chapter 32

31.9K 859 17
                                    


Naagapan namin ang ataking iyun ni nanay ngunit hindi ang pangalawa. Matapos kong ipakilala ito Kay Jared ay bumitaw na siya.

Parang bumagsak sa akin ang langit. Kung kailan okay na ang lahat saka naman siya nawala sa amin.

Dalawang araw lamang ang burol ni nanay, hindi ko kasi kayang makita siya sa kabaong. Dinamayan ako ng mga kaibigan ko at mga kaanak namin. I shoulder all her funeral and burial expenses dahil si Brett ang nagbayad sa dalawang bill ng ospital. Gusto niya sanang siya nalang ang gumastos ng lahat pero pinigilan ko siya, kahit pambawi ko nalang ito kay nanay.
Kaya hindi na siya nagpumilit pa dahil alam niyang nagdadalamhati ako.

He never leaves my side all the way, hindi ko alam kong  sino pinahawak niya sa mga Kompanya niya at hindi talaga siya humawak ng laptop although may mga katawag naman siya.

Bukod sa condolences at mga pakikiramay ay wala akong ibang narinig sa mga kaanak namin na hindi rin ako kinilala dati. Hindi nalang ako nag aksaya ng panahon upang kausapin sila, ang importante ay hinayaan nila ako na sa aking kagustuhan sa pagburol at pagpapalibing kay nanay.

Sa isang eksklusibong sementeryo ko pinalibing si nanay. Binigyan ko siyang ng marangyang burol at libing para mapanatag kahit kunte ang damdamin ko.

"Lumaki akong wala sa piling ni nanay. Sa aking pagkakatanda ay hindi niya ako kailanman kinilala. Ilang beses akong nagmakaawa sa kanya ngunit makailang beses din niya akong tinakwil, dahil sa Isa akong kasalanan. Kahit anong gawin kong pagsisikap sa eskwela at bilang isang mabuting bata dati ay hindi niya parin ako matawag na anak. Naiinggit ako lage sa mga kapatid ko na alagang alaga niya. Hanggang sa napagod na ako, nagsumikap akong mag isa, gusto kong sa muli naming pagkikita ay maipagmamalaki ko ang aking sarili sa kanya at baka sakaling matanggap niya ako. Ngunit ang mga panahong nagsusumikap pala ako ay naghihirap na pala siya." Humikbi ako, nasa harap ako ng aking mga kaanak, kaibigan at kakilala, nagbahage sa aking karanasan patungkol kay nanay.
"Inaamin kung may galit ako sa kanya dahil naiinggit ako sa mga batang may pamilya. Nandoon nga siya ngunit ni ang pagtingin sa akin ay kaysakit na sa kanyang mga mata. Binaon ko ang galit na iyun upang magtagumpay. At ngayong nakamit ko na nga yung mga pangarap ko,wala na siya upang pagmalakihan ko. Sinayang ko lang pala ang mga panahong dapat pala ay nagbakasakali ako uli. Sana naalagaan ko man lang siya kahit sanadali." Ang sakit palang balikan ang nakaraan ngayong nagsisimula na ako sa bagong yugto ng aking buhay." Naisip ko ngayong may anak na rin ako, hindi madali ang magbuntis lalo na at hindi mo naman ito kagustuhan, kaya naintindihan ko na si nanay... Nay kung nasaan kaman ngayon Mahal na mahal kita."

Tiya Tamil and Arra shares also, mula daw noong umalis ako sa amin ay panay daw ang silip ni nanay sa bahay ni tiya Tamil upang makibalita tungkol sa akin. Hindi man nagtatanong si nanay ngunit halata daw hinahanap niya ako, lalo akong naiyak sa nalaman kahit papaano pala ay may concern siya sa akin. Malaking bagay na iyun sa akin.

At si Arra, noong naghiwalay daw si tatay niya at si nanay ay panay daw ang lasing nito at sinasabing magiging katulad ko daw ang lahat,iiwan siya kapag napagod na. Parang gusto ko yata siyang yakapin sa kabaong niya. Ang sakit sakit, umalis ako dati dahil ayaw niya sa akin yun pala ay hahanapin din, hindi niya lang alam ang mamuhay mag isa lalong lalo na kapag may pinagdadaanan ka ang hirap. Pero hindi ko na maibabalik pa ang dati kaya kung ano man ang pwede kong magawa ngayon ay gagawin ko. Hindi man ako nakabawi sa aming dalawa, babawi ako sa mga kapatid ko.

Matapos ang libing ay sinama ko sa maynila si Arra at si kattie. Plano kong bigyan siya ng trabaho sa Kompanya namin at pag aaralin si kattie para naman may kasama si Jared. Si Boyet ay maiiwan dahil may pasok pa ito, doon niya daw tatapusin ang kanyang kolehiyo. Binigyan ko siya ng address namin at nang makadalaw naman siya. Nag iwan din ako ng numero ko kina tiya Tamil upang makontak namin sila.

"Ate, first time kong makatuntong ng condominium, ang laki pala."
Excited na sabi ni Arra habang lulan kami ng elevator.

"Alam mo, hindi naman talaga sa akin yung unit dito, sa kaibigan ko e nag asawa na kaya ibinigay niya sa akin. Nasa isang apartment lang kami ni Jared dati." Sabi ko dito.

"Kayo ni Jared? Bakit, nasaan si kuya Brett?" Natigilan ako, hindi ko pa nga pala naikwento sa kanya ang storya ko, ang Alam nga niya ay mag asawa kami ni Brett.

"Wala pa si Papa dati Tita Arra, kami lang po ni mama. His in London." Singit ni Jared na nakahawak sa  akin, hindi namin kasabay si Brett dahil may kausap pa ito sa phone niya at susunod nalang daw kaya sinabing kong sa unit ko kami tutuloy. Si kattie naman ay nakatulog na sa kamay ni Arra kaya ako na ang nagdala sa maleta nila,Isa lang naman yun mga kagamitan mostly ni kattie.

Tumingin ng nakakunot ang noo ni Arra sa akin.

"I'll tell you later..." Gusto kong kami lang dalawa dahil maaring may hindi dapat marinig si Jared sa mga sasabihin ko.

Tumuloy na kami sa unit namin at mangha ang nakikita ko sa reaction ni Arra. Nilubot niya ang buong unit matapos ilapag sa kama ni Jared si kattie na nakatulog na.

Tapos na kaming magdinner bago paman kami umuwi.

"Ate ang ganda, may veranda pa. Ate mayaman yung kaibigan mo ano? Saan doon, si Toni o si Amber? Mukhang pareho naman silang mayayaman." Amazement is visible to her face.

Nag linis na ng katawan si Jared upang maghanda sa pagtulog, kaya naman niya kaya hinayaan ko nalang.

Kumuha ako ng dalawang baso ng juice at nagpatiuna sa veranda.

"Kay Toni ito unit mula noong college pa kami. Oo mayaman sila pareho dahil nakapag asawa sila ng mayayaman. Well si Toni ay mayaman na yung pamilyang umampon sa kanya at si Amber ay anak ng sundalo at nakapangasawa nga ng mayaman, si Dwight." Tumango tango naman ito habang umuupo sa silya. My phone beep and it was Brett.

Brett:

I'll just change, pupunta din ako diyan.

Napangiti ako, ultimo ang pagbibihis ay ipagpapaalam pa talaga.

"Dito din ba nakatira ngayon si kuya Brett?"
She asked then sip her juice.

"May unit siya sa kabila, magkapitbahay lang kami."

"Ano?" Hindi makapaniwalang sabi nito at talagang lumaki pa yung mga mata niya.

Natawa tuloy ako, mahaba habang kwentuhan yata ito.









❤7.2.17

Bitter Feelings (SBH Series#4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon