chapter 5

36.1K 1K 23
                                    


Sumasakit ang ulo ko sa daming bills na sabay sabay ang due dahil nakaligtaan kong bayaran noong nakaraang linggo. I'm not like this, palagi akong advance o on time sa mga bayarin ko at ngayon nga ay nakalimutan ko dahil sa pandidistruct ng Brett na yun.

Educational plan.
Tuition.
Insurance.
Water bill
Electric bill
SSS
Philheath namin ni Jared
At ang Pag ibig Fund.

Pinagbayad ko na nga ang aking secretary sa ibang bayarin. Buti nga at nabawasan ito ng isang monthly na salary,yun ay sa yaya ni Jared. Nagresigned na kasi ito. Tuloy ay multi tasking ako sa bahay.

Mag isa lang akong nagpalaki Kay Jared kaya kailangan ihanda ko lahat. Paano kong magkasakit ako? O worse mawala ako?At least I prepare everything para hindi siya maghirap.

Lahat ng pwede kong e ipon para sa kanya ay ginagawa ko. I'm planning of loaning a car pero hindi kaya ng budget ko kaya tiis muna sa taxi at jeep minsan.

Nakakapagod man minsan maging single parin, wala na nga akong time para sa aking sarili pero wala ng sasaya pa sa ngiti at yakap mula sa iyung anak.

Its been two weeks since I send him the letter, pero hindi parin ito nag feedback. Pinapahirapan talaga ako ng lokong yun.

Hinati ko ang mga bayarin ko, may iba naman kasi na bukas pa ang due date kaya bukas nalang siguro.

Before I left the ofice I glance Jared's portrait, malaki na talaga ito. Ito yung sa graduation niya noong kindergarten pa ito as valedictorian. Nakaka proud.

Binayaran ko ang apat sa mga bill ko bukas na ang iba dahil hindi na kakayanin sa oras.

Natapos ako ng mga alas tres ng hapon kaya sumaglit muna ako sa opisina upang e follow up ang iniwan kong trabaho Kay Sheila bago ko susunduin si Jared.

Tiningnan ko muna ang mga nagawa na niya, buti at okay naman. Mapagkatiwalaan talaga itong si Sheila.

Nagliligpit na ako ngayon upang masundo na si Jared at makauwi na rin. Pagod na talaga ako, bibili na nga lang ako ng panghapunan namin upang hindi na ako magluluto pa.

"Miss Anne, may naghahanap po sa inyu." Sabi ni Sheila na parang kinikilig dahil namumula ang kanyang pisngi.

"Sino?" At this time talaga? Hindi ba pwedeng bukas?

"Brett daw po." Nahihiya nitong sabi.

What the hell Sheila!

"Sige, lalabas na ako. Uuwi na naman ako e, hindi na office hour at!...hindi siya pwedeng pumasok sa opisina ko, kuha mo?" Madiin kong sabi dito. Hindi niya pwedeng makita ang mga larawan ni Jared dito.

Oo, siya ang tatay ni Jared pero ayokong malaman niya ang tungkol dito. Not now.

May binitbit akong files sa aking paglabas." Sheila...pakihatid naman itong files Kay Toni, sabihin mo kailangan yan para Kay Mr.Jagus." iniabot ko dito ang folder.

Tumango lang ito at ngumiti saka umalis.

"Anong ginagawa mo dito Mr.Walters?"
Pambungad ko sa kanya na prenting nakaupo doon sa may sofa malapit sa table ni Sheila. Tumayo naman ito bigla at ngumiti sa akin.

Bwesit na ngiti yan, kaya ba ang pula ng mukha ni Sheila kanina? What the hell.

"I'm here to decline your request."
Sabi nito.

"What?" Gimbal kong sagot dito.
"We are allowed of pulling out accounts kahit kailan namin gusto...ano 'to ngayon ha?" Nanggalaiti kong sabi sa kanya.

"That was before I take over the company..." Naka half smile pa rin ito. Natutuwa ba talaga siyang inisin ako?

Alam kong namumula na ako sa frustration. "Why are you doing this?"
Impit kong tanong, pinipigilan kong wag siyang masuntok.

"You really wanna know?"

"Just tell me! Damn it!"
My teeth gritted in frustration.

"To stay close to you, Anne." Maamo nitong sabi, his face is now a soft as cotton.

It gives me goose bumps.

"I wanna stay close to you Cinderella..."

It took me seconds to composed myself again.

Tumango tango ako when I realized something.

"Stay close? Kaya pala iniwan mo ako sa ere?" I said sarcastically.

He open his mouth, maybe to say something but then he close it again siguro nawalan na ito ng masasabi.
Yumuko ito.

"I'm sorry Anne, I just don't have a choice." He shamely said.

"Bakit? Kailan ba ako naging option?"
May hinanakit kong sabi."you know what? I don't care if you leave, wala namang tayo e. Sana lang kahit sa 1/4 sheet of paper nagpaalam ka man lang hindi sana ako nagmukhang tanga doon sa sinabi mong lugar na pagkikitaan sana natin...but anyway forget it, its been years." I know I sounds bitter, pero mapipigil ba niya itong ilang taon kong galit sa kanya at sa pamilya niya? Wala siyang ideya kung paano nila ako ininsulto at pinahiya.

Kaya may naman siguro akong ipagkait sa kanya ang anak niya. Wala akong nakikitang rason para ibalandra ang anak ko sa kanila, at ano ang sasabihin nila? Na gagamitin ko ang anak ko para lang makisawsaw sa kayamanan nila? No way, hindi ko hahayaan na pagdadaanan ng anak ko ang pagiging unwanted sa isang pamilya.

Kaya sa abot ng makakaya ko, gagawin ko ang lahat maibigay lang ang pangangailangan ni Jared nang hindi na niya papangarapin pa ang magkaroon ng ama.

Akmang lalagpasan ko na siya ng mahawakan niya ang braso ko.

"Anne, I'm really sorry. If only you could let me explain... Please!" Pagmamakawa nito.

"There is no use Brett, I moved on already." Matigas kong sabi kahit gusto ko ng mabasag.

"Pero ako hindi pa, at wala akong plano na hayaan kang mawala sa kin ulit."

"- wait! Let me correct you Mr. Walters... I never been yours...so let go of my arms may pupuntahan pa ako." I give him a sharp glare kaya napabitaw ito sa akin.
"Excuse me."

Nagtuloy tuloy na ako sa elevator ngunit bago pa man ito sumara ay narinig ko itong sumigaw bahagya.

"Hindi ako susuko....Cinderella!"

Mu heart jumped.

Cinderella, yun ang tawag niya sa akin dati. Yun kasi ang ang character ko noong una niya akong makita sa intablado.

Kinakabahan ako, kailangan ko ng dubling ingat upang hindi sila magkita ni Jared, dahil kahit hindi siya magtanong alam kong malalaman niya.

Para silang pinagbiyak na bunga.






❤5.17.2017

Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon