chapter 20

34.8K 903 11
                                    


Hindi ako nakatulog ng maayos ng gabing iyun.  Ugh, it keeps on recalling in my mind. The kiss.

Ever since we don't shared​ a kiss,not until the night I passed out and initiated the motive. Tanga lang.

Ginawa ko ang lahat makatulog lang kasi may trabaho pa ako bukas. Ang bigat tuloy ng mga talukap ko kinabukasan.

"Mama, Papa will send me to school. Is that okay?" Jared said while preparing his bag for school, he is all clothed and his papa help him kasi tulog pa ako.

Si Brett ang maghahatid? E ako? Nawawalan na yata ako ng obligasyon sa anak ko.

"Oh...yeah." nasabi ko nalang. Kung sabagay ay ngayon lang naman siya nagkaroon ng pagkakataon sa anak niya, hindi nalang ako kokuntra basta ba hindi niya ilalayo sa akin si Jared.

"Thanks ma." Humalik ito sa akin sa labi at yumakap.

O Jesus, nag flashback na naman sa akin yung ginawang nakaw na halik ni  Brett kagabi.

Sinundo siya ni Brett sa unit namin. Panay ang titig nito sa akin ngunit hindi ko masalubong ang mga titig na iyun.

"Ako ang susundo sa kanya mamaya..." Sabi ko dito.

"We can both do it." Agap niya.

"No, ako ang susundo sa kanya mamaya. You can see him after your​ work, magkapitbahay lang naman tayo. Masyado na kaming abala sayo." I Know it's not the right term pero hindi ko na iyun mabawi pa.

"Hindi kayo kailanman abala sa akin,Anne. Kahit buong araw pa ninyo akong kasama, you were never a bother." Giit nito. I can see that he is sincere.

"Okay fine...I didn't mean it. What I'm trying to say was....inaalisan mo na kasi ako ng panahon para sa anak ko." Mahina Kong sabi dito.

Pumasok kasi sandali si Jared upang Kunin ang naiwan  niyang project sa kanyang silid.

I saw him shocked.

"I...I'm sorry Anne, I didn't mean to do it. I'm sorry."
He looked down."okay, ikaw ang susundo sa kanya mamaya...I'm sorry talaga Anne,hindi ko sinasadya. Na e-excite lang kasi ako na may Jared pala ako..." Sinserong sabi nito.

Tumango ako at naintindihan ko siya pero sana din ay hindi ako mawala sa isip niya na kailangan ko din ang anak ko.

"What if we set schedule?​ para naman hindi tayo mag uunahan sa kanya." I said.

"What do you mean?" His confused face locked​ on me.

"There are days that you can have him and I'll have my days too. What do you think?" I asked.

Nangunot ang kanyang noo.
"Okay lang ba yun sayo?" He asked confusedly.

"Of course, para naman hindi na nagtatanong si Jared."

We settle for this set up.

Monday to Wednesday sa akin si Jared,
Thursday to Saturday sa kanya naman and in the Sunday we can have him both, ibig sabihin ay sa aming tatlo ang araw na iyun which I doubted. That will be effective today Kung papayagan ni Jared. But Brett still send him to school today kasi naka oo na ako.

Sinabi namin Kay Jared ang napagkasunduan at sumang ayon naman siya dito. Buti at naintindihan nito ang sitwasyon naming tatlo, siguro wala pa sa isip niya ang magtanong kasi hindi pa ito nakakaovercome sa ideyang may tatay siya. Ngunit paano Kung magtanong na ito? Ano ba dapat ang alibi namin upang hindi ito masaktan?

First day na wala ito sa akin, I feel empty. I long for my son kahit nasa kabilang pintuan lang siya. Kailan ba ako masasanay sa ganitong set up. Every​ morning I prepare breakfast for them at dinadala ko ito sa bahay ni Brett. At madalas ay naabutan ko din ito sa kusina naghahanda. Hindi ko alam Kung bakit pero wala itong maid. Kaya ang resulta ay sabay parin kaming mag breakfast.

Half of Jared's things ay nasa bahay na niya at ang dami din niyang mga bago. From toys na hindi pa naman nabubuksan mula sa boxes,sa damit, sapatos at mga guys stuff. Nalulula na ako sa luhong ibinibigay ni Brett sa anak namin, ayaw Kong masanay ito. Paano Kung mag Asawa ito muli? At magka anak sila? Hindi ko Kaya ang ganitong buhay para sa kanya although lahat ginagawa ko ang lahat umunlad lamang.

Naging matiwasay naman ang pamumuhay namin. Nasasanay narin ako sa set up namin. Dalawang buwan ba naman ang lumipas.

Habang umiinom ako ng herbal tea ay naririnig ko sa kabilang linya si Jared na ang saya. Dinala kasi siya ni Brett sa amusement park kasama si Amanda.

Oo, nakilala na ni Amanda ang anak ko. Last month ay sumali kami sa family day nila sa school at sobrang enjoy ni Jared. Ipinagmamalaki niya talaga ang Papa niya sa kanyang mga teachers at classmates. Lahat ng laro ay sinalihan namin at kalahati sa mga iyun ay naipanalo namin. Sobrang saya niya.

That day ay nagpakita si Amanda sa school at humingi ng tawad sa akin, hindi ako kumibo ngunit alam ko sa sarili ko na napatawad ko na siya. Side niya iyun Kaya wala akong magagawa Kung iyun ang tingin niya sa akin. Ang importante lang naman sa akin ay tratuhin nila ng maayos ang anak ko at hindi kami magkakaproblema. Kaya simula noon ay naging madalas na si Amanda sa bahay ni Brett lalo na sa araw ni Jared sa kanyang ama. So far, so good naman. Naaliw siya sa pamangkin niya dahil ang talino raw, proud nanay naman ako.

Hindi ako sumama sa kanila ngayon dahil nagpa appointment ako sa doctor for my stomach. Ngayon ko lang kasi naalala uli na dapat pala akong magpacheck up. Simula kasi noong sumasakit palage tiyan ko at wala akong pagkakataon na magpacheck up ay umiinom ako ng mga herbal supplements. It's either tea or juice at capsule narin para iwas sa mga sakit. So far ay hindi na ako dinadalaw ng stomach ache ko kaso gusto ko paring maka siguro. I wanna be healthy para sa anak ko.

"Mama, Sana nandito ka."
May lungkot nitong sabi.

"May pupuntahan kasi si mama diba?"
Hindi ko sinabi sa kanila Kung saan ako pupunta kahit panay ang kulit nilang mag ama sa akin. Hindi mo kasi pwedeng e kansela iyun at baka wala na naman akong pagkakataon. It's Saturday and it's still Brett's time for our son. Hindi ko naman kasi alam na pupunta silang amusement park.

"Saan ka ba kasi pupunta?" He insisted.

"Ay naku, sige na...mag enjoy na kayo diyan, andyan naman yung Tita Amanda mo diba."

"Iba pa rin kasi kapag ikaw mismo mama....I love you mama, ingat ka po." Sabi nito.

"I love you too baby...kayo din, ingat...bye."

Pagkatapos ko sa tawag ay inubos ko ang aking tea at umalis na para sa aking appointment.










❤6.15.17

Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon