ingay.

"Oops!" I held my breath, baka magising ito.

Gumalaw ito at tumihaya.

Ay salamat at hindi nagising. Dahan dahan Kong Pinilot ang sapatos at lumabas .

I prepare Jared hanggang sa naging ready na ito for school but still his father is sleeping. I decided to send Jared to school Kaya nagbihis na ako. Kaya ko naman,hindi na kasi masyadong masakit.

Pagkabalik Kong condo ay tulog parin ito, naku kailangan ko na siyang gisingin kasi may check up pa ako.

"Brett!... Brett gising! It's nine already." Pukaw ko sa kanya.

"Hmmm..." Umungol lang ito.

Hahayaan ko nalang muna ito. Ako nalang siguro ang pupunta.

"Ahm. Ako nalang yung pupunta sa check up, magpahinga ka nalang muna." Sabi ko, as if naririnig ako nito.

"I'm awake!..I'm awake!..I'm sorry..."
Napabalikwas ito ng bangon. Nagulat naman ako sa pagkataranta niya.












❤6.21.17

Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon