chapter 15

34.8K 994 21
                                    


"Tulog na siya Brett..."

I sigh, hindi parin maalis sa isip ko ang lungkot ng anak ko.

"What's​ with the sigh?" I heard him.

"Nalungkot kasi siya noong umalis kana."
Sabi ko dito.

"First thing in the morning I'll be on your doorstep​."

"It's okay, excited lang kasi siya sa ideyang may Papa siya. Masasanay din yan, ang importante nakilala ka na niya."
I lay on my bed while talking to him.

"I want to make it up to him...and to you... Don't you like the idea of giving him a complete family?"

Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya.
" Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan where in fact ikaw itong kasal sa iba."
I know I sounds bitter but it's the truth.

"I'm sorry Anne, if you only let me explain."

"No need, I'm not up to it."

I heard him sigh.

Sinuri ko ang pader na ginawa ko sa pagitan naming dalawa, matibay pa naman. Huwag sanang mabuwag sa mga araw na darating.

"Anne,give me chance. One last chance...for our son."

"Pangilabutan ka nga sa sinabi mo. Buti hindi ka minumulto ng Asawa mo." Kunot noo Kong sabi s kanya.

"That's the point, wala na si Carie. We can have the chance."

"Pwede ba, wag mo akong gawing option... Goodnight Mr.Walters."

"Wait!-" hindi ko na siya pinatapos at pinatay ko na ang tawag.

Hindi ako madaling nakatulog ng gabing iyun. Ang daming pumapasok sa isip ko na gusto Kong ialis. Hindi ako dapat mag isip Ng mga ganoon.

Pinilit Kong matulog upang hindi na mag isip pa ng mga Kung ano anong bagay. At salamat ay hindi ako nahirapang matulog.

"Mama,isasama natin si Papa sa pagbili ng kotse!" Excited na sabi ng ni Jared habang kumain kami ng breakfast. Napaka aga pa upang pumuntang car shop kaso dahil excited ito na magkaroon kami ng
kotse ay maaga itong nagising.

"Kung okay lang sa kanya bakit hindi."
Sagot ko dito.

Napangiti ito.
"Bakit wala pa siya mama? Sabi niya pupunta siya dito." Naka pout niyang sabi.

"Anak, maaga pa naman. Malay mo natutulog pa yung Papa mo. Hintayin nalang natin."
I finished my food early because of my stomach crumps. Kailangan ko na talagang magpachecked up, dahil kailangan Kong maging healthy para Kay Jared. Baka magkaroon ng rason si Brett upang ilayo ito sa akin dahil sa Kung ano itong dinaramdam ko.

I heard the door bell ring.

"Baka si Papa na yan. Ako na po ang magbubukas mama!!'' excited nitong sabi at bumaba na ng upuan niya kahit hindi pa ito tapos kumain.

"Dahan dahan!" Taranta Kong sabi ng muntik na itong madapa sa pagmamadali. Ngumisi lang ito at nagtuloy na sa pinto.

I heard the door click, it means it open.

"Papa!!" Dinig Kong impit ng anak ko.

Napailing nalang ako. Niligpit ko ang pinagkainan ko at iniwan ang hindi pa natatapos na pagkain ni Jared.

"Good morning..."

It's him. I didn't turn around.

"I bought breakfast!" Pinasigla nito ang boses.

"I can cook Brett...if you want sabayan mo nalang si Jared,hindi pa kasi yan tapos kumain." Hindi parin ako lumingon dito.

"Did you eat already?"

"Tapos na." Narinig Kong nag ingay kunti ang pingga, siguro kumain na uli si Jared.

Kinuha ko ang buscopan at ininom ito.

"Why are you taking med?"

Napalingon ako dito at napalunok.

"Nothing."

Kumuha ako ng plato upang makakain din ito.

"Are you on maintenance?"
He curiously asked.

"Of course not!" Pinandilatan ko ito upang itago ang kaba.

Lumapit ito sa akin at inagaw ang pakiti ng gamot na ininom ko. At wala akong nagawa sa bilis ng kamay niya.

"Buscopan? Masakit pa rin ang tiyan mo?"
Nakakunot ang noo nito."Kahapon pa yan ah...you go on check up." Nag alala na ang boses niya.

"Nah, I'm fine. Simpling sakit ng tiyan lang ito...paranoid masyado." sabi ko at hinablot ang pakiti ng gamot at tinapon sa basurahan.

Lumayo ako sa kanya and head to my room.
"Bihis lang ako sweetie, I'll at my room."
At dumeritso na ako sa silid ko ng hindi lumilingon sa kanya.

And when I close my door napabuga ako ng hangin, I didn't know that I'm holding my breath until get inside. Ito na naman, a familiar feeling that I really trying to ignore since I meet him again. No! This is not right, really.

Nakaligo na naman ako kanina kaya nagbihis nalang ako ng damit. I'm on my usual shirt and jeans,I'm not really into dress lalo na noong naging Ina ako. I never bother how to look fashionable, my priority is only my son.

Powder at lipstick lang solve na ako, hindi rin naman ako mahilig mag make up. Dati sa play ay may sarili talaga akong make up artist dahil nagkakandarapa talaga akong ayusin ang mukha ko kaya kumuha nalang yung teacher namin Ng sarili Kong make up artist upang mapadali ako dahil ako palage ang lead cast. Pati sa mga costume ay nahihirapan ako madalas, ang forte ko lang talaga ay ang pag acting which is hindi ko na alam Kong marunong pa ba ako nito dahil sa biglang nag iba yung galaw ng mundo ko ng dumating si Jared sa akin. Naging career woman at single mother. Sabi nga ng mga ko ay naging ibang tao ako.

Dati ay kaibigan ako ng lahat, at doon ako sobrang sumaya lalo na ng minahal nila ang pag arte ko sa teyatro kaya ginalingan ko sa larangang iyun. Uhaw ako sa pagmamahal at suporta mula sa pamilya ko at ito ay natagpuan ko sa ibang tao lalo na sa mga kaibigan ko. Ngunit nagbago ang lahat mula ng mabuntis at naging dalagang Ina. Naging seryuso at fucos ako sa sa trabaho at pagiging nanay sa anak ko. Ibinuhos ko lahat ng atensyon at pagmamahal sa kanya dahil ayokong tumulad sa pamilya Kong hindi ako kinilala. Well except kina tiya Tamil, sila lang ang kumilala at tumanggap sa akin ng walang pag aalinlangan.

Sinipat ko ang sarili ko sa human size mirror at nakuntento na. I always look simple kahit pa sinasabi ng karamihan dati na sumabay ako sa mga uso ngunit mas pinili ko ang pagiging simply, tamad lang siguro akong mag ayos.hihi

"Mama,ready na rin ako. Papa help get up." Sigaw nito mula sa labas ng aking silid.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi na naman ito nagpapatulong kapag nagbibihis ah.

Naku nagpapasikat yata sa ama.

"Okay, ready narin ako." Sigaw ko pabalik.

Nang mabuksan ko ang pinto ng aking silid ay muntik pa akong ma heart attack sa bumungad sa akin. Nakatayo kasi sila pareho sa doorstep ko at hindi ko yun inasahan, at ang damit nila ay magkapareho.

Bumili ito ng pares ng damit?

And the other one that surprise me ay magkakulay kaming tatlo ng damit.

Ano 'to? Family day?

"Let's go?"

Napakurap ako. "Te..ka bi..his lang..ako."
Nauutal Kung sabi.

"Wag na para terno tayong tatlo."
At bigla ay hinila ako ni Brett palabas. I also heard my son laugh.

Kinakanchawan ako.









❤6.9.17
Pasensya na yan lang muna, busy kasi si akitch.

Unreviewed pa talaga, spare my mistakes nalang mga baby ko.😊😇✌✌

Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon