Pinalilipat pala ni Brett sa pribadong ospital si nanay kaya ng araw na iyun ay lumipat kami. Tinawagan niya si Amanda upang ito ang sumundo kay Jared, baka matagalan kami. Pina asikaso agad ni Brett si nanay sa mga magagaling na doctor doon sa pagbabakasakaling may pag asa pa kami.Buong araw kong hinintay na dumilat si nanay pero nabibigo lang ako. Dumating si tiya Tamil at nagkakamustahan kami. Matanda na nga ito, huli kong nakita ay noong grumadwiyt ako sa grade six. Aside sa pagiging scholar ko noong high school ay may nag sponsor din sa akin kaya bumukod na ako sa kanila,mula noon ay namuhay akong mag isa.
"Naku, Anne ang swerte mo sa asawa mo! Ang bait at ang gwapo pa!! Amerikano ba yun? Naku ang gwapo sigurado ng anak niyo!" Kilig na kilig na sabi ni tiya Tamil, natatawang nakatingin naman sa amin si Brett. Nangamatis tuloy ang mukha ko sa sinabi niyang asawa ko si Brett.
Si Arra ay binilhan muna ang anak ng makakain sa kantina, nakilala ko na rin ang pamangkin kong ang ganda,si kattie. Arra katharina Tolentino.
Sasagot sana ako ng makarinig ako ng baritong boses mula sa likod.
"Ate!"
My heart skip a bit. I didn't expect na ganito na ang boses ni Boyet. So manly, malayong malayo sa sweetness nito dati. Bolivar Tolentino, he named after our grandfather.
Lumingon ako at natutuwa sa nakita ko. Binatang binata na ito. Tumakbo ito sa akin at yumakap ng napakahigpit.
"Bakit ngayon ka lang,ate?"
Umiingos nitong sabi, naku wala paring pinagbago iyakin parin ito."I'm sorry bunso, bitter kasi si ate e kaya ngayon lang ako nakabalik." Naluluha ko naring sabi dahil na miss ko talaga siya ng sobra.
Wala akong nakuhang sagot dito pero napakahigpit ng yakap niya na tila ba ayaw na niya akong pakawalan.
"Imbis kasi siya ang bunso ay para na siyang panganay sa responsibilidad na pinasan niya bigla." Biglang singit ni tiya Tamil na nasa gilid ko lang.
Oo nga naman,dati ay palage itong kinukunsinte dahil bunso. Pinagbibigyan lage kahit wala na sa amin ni Arra, ganoon din naman siya Kay nanay at sa tatay niya. At bigla nalang naging ama kay kattie na pamangkin niya at naging parang Padre de pamilya slash estudyante. Hindi na nga niya na enjoy ang kanyang pagkabinata. I doubted may girlfriend ito dahil sa kwento pa lang ni Arra ay napaka seryuso daw nito at diterminadong makapagtapos.
I'm so proud of him. Nakikita ko sa kanya ang dating ako, yung may gustong patunayan sa buhay.
"Ate, aalis ka pa ba?" Tanong niya ng humupa ang mga emosyon namin at ngayon ay nakaupo na.
"Kailangan eh. Naghihintay si Jared sa amin. Hindi pa naman sanay yun na malayo sa akin, pero huwag kang mag alala babalik ako bukas at dadalhin ko dito ang pamangkin mo!" Natutuwa Kong sabi sa kanya. I'm excited to introduced them my son, ginapang ko yun mag isa noh kaya proud din ako sa sarili ko.
"May pamangkin ako? Dalawa na pala sila ni kattie." He exclaimed. Sa turan niya ay nawala ang pagkabinata nito, para itong bumalik sa pagkabata dati na excited sa mga pasalubong ko sa kanya kahit kendi lang at mumurahing tsokolate na nabibili naman sa tindahan ni tiya Tamil.
"Oo, at kasing gwapo mo siya!" Pinindot ko ang ilong nito tulad ng dati kong tukso sa kanya.
Sa aming tatlo ay naiiba talaga ako, purong pinoy sila at ako naman ay may lahing banyaga. Pero kahit ganoon ay hindi sila nag atubili sa akin.
We went to a happy conversation with tiya Tamil, Arra, Boyet and kattie. Sumasabad naman minsan si Brett na nasa tabi ko lang. Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita ay kinulang kami sa oras dahil kailangan na naming bumyahe pabalik ng maynila dahil hapon na.
"Bukas pa natin malalaman ang results ng mga test sa nanay mo..." Sabi ni Brett nang papalapit na kami sa kanyang kotse.
Nahirapan ako sa pagpaalam sa kanila dahil halos hindi na nila ako gustong pakawalan,pero kailangan ako ng anak ko. Iniwan ko sa kanila ang number ko pati address ng condo namin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako. Umikot ito at pumasok sa driver's seat.
Nakamasid lang ako sa bawat galaw niya upang paandarin ang sasakyan. Napansin niya siguro ang pagmamasid ko kung kaya ay napalingon ito sa akin."What?...is something wrong?"
Nakakunot noong tanong niya.Umiling ako. "Nothing... I just wanna say thank you for everything. This is beyond of what I think you'll do for me.... Salamat talaga, sobra. Hindi mo alam kong gaano ako kasaya na makita yung pamilya ko." Hinawakan ko ang kamay niya na nasa manibela,hindi pa naman umaandar ang kotse kaya kinuha ko muna.
"Anything for you Anne. Simula ngayon wala akong gagawin na hindi mo ikakaligaya. Kahit ano,para sa inyo ni ng anak natin." Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan iyon.
Hindi ko na napigilan kaya niyakap ko siya.
'i love you so much.' I said in my mind. This is not the right time and the right place."I guess,this hug is enough for the mean time." He chuckled after we pulled away. Bahagya ko siyang hinampas sa braso, hindi naman malakas saway ko lang yun at muli siyang niyakap.
"Salamat talaga."
Gabi na ng marating namin ang condo at dumiritso na kami sa unit niya dahil nandoon daw si Jared at Amanda.
Excited akong ikwento sa anak ko ang nangyari nitong araw. Hindi rin mawala ang ngiti sa labi ko habang nasa elevator na kami. Bukas ay dadalhin ko ito sa amin at ipapakilala sa mga kapatid ko tutal ay Friday naman kaya pwede siyang lumiban sa klasi kasi hindi naman mga major subject kapag Friday. Ipagpapaalam ko nalang siya bukas.
Nauna na akong lumabas ng elevator at dumeritso sa unit ni Brett.
And to my surprise ay nahigit ko yung hininga ko sa nakita kong bisita ni Amanda at Jared.
"Yes, granny."
Hindi ko alam kung ano ang tanong ng babae pero ito yung narinig kong sagot ng anak ko. They are sitting in the couch while the foods are on the center table, pizza at mga chips. Jared is on his pajamas already when Amanda is still on her gorgeous look na akalain mong rarampa lage. And the old woman is on her glamour dress na para bang galing sa isang event.
Napalingon silang lahat sa pagbukas ko ng pinto. At pare pareho kaming natahimik.
That face! Hindi ko makakalimutan ang mukhang yan na nagmaliit at nag insulto sa akin dati.
My excitement turn into a damn huge anger.
"Mom?"
Hinawakan niya ako sa bewang at nilagay sa gilid niya na para bang poprotektahan niya ako isang di malamang panganib. Biglang nag iba ang ekspresyon niya, bigla ay para itong galit na tigre na handang makipagbuno sa kalaban.
"Oh,dear son!" Ayun dito sa pinakamaamong mukha.
Plastic.
❤6.25.17
Bukas pa sana kaso baka maging busy ako Sunday kasi, family time. And God's.
BINABASA MO ANG
Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]
General FictionSister's by heart series #4 Sabi nga nila kapag may nararamdaman ka pa sa taong nanakit sayo ay bitter ang tawag sa mga pambabara mo. Anong magagawa ni Anne kung minsan na nga lang siyang magtiwala at magmahal ay mabukya pa. Ang masakit noon ay iniw...