chapter 8

34K 1K 23
                                    

Hindi ako mapakali habang hinahatid ko si Jared sa eskwelahan niya, feeling ko anytime ay susugurin ako ni Brett or am I being paranoid.

I knew Amanda as silent bitch way back then. Hindi man siya nagsasalita pero mapanghusga ang kanyang mga tingin, batchmate kami dati at dahil hinahatid siya minsan ni Brett ay doon ako nakita ni Brett na nagperform sa stage dahil nanood si Amanda sa play namin nang time na yun. Brett is four years ahead than us kaya hindi ko siya nakita sa school dati pero ang alam ko ay doon din ito nag aral.

Bawat bagay na ibinigay ni Brett noong nanliligaw pa ito sa akin ay ang taas ng kilay niya ngunit wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya, hindi naman niya ako sinusungitan pero hindi lang talaga ito kailanman nakipag usap sa akin, nasa Alta society kasi ito at ako ay isang kusing lang sa mga tulad nila.

"Kung inakala mo na makukuha mo ang kuya ko sa pagpapakipot mo well let me tell you, he is now flying to London to marry Carie. Masyado ka kasing pa hard to get, nagsawa na si kuya sa drama mo. Nachachallenge lang naman talaga siya  e, assuming kana man. No one rejected him, no one ignores him...And the gifts? Keep it,remembrance." Sabi nito sabay talikod.

Ito ang huli kong narinig ko sa kanya nang araw na iniwan ako ni Brett ng walang pasabi. At hindi lang yun ang natanggap ko mula sa kanila, her mother insulted me and accused me for being a gold digger. Na hindi ang tulad ko ang karapat dapat sa anak niya at sa pamilya nila.

My heart died that day, hindi sa mga insulto ng pamilya niya kundi sa pang iiwan niya sa akin sa eri. Para saan ba ang kalahating taong panliligaw niya sa akin kung magpapakasal lang din sya sa kaibigan niyang si Carie. Pinaasa lang ba niya ako? Para saan? Para saktan? Bakit? Anong nagawa kong mali sa kanya?

Pinaglalaruan lang ba niya ako? Pagkatapos niyang makuha ang pinakaiingtan ko ng walang kahiraphirap? At walang commitment?

Gago siya, at ang tanga ko naman.

"Bye mama! I love you..."
Humalik sa akin si Jared sa labi at tumulak na ng paaralan.

Napabalik ako sa reyalidad. I'm thinking the bullshits again. I'm just ruining my day.

Hindi ko alam kung mag alala ba ako dahil nakita ni Amanda ang anak ko,sasabihin kaya niya sa kapatid niya? Hindi naman siguro ano? Kasi hindi naman nila ako gusto. Nag napuyat at nag alala lang ako sa wala.

I went to work bravely, yung kunting kaba kong nadama ay isinantabi ko. Papakiramdan ko muna ang araw na ito.

And when things went surprisingly tatapanagan ko nalang ang loob ko at harapin kung ano man ang ibabato sa akin.

That day ay kumuntak sa amin si Lian, and she told us the good news,buntis ito at si Rick ang ama. Naku, dapat ba kaming mamroblema? Magiging katulad ko kaya siya? Single mother?

Ahm mukhang hindi, pabalikbalik kasi dito si Rick at hinahanap siya. Kailangan lang nilang mag usap, I can see love and sincerity in his eyes,kawawang lalaki naiwan ng minamahal.

Sa totoo lang ang sarap magmahal, nakita ko yung sa aking mga kaibigan may mga asawa na ngayon, siguro nga ay hindi pareho lahat ng mga lalaki. Mula ng matagpuan ng mga kaibigan ko ang mga kabiyak nila sa buhay ay unti unting nawawala ang duda ko ibang mga lalaki, syempre lalaki din ang anak ko.

Masaya ako para sa kanila kasi masaya naman talaga sila, wag lang magkakamali ang mga lalaking yan na gagohin ang mga kaibigan ko't makikita nila kung paano ako magalit para sa mga kaibigan ko.

Sinimulan ko na ring ikwento sa kanila ang tungkol sa amin ni Brett dati habang nasa Skype si Lian para naman fair, no more secrets at all tutal malaki na si Jared.

"He is my suitor,way back." I said.

"Siya si flower boy?" Manghang tanong ni Toni. They call him 'flower boy' kasi naman ay qwalang palya ito kung magbigay ng bulaklak sa akin.

"Haba ng hair.'' Amber giggled.

I told them about how I get pregnant with Jared without any commitment to a guy.

"Remember I told you guys na may party akong pupuntahan? Birthday yun ni Mrs. Lorenzana ang stage director namin sa theater. Nalasing ako doon and I passed out. Tumawag pala si Brett at nasagot ng kasamahan ko at sinabing hindi ko na kayang umuwi mag isa  kaya to the rescue naman siya at sinundo niya ako. Dinala niya ako sa condo niya dahil hindi naman niya alam ang dorm ko, I never allowed him to intrude my privacy. Sa school lang talaga kami nagkikita at sa mga kalapit na kainan kami kumakain kapag nanlilibre siya." Huminto ako sandali para huminga, ang mga to ang si-seryoso.

"O tapos? Doon ka nadali sa condo niya?" Amber exclaimed.

"Ang halay mo!!" Sinapak ko siya sa hita.

"Ouch!!"

"Pero oo, dahil sa kalasingan ko ay nawala ako sa aking sarili at nangyari nga ang hindi dapat. He is really sorry dahil hindi daw siya nakapagpigil but as I remember I initiated."

"So mahal mo na siya nang mga panahong iyun? Hindi mo naman siguro isusuko yang Bataan mo kung hindi diba?" Toni asked.

Tumango ako. Tama siya, mahal ko na noon si Brett pero nasayang  lang ang lahat.

"Himalang hindi siya nagpakita ng dalawang araw but he texted me that he's busy and one time gusto niyang makipagkita sa akin sa Cronies cafe malapit sa school natin. Ngunit ang dumating ay ang kapatid niya at Nanay niya...minaliit, ininsulto at pinahiya nila ako. Sabi nila nagpakasal na daw ito sa babaeng mas deserving sa kanya,sa kanila. Mula noon wala na akong balita sa kanya,even a single text or call ay wala..then after a month ayun buntis pala ako...and the rest is history."
Napabuntong hiniga ako,that was dramatic.

" wala ba akong karapatan para ipagdamot si Jared ko? Meron diba? They dumped me, Jared don't deserve a family like them. His too good to be part of them." May din kong sabi.

Walang nagsalita sa kanila. Hindi ko rin alam kung ano ang iniisip nila. Basta ako hindi ko ipagpipilitan ang anak ko sa kanila.

My sons feelings is precious, saktan na nila ako,insultuhin at ipahiya wag lang ang anak ko.










❤6.1.17

Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon